Saturday, March 11, 2006

Halina, Tagay Muna!

Mga fafas, mga mamas, mga ka-kosa, tuloy muna kayo. Weekend naman, relaks muna tayo. Eto, tagay muna kayo. Masarap yan San Mig Strong Ice, the strongest beer in NZ. $2.20 bawat isa niyan dito. Para sa inyo, nagbukas na ako at nagpalamig na sa pitsel. May matching Boy Bawang pa tayong pulutan.

Image hosting by Photobucket

Ewan ko nga ba ba't nagtataka ang mga nakakainuman ko dito. Mas masarap daw ang beer ko. Kakaiba daw ang pait. hehehe

24 comments:

  1. Uy buena mano! Ang hirap mag post ng comment dito KU. La wenta connectment ko sa internet. Huhuhu.
    Ka tagay mo ba si Tanggero?

    ReplyDelete
  2. Uy buena mano! Ang hirap mag post ng comment dito KU. La wenta connectment ko sa internet. Huhuhu.
    Ka tagay mo ba si Tanggero?

    ReplyDelete
  3. ayus! tslap tslap pero buti may boy bawang dyan sa NZ. hehhehe sikat na dito yan eh! may maganda pang packaging yun malalaki.

    tagay na! este pede gang bote bote na lang? para kasing kilala ko yun pitsel na pag tatagayan eh! weheheheh

    ReplyDelete
  4. sayang ka uro, hindi ako umiinom ng beer...pwedeng akin na lang ang boy bawang? hehe.

    ReplyDelete
  5. Naku Ka Uro, hindi naman kaya yung kakaibang pait ng beer mo eh dahil na rin sa katas ng pitsel mo? hahaha

    Sarap yang Boy Bawang, inuwian ako ni Des from Cali...may kasama pang Goldilocks mamon and mocha roll. Yum!

    ReplyDelete
  6. ha ha sarap ng beer ka uro pero sa bote na lang ako ayoko ng tagay sa pitsel mawawala yung orihinal na sarap ng beer eh magkakaroon ng sabi mo nga eh kakaibang pait :)

    ReplyDelete
  7. nice! yan ang suggestion ko retire mo na tabo mo at gamiting mo ng pitsel para sa tagay ng beer. ayos na ayos ang inom ni tanggerz at ni papa kadyo pati ni kabayang deng. tiyak na kikiligin sila sa sarap at mawiwika.....isa pa nga!

    ReplyDelete
  8. sa amin na lang ang boy bawang fafa KU! baka kc iba ang laman nyan eh :D

    *di isinali ni fafatoy sarili niya, retired na??? tsk tsk tsk ...iba na talaga ang tumatanda. hehehe

    ReplyDelete
  9. pwede kang gawan ng commercial.

    Kung si FPJ eh "Ibang me pinagsamahan"

    Sayo naman eh

    "Iba ang may pinaghugasan"

    Me patilya ka ba ? :) Baka ikaw na nga ang bagong panday.

    ReplyDelete
  10. San Mig woww!...may boy bawang pa,KU ako direcho na lang sa bote mas masarap yata,pass ako sa tagay galing pitsel mo hehe!

    ReplyDelete
  11. Wow, San Mig and boy bawang in NZ, super!!

    KU, napansin ko ata si yellow RARO na umistambay sa CR ninyo... all purpose pala yaang pitsel na yan! Ano kaya ang lasa nong beer in the RARO? he he he

    ReplyDelete
  12. Wow! celebration ba?? Boy bawang lang ako....hirap na...hehehe

    ReplyDelete
  13. kulang! kulang sa ka-table at videoke, heheheh. lakas mang-inggit

    ReplyDelete
  14. Boy bawang nalang ang gusto ko KU, salamat nalang sa beer, sarap sana kaso katabi pitsel eh, :)

    ReplyDelete
  15. sa mga tumagay at umubos ng boy bawang salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon. next time hard naman ang inumin natin... para di malasahan ang pait nung pitsel. hahahah

    ReplyDelete
  16. may boy bawang pa ba? nabitin ako. okey ang tagayan dito.

    ReplyDelete
  17. Saan mo ba nakukuha iyang mga Pinoy products sa NZ? Dito sa NY, wala akong nakikita. In fairness, medyo liblib kasi ang Buffalo kumpara sa NYC, kaya siguro wala.

    Hehehe, natawa ako doon sa tabo mo ah.

    LIW

    ReplyDelete
  18. di ko yata kilala si boy bawang a hehe..ok sa weekend!

    ReplyDelete
  19. pinoy na pinoy ang inuman jan ah! heheheh.. pinoy na pinoy pa rin sa nz... me boy bawang , me pitsel at me tabo...heheheh... di na nila halata un, lasing na sila fafa ka uro

    ReplyDelete
  20. uy, boy bawang... sarap niyan...

    ReplyDelete
  21. mas masarap usually ang alcohol kung provided ng iba.

    ReplyDelete