mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, March 09, 2006

Multi-tasking Tabo

Na-impress ako ng husto sa picture nung tabo ni fafa Atoy. Pano kasi bihira ang ganung tabo sa NZ. Ganun pa man hindi patatalo ang mahal kong tabo. Yung tabo ni Atoy isa lang ang role sa buhay. Ang aking tabo'y versatile. Kapag maraming bisita nagagamit ding panimpla ng juice. Talented siya, di ba?

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Yung mga naging bisita ko sa bahay, isipin niyo, nasarapan ba kayo sa juice?

16 Comments:

  • hahaha...tabo sa kubeta! y not...

    bihira talaga tabo sa ibang bansa..onli in the pHilippines yan eh?

    at lampas kaya sa kalahati ng populasyon ng pinas ang me alam ng ENGLISH SA TABO?

    heheheheh

    By Blogger lojika, at 8:28 PM, March 09, 2006  

  • Salbahe! LOL!
    Buti na lang ay malayo a kosa inyo at di makabisita at di rin makakatikim ng juice n'yo...hehehe

    Ano nga pala ang pangalan ng tinitimpla mong juice??

    By Blogger Flex J!, at 10:20 PM, March 09, 2006  

  • KU, ebil ka ebil! =P
    pag napadpad ako dyan, bibili na lang ako ng bottled drink ko. wekekeke.

    By Blogger ria, at 10:30 PM, March 09, 2006  

  • Hahaha..galing ng tabo mo KU all around pala yan ha, :)
    pag bumisita ako sa inyo ako na ang magdala ng inumin ko hehe..

    By Anonymous Anonymous, at 7:11 AM, March 10, 2006  

  • malasa, masustansya.. hindi lang pampamilya pang isports pa !

    By Blogger Senorito<- Ako, at 11:17 AM, March 10, 2006  

  • pwede ba pag napadalaw ako diyan sa inyo tubig na malamig na lang ang ipainom mo sa akin.
    sa warehouse daw ni mrs. nabili ang dipper. siguro meron din diyan sa auckland baka naman hindi ka lang makapagconcentrate sa paghahanap kasi abala ang isipan mo sa kayaayang mga tanawin ng mga babong.
    pag nakabili ka gamitin mo na ,lang ang versatile mong tabo bilang timplahan ng juice or sa beer pag napadayo diyan si tanggerz at papa kadyo. tiyak na masisiyahan sila sa lasa at mawiwika nila... isa pa nga...

    By Blogger RAY, at 11:48 AM, March 10, 2006  

  • Hmmm buti na lang malayo Japan sa NZ haha..kulit mo KU,at talagang kinunan mo pa ng picture ha^_^
    And if ever mapadaan ako dyan sayo magdadala na ko ng mug ko..mas malaki dyan hehe^_~
    Good morning...Have a nice day!

    cheers,
    -kathy-

    By Blogger Kathy, at 12:38 PM, March 10, 2006  

  • hahahaha ganda naman ng tabo nyo, napaka talented talaga, heheheh

    By Blogger Unknown, at 8:24 PM, March 10, 2006  

  • makakatipid ka pala fafa KU kung bwibwisit ang ibang fafas sa iyo lalo na't matagal bago sila matumba...recycled bah! hehe

    danke (thanx)! ngayon alam ko na di ako iinom ng juice jan sa inyo :D

    happy flyday fafa!
    lipad na uli si darna...tschuess (bye)!

    By Blogger nixda, at 8:34 PM, March 10, 2006  

  • Aba'y galing pala ng tabo nyo talentado nga! hindi lang pang banyo pang mesa pa! lol

    By Blogger jlois, at 2:01 AM, March 11, 2006  

  • HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!

    Kapag bumisita ako sa inyo Ka Uro, at inalok mo ako ng juice, sasabihin ko hindi ako nauuhaw kahit lawit na ang dila ko hahaha

    By Blogger Unknown, at 6:58 AM, March 11, 2006  

  • durian juice meron b dyan sa NZ? cguro ganitong juice lahi yun binibigay mo sa bisita mo! hehehe

    By Blogger Deng's Outdoor World and Travel, at 6:04 PM, March 11, 2006  

  • 'langyang tabo yan, sa sobrang talented, ayoko ng gamitin sa juice! he he water please..

    By Blogger bing, at 4:43 AM, March 12, 2006  

  • Di ba uso dyan yung pang-spray (with hose) ng wetpu? Yung friend ko nagdala ng maraming ganon noong huling balikbayan nya.

    By Blogger jinkee, at 11:01 PM, March 15, 2006  

  • hahaha!ang galing ng tabo mo KU...nakiraan lang sa blog mo...ang ganda ng humor..nakakawala ng pagod mga posts mo!galing talaga!

    By Blogger ev, at 2:09 AM, March 31, 2006  

  • KU,

    NZ$7 na pitsel din ang tabo namin sa bahay. Meron naman palang ibang mas murang options sa Warehouse pero mukhang idol ka ng asawa ko. he he he

    By Blogger jinkee, at 10:12 AM, June 07, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker