Mga Dapat Tandaan Kapag Nagpalit ng Address sa NZ
When you change your address, there are a few things thing you should always if you want to prevent your mails from being lost. Dahil kung hindi, sa luma mong address idi-deliver ng postman ang mga sulat mo at eventually baka mawala ang mga ito. Papaano kung importante ang sulat? Mga bills, sulat galing sa mga inaplayan mo ng work, o baka pre-approved credit cards, o kaya sulat galing sa wisheart mo. Kaya, importante na huwag mong kaligtaan gawin ang mga sumusunod na ito.
- Mga isang linggo bago ka pa lumipat sa bago mong address, pumunta ka na sa pinakamalapit na branch ng NZ Post, and ask for a “Change of Address Request”. Fill up mo lang ang form na ito para sabihin sa kanila ang bago mong address. NZ Post will then redirect your mails to your new address for two months free.
- Sa NZ Post pa rin, humingi ka ng “Change of Address” cards. Parang post cards lang ito at walang bayad ito. Humingi ka kahit ilan, say 20 pieces. Tapos you send one card each to your friends, relatives and business connections to inform them of your new address. You can send these cards to local or overseas recepients, all for FREE (no stamps required). Lahat ng kilala mo (maliban sa mga kaaway at mga pinagkakautangan mo, hehe) kahit nasa abroad padalhan mo. Huwag mong kakalimutan bigyan ang iyong bank, insurance, Inland Revenue (IRD), Land Transport and Safety Authority (LTSA), telephone and power companies.
- If you think, it’s too much hassle to fill up cards, pwede rin gawin ito online sa internet. Just go to http://www.changemyaddress.co.nz/ then there you can enter your details and select the organisations you want to notify.
- Minsan may mga organisations na nakakaligtaan pa rin palitan ang iyong address sa kanilang mga computer system kahit pinadalhan mo na ng cards. So it is still important to give them a call if you feel their mails are too important to be misplaced. Halimbawa ang mga banks, insurance company, LTSA at IRD. Mas maganda nang tawagan pa rin sila para right then and there mapalitan nila ang details mo sa kanilang computer system.
5 Comments:
Buti na lang may isang Ka Uro na napakamatulungin. I'm sure marami kang natulungan sa piece of info na ito.
By Unknown, at 3:59 AM, November 30, 2005
Hi KU,
That was a very nice post! =)
Best Regards,
-Jack
By Anonymous, at 8:15 PM, November 30, 2005
Hi Ka Uro, you're very informative here, nice going. It's good kasi if ever anyone wants to migrate dyan may "heads up" na sila. Parang guide talaga for those who doesn't know pa.
By Anonymous, at 4:36 PM, December 01, 2005
Halo Kauro, galing ng post mo :) nakakatulong talaga 'tong mga information mo,.. mabuhay ka Ku!
By Anonymous, at 3:49 AM, December 02, 2005
ganyan din ang system dito, mas matagal nga lang yata, i guess mr postman will redirect mails within 6 months. hmmm, medyo maraming similarities nga yata yung system dito at dyan.
By Analyse, at 3:52 AM, December 02, 2005
Post a Comment
<< Home