Schooling para sa ating mga Tsikiting
Pre-school
Sa atin kahit tatlong taon pa lang ang bata pwede nang ipasok sa pre-school. Dito walang pre-school na katumbas sa atin kung saan tinuturuan na ang bata ng abakada at calculus (exaggeration lang). Ang meron lang dito mga child care centre para sa mga batang below 5 years old. Sa mga centre na ito, walang pag-aaral, puro laro lang ang bata.
Kung sa atin ay may kindergarten, dito ang tawag nila “kindy”. Sa kindy medyo ini-introduce na sila sa pag-aaral, pero mostly laro pa rin.
Kaya nga kung iisipin mo, lubhang mas-advance ang kaalaman ng mga batang below 6 years old sa atin. Problema lang sa atin pagdating ng elementary at high school, lalo na’t sa mga public schools kulang na tayo sa resources, text books, at magagaling na titser, kaya napag-iiwanan din ang mga kabataan natin.
Elementary and High School
After kindy, papasok na ang bata sa primary, intermediate, then secondary school. Parang elementary at high school din sa atin. Pero instead of Grades 1 to 6, tapos 1st year to 4th year, they have Primary School - Year 1 to 6, Intermediate School – Year 7 to 8, Secondary School – Year 9 to 13. Sa totoo lang, kahit matagal na ako dito, di ko pa rin maintindihan ang education structure nila. Siguro mas maigi pa, punta na lang kayo dito http://encyclopedia.lockergnome.com/s/b/Education_in_New_Zealand, mas malinaw ang pagka-eksplika rito.
Kung susumahin mo ang bilang ng taon ng pag-aaral dito mapapansin mong mas mahaba ng dalawang taon. Matatapos ang bata ng secondary school sa idad na 17/18. sa atin ang alam ko 16 tapos na ng high school. Kaya nga lang dito, mas shorter ang college courses., kaya pareho din.
Siyanga pala, ang isang napansin ko dito, hindi sila mahilig sa graduation. Unlike sa atin, after kindergarten may graduation, grade 6, graduation, 4th year, graduation na naman. Dito umabot na sa Year 10 ang anak ko wala pa ni isang in-attend na graduation. Ewan ko lang pagkatapos ng Year 13.
Magkano naman ang expected cost ng pag-aaral dito? Primary up to secondary schools libre lang sa mga public schools. At okay naman ang standard, katumbas din ng mga private. Yung iba nga mas mataas pa. May mga private primary schools na mababa din ang singil kasi may subsidy sila from the government. Katulad ng anak ko na nakatapos ng Year 7 sa Mt Carmel School. Isa itong private Catholic school. Ang binabayad lang namin noon $34 per term (apat na term per year). Kaya lang may additional na amount $200-$300 per year, “donation” kung tawagin nila na sinisingil nila sa bawat bata. Para ito sa mga gamit ng bata at sa mga field trips, etc. Sulit naman ito at tax deductible pa.
Pagdating ng Intermediate/Secondary School, medyo tumataas na ang gastos. Depende sa school na papasukan ng bata, you could spend from $500 to $15k per year. May mga private Catholic schools na reasonable naman ang tuition around $2k to $3k per year.
After Secondary School
Sa mga Kiwi, kapag natapos na ng secondary school ang anak nila, considered tapos na rin ang obligasyon nila. Dahil at that age, around 18 years old, considered ng adult ang bata. Pwede na nga nilang palayasin if they want to. If the child decides to be independent, that’s his/her prerogative. And if he/she is independent, pwede rin siyang humingi ng support sa gobyerno kung gusto niya. Medyo kakaiba ito sa kinagisnan natin sa ating kultura.
At 18, if the child wants to continue studying he/she is normally expected to shoulder the expense. Pwede siyang mag-avail ng student loan para pang matrikula, to be paid when he/she gets a job later.
Kung mahilig naman ang bata sa mga blue collar jobs, pwede siyang pumasok sa mga vocational o trade schools. Okay din ang mga eskwelahan na ito. Kadalasan meron pang apprenticeship ang bata, parang on-the-job training. Practical experience na at may matatanggap pa silang allowance.
Kagandahan lang dito, hindi big problema ang schooling ng bata. At kapag nakatapos sila rito, malaking chance na makakakuha sila ng magandang trabaho hindi lang dito, kundi maging sa ibang bahagi ng mundo.
6 Comments:
pareho din pala dito sa singapore, pero napansin ko lang dito, daming tuition classes (tutorials). pero ang maganda talaga, di masyadong pabigat dyan ang tuition fee at quality education ang tinuturo nila.
wala ka na bang balak ng 'ka uro JR.' sir? tagay mo na!
By Tanggero, at 1:19 PM, April 13, 2005
ang isang raket dito yang mga inglis iskuls. daming intsik at hapon ang kumukuha, mahal pa ng tuition tapos inglis lang ang pag-aaralan. dapat nga magtayo na lang tayo dito ng ganon.
tungkol kay 'Uro Jr', nagtatalo pa kami ni esmi. kung ako daw ang magbubuntis, pwede.
By Ka Uro, at 3:38 PM, April 13, 2005
Ka Uro,
First, let me congratulate you for a very informative yet entertaining blog. I found out about it thru the BackpackNZ forum.
My question is with regards a child's turning 18 as the "age of emancipation" or the age that minors gain their "freedom". (Pasensysa na at natutunan ko kasi ito sa law prof namin!)
Anyway, if children are encouraged to become very independent at that age, and even "pwedeng palayasin" as you wrote, masasabi mo ba na ang kiwi culture does not put value on families?
Kasi, diba uso sa mga Kano to send away their elderly parents to old folks' homes or retirement homes? Samantalang dito sa tin, ang mga lolo't lola ay inaalagaan sa sarili nating bahay, out of love and continue to be treated respect.
Kung ugali ng mga Kiwi na pagdating ng 18 yrs old, sinasabi nila sa mga anak nila "Bahala ka na sa buhay mo", then diba balang araw, ganun din ang gagawin sa kanila? Masasabi mo bang di magkalayo ang kultura ng Kano at Kiwi pagdating sa pag-aalaga ng nakababata at nakatatanda?
By Anonymous, at 3:05 AM, April 18, 2005
compared to other cultures, ang mga kiwi masasabing family oriented kasi mas-closer sila sa isa't isa. kahit matatanda na ang mga anak at may sariling mga pamilya madalas pa rin silang nagkikita-kita at nagsasalo-salo.
i suppose there is a thing as learning to be independent and self-reliant. isa itong trait na ine-encourage sa mga kabataang kiwi para hindi sila maging pabigat sa mga magulang. at the age of 18, kiwi teens are expected to be able to tend for themselves. nais din naman kasi ng gobyerno na mag-enjoy ang mga parents sa kanilang katandaan kaya ine-encourage na maging independent kaagad ang mga 18 year olds at hindi na maging pasanin ng magulang. anyway, may government support naman matatanggap ang mga 18 year olds.
By Ka Uro, at 10:02 AM, February 24, 2006
Ka Uro, congrats po sa napakagaling po ninyong blog. very informative po at nakakaaliw ang mga posts nyo. first time ko po mag post, query lang po tungkol sa iskuling ng bata. yong student visa ba ay pwede na sa secondary school. andito po kasi kami ngayon sa Qatar, mahal din po ang iskuling dito lalo na pag sa american or british school. may nabasa po ako dito sa blog nyo na about $10K to $15K ang babayaran sa isang school year, for tertiary po ba yon, technical course & vocational course, NZD po ba or USD? nabsa ko rin po dito na madali lang kumuha ng student visa, pang tertiary po ba ang student visa, or kahit secondary pa lang ay pwede ng kumuha. Plano po kasi namin na pupunta lang dyan si dear hubby pag may job offer, pag wala dito na lng sya sa mid east kami na lang mag iina para sa iskuling ng bata. Yong offer po kasi para sa field nya na nakikita namin sa mga ads ay mas mababa kesa sa kinikita nya dito. Anyway plano pa lang naman po yon, 3y/o & 1-1/2 pa lang naman mga tsikiting namin, pero ngayon pa lang pinaghahandaan na namin. Palaki po kasi ng palaki ang gastos sa iskuling nila. Maraming salamat po and more power.
By Anonymous, at 8:46 PM, August 24, 2006
yung $10k to $15k, NZD yon. that's for senior school and university. senior school is equivalent to our 4th year HS and 1st and 2nd year college.
pwede kumuha ng student visa kahit secondary o tertiary, kailangan lang i-enrol yung bata bago pumunta ng nz embassy.
pambihira ka naman o. 3y.o pa lang pala ang panganay mo. sa elementary school, hindi naman aabot ng $10k. i suggest mag-search ka sa google ng mga schools dito sa nz na tumatanggap ng grade school tapos kontakin mo by email at magtanong ng fees. open naman karamihan sa mga international students.
By Ka Uro, at 3:07 PM, August 25, 2006
Post a Comment
<< Home