Kapag tayo'y matanda na... sana...
Ooperahan ngayong araw na ito sa bladder ang father-in-law ko sa Kidney Center sa QC. P80k daw ang gastos ng operasyon. Shempre kailangang magpadala ng pera. Kung sanang nandito ang in-laws ko, e di sana walang problema sa medical expenses na tulad nito. Subsidized kasi dito ang mga ganitong operasyon.
Sa States, kapag citizen o may green card ka na, pwede mo nang kunin ang parents mo. Yun ang kaibahan dito sa NZ. Ang ruling kasi dito, pwede mo lang makuha ang parents mo kung mas marami kayong magkakapatid ang nandito o kaya parehas ang bilang. Kung mas marami ang nasa Pinas, di sila pwedeng bigyan ng residency. Halimbawa, lima kayong magkakapatid, at dalawa andito, tatlo sa Pinas, di pwede. Kung tatlo dito, dalawa sa atin, pwede. Kung dalawa dito, dalawa sa atin, at isa sa ibang bansa, pwede rin.
Kung tutuusin, isa itong loop-hole na tine-take advantage lalo na ng mga taga ibang nasyon (mga intsik halimbawa). Kadalasan marami silang magkakapatid, so ang ginagawa nila, pinakukuha nila ng resident visa ang mga kapatid nila sa iba’t ibang bansa, kabilang na dito ang Pilipinas. Halimbawa, apat silang magkakapatid. Isa nasa NZ, tatlo na sa Tsina. Gagawin nila, yung isa papupuntahin nila sa Pinas, yung isa sa Singapore, at yung isa maiiwan sa Tsina (halimbawa lang ito). Sa ganitong paraan, may isang kapatid sa bawat bansa, kaya yung nasa NZ, pwede na niyang kunin ang mga magulang niya. Kapag, andito na ang mga magulang nila, pwede nang bumalik sa Tsina ang mga kapatid, o kaya naman, ang magulang ang mag-sponsor sa mga kapatid papuntang NZ. Lahat ito ligal. Sabi ko nga, taking advantage lang sa ruling.
Bakit nga ba ganoon ano? Kami dito gusto namin kunin ang mga magulang ni Jean, pero di pwede. Lima pa kasing kapatid niya ang nasa atin at isa nasa America. Yun namang kapatid niya sa US na pwede nang i-sponsor ang parents niya, ayaw naman. Hay... buhay!
5 Comments:
ang interesting naman ng post niyo. ganyan pala ang ruling diyan sa NZ. kaya din siguro pinadedetalye nila sa eoi yung kung ilan ang siblings, etc. sana ay maging smooth ang operation ng father in law niyo.
By Anonymous, at 1:48 PM, April 07, 2005
tama yon. isa yon sa reasons kung bakit detalyado dapat. kapag wala sa listahan, maiiwan sa biyahe. di pwedeng sabihin mo later na nakalimutan mo lang. oo nga sana ok naman ang operation niya.
By Ka Uro, at 1:57 PM, April 07, 2005
Iniisip nga rin namin ni Raquel na baka kunin namin mga magulang namin sa future. Kaso ang iniisip ko e kung kakayanin ba yung gastos. I mean, mas mura pa rin kasi yung padalhan namin sila ng pera sa Pinas. Yung pera na iyon pag ginastos dito sa Oz, hindi tatagal yon. Sa Pinas mas tatagal. Yun at meron din ditong mahal na bond sa bawat magulang na dadalhin mo. Ah well.
By Gabeprime, at 7:13 PM, April 07, 2005
Geejay, if you sponsor your parents for PR, then they go there, wouldn't they be entitled to benefits because of their age? advantage if they're there is the medical and hospitalisation. alam mo naman sa atin mahal.
By Ka Uro, at 7:13 AM, April 08, 2005
I pray that everything will go well with the operation.
Oo nga po Ka Uro...hindi lang po pera ang dapat pag-usapan pero yung over-all quality of life. Saka at least, kung may PR na tatak na passport ng parents, in case of emergency may iba silang bansang pupuntahan.
Pero tama ka rin Geejay, madugo nga ang policy diyan sa Oz! Goodness, the bond ranges from AUS$8,000 - AUS$25,000 (para mapabilis at hindi na mag-waiting list daw). Korek ba to?
By Anonymous, at 7:32 AM, April 08, 2005
Post a Comment
<< Home