Flat/Apartment Search Part 1
Nitong mga nakaraang araw, medyo naging abala ako sa paghahanap ng flat o apartment na matutuluyan ng isang Pinoy family na darating sa
Primerang konsiderasyon ay ang location. It’s either sa city mismo o sa mga karatig na suburbs. May advantages and disadvantages ang bawat location. Kung sa city, ang advantage ay ang transport. Dahil karamihan ng mga malalaking companies nasa city, mas madali kang makakapag-apply ng work at hindi mo na kailangan ng sasakyan. Lalakarin mo na lang. Tapos kung sa city ka rin makahanap ng trabaho, mas okay. Menos sa gas o sa pamasahe. Karamihan din sa mga city apartments ay fully furnished, kasama pati fridge, stove, washing machine, dryer, sofa, beds, kumot, unan, mga plato, kaldero, kutsara at tinidor sa upahan. Damit mo na lang ang kailangan mong dalhin. Most city apartments are in high rise buildings by the way. So kung may phobia ka sa heights o sumakay ng elevator, baka hindi ito option para sa yo.
Ang disadvantages ng city apartments, una, mas mahal ang rent. Kung may mura man, maliit ang mga sizes ng kwarto. Yung mga natingnan ko sa city, very claustrophobic ang feeling ko.
Sa mga suburbs naman, mostly single storey dwellings na flats kung tawagin. Most flats are rented out unfurnished. Ang appliance na parating kasama lang ay ang stove/oven. Kumpara sa mga apartment sa city, mas luma ang mga flats sa suburb. Minsan, worn out na ang carpets, hindi bagong pintura at luma na ang kitchen. Kaya naman mas mura ang mga flats sa suburbs. Kaibahan ng mga flats sa city apartments, mas malaki ng konti ang mga rooms at may yard na pwedeng gawing playground ni Totoy. Normally, may carport, garahe o space sa kalye for parking ng isa o dalawang sasakyan.
As a new migrant, which one is better? A city apartment or flat in the suburbs. Kung single ka o kaya dalawa lang kayo ng partner mo, hindi na masama ang apartment. Pero kung may pamilya, parang mas magandang tumira sa labas ng city . Living in a suburb flat forces the migrant to 1) buy a car and 2) buy furnitures/appliances as early as possible. Depending on your point of view, you can think of this as an advantage or disadvantege. Pero para sa akin kasi, yun naman ang ultimate goal mo as a migrant – to settle in NZ. So you'll have to buy those things anyway. Having a car and your own stuff simply makes you more settled.
City or suburb, still, it depends on one's preferred lifestyle. May mga taong gustong nakakakita ng crowds, meron naman ang nais na lang pag-tuntong ng alas singko ng hapon, ang tumakas sa siudad at mag-relaks sa sarili nilang hideaway. Ultimately, the decision depends on each person’s preferences and situation.
I’ll continue the discussion in my next post. Mahaba na ito for a single post.
15 Comments:
Dahil mayaman ako, sa mga mansion ako titira jan...bahala na...hehehe...
tama ka nga po, mahirap talaga ang maghanap ng tirahan na kumportable, at kadalasan kailanagn meron tayong iko-compromise...
kahit san siguro ganyan din ang problema...
hmmm...well, sa mga mansion pa din ako, hehe..joke lng...
mustamos po jan...
DOPS
By RAV Jr, at 2:40 PM, December 13, 2005
another informative post from the man...
salamat po. Big help ito!!!
lucie
By Anonymous, at 4:46 PM, December 13, 2005
I'd probably live in the suburbs. Isa sa mga gusto naming iwasan sa Pinas ay ang citylife.
Thanks for the post KU.
By jinkee, at 4:58 PM, December 13, 2005
agree ako jan!
dito din hirap mghanap ng flats lalo na sa city ... pero what to do ke city o suburbs area, highrocketed ang prices ng rent.. grrrrr
By Anonymous, at 7:41 PM, December 13, 2005
saan bang suburb ng auckland pinakamura ang upahan at bilihan ng bahay. Napakinggan mo na ba sa radyo yong pwedeng magdown ka lang ng 1000$ para bilhin isang unit ng tinatayong condominium sa loob ng city mismo, may mga kondisyon lamang.
By RAY, at 7:52 PM, December 13, 2005
nice info para sa mga mag uumpisa pa lang. here's my two cents: for a start, i'd rather prefer a flat sa city, sabi mo nga, you could rent for 3 months, then see the advantages and disadvantages from there. mas madaling mag adjust pag nasa city ka mismo and malapit sa lahat ng commodities. but anyway, kanya kanyang diskarte lang yan...when we bought our house, one consideration rin was the schools and nurseries, kahit wala pa si bébé nun, mas ok kasi yung education quality sa city, well, that's the case here...anyways, goodluck sa prend mo..
By Analyse, at 2:51 AM, December 14, 2005
Hi Ku, nice post uli :) good luck sa pren mo!
Merry Christmas!
By Ethel, at 7:19 AM, December 14, 2005
Hi Ka-Uro! Another option for your friend is somewhere at the city fringe. Not centrally located in the city, but not far out in woop-woop as well. May mga suburbs naman na 20-minutes walk lang to the city, or a bike-ride away.
I think OZ and NZ are pretty much the same... except for the trams in Melbourne! He he! I live in Carlton, which is not IN the city, but at the fringe of the city. When I have more time to spare, I walk... sarap naman. If in a bit of a rush, there's always the tram. As I said, many just ride bikes (di nga lang ako marunong!)
Happy Holidays!
By Jovs, at 5:08 PM, December 14, 2005
i would prefer the city, where everything is accessible and convenient.
By JO, at 5:27 PM, December 14, 2005
very good advice. kung auckland ang magiging bagsak namin, puwede bang magpatulong rin? salamat.
By Anonymous, at 10:01 PM, December 14, 2005
banjan,
siempre naman. email mo ako kapag may arrival date ka na.
By Ka Uro, at 8:09 AM, December 15, 2005
dops,
mahirap ang mansion. masyadong malaki. malaki din ang lilinisin.
lucie,
musta?
kiwinoy,
ako man sa suburbs din. pero minsan kapag nag-momower ako naiiisip ko mukhang ayos din sa city. wala kang imo-mower.
jinkee,
actually ang mga suburbs about 5 to 15 minutes away lang sa city. so if ever gusto mo ng action, madali naman makapunta sa city.
pobs,
sana kung pede mag-tent na lang ano?
atoy,
may ibang broker kahit walang down payment pede kang makabili ng property.
kadyo,
hindi mo pa kasi naamoy ang utot ko kaya mo lang nasasabi mo yan.
analyse,
mukhang masarap dun sa bahay ninyo sa pransiya. very relaxing din.
ethel,
thanks
jovs,
very good suggestion. yun din nga ang una kong option to find a flat closer to the city. kaya lang most of those at the city cringe are in fact the more expensive ones.
jo,
sa mga suburbs naman accessible din lahat. hindi naman kapag suburbs ay parang probinsiya. nasabi ko nga 5 to 15 minutes lang ang layo ng most suburbs sa CBD.
By Ka Uro, at 11:29 AM, December 15, 2005
okay lang po ku. we'll planning to leave by mid Jan. Hope to see you there...
lucie
By Anonymous, at 3:39 PM, December 15, 2005
lucie,
may pinost akong advert sa Pinoyz2nz na 1 BR flat sa auckland na mababakente sa 13 jan. $140 lang per week at nakita ko na. mukha naman disente. pero suitable lang for 1 to 2 persons. email mo ako if you're interested.
By Ka Uro, at 3:54 PM, December 15, 2005
salamat po ku, pero makikitira muna kami dun sa friend ko, nagtitipid, hehehe...
By Anonymous, at 11:21 PM, December 15, 2005
Post a Comment
<< Home