mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, February 02, 2006

Being an Ideal Guest in a New Zealand Setting

So now, alam mo na kung ano ang Tea, Dinner at Supper. Ano naman ang mga common protocols na dapat sundin kung ikaw ay naimbitahan dumalo sa isang kainan sa ibang bahay? You would want to project yourself as an ideal guest, siempre. Dahil kung hindi maganda ang impression sa iyo ng iyong hosts, asahan mong hindi ka na mai-invite sa uulitin. Sundin ang mga sumusunod.

  1. Huwag ma-late. Huwag pairalin ang Filipino time. Try to come 5 to 10 minutes early. And if you’re gonna be late for more than half an hour, give the host a ring.

  2. Huwag mag-sama ng iba na hindi naman invited. Kadalasan, tamang tama lang ang food na naka-prepare para sa mga invited guests. It’s a very awkward situation for the host kung may kasama kang isang banda, tapos ang nakahandang sinaing e isang rice cooker lang.

  3. Corollary to the previous rule, if you are not invited, don’t come. This is true in most children’s parties where only the children are invited. Malalaman mo ito kapag may naka-specify na drop off at pick up times for your child sa invitation. Kung walang naka-specify, ask. Huwag kang sumali sa children’s party, dahil usually wala naman nakahandang pagkain para sa adults. Sumali ka kung naka dress up ka na clown.

  4. Magdala ng drinks or food. This is optional pero kung malakas kang uminom better bring your own, a six-pack or bottle of wine. If you don't drink, bringing something for dessert will give you pogi points.

  5. Take your shoes off before entering the house. This is a common practice in NZ homes as a sign of respect and consideration for the house owner. Wala naman kasing maid dito na pwedeng maglinis ng sahig later. Pagkatapos mong hubarin ang iyong sapatos, ayusin mo sa isang tabi nang hindi ito maapakan o makatisod ng ibang guests.

  6. Make an effort to introduce yourself to other guests. Medyo hirap ako dito kasi likas akong mahiyain. But lately, I try to approach other guests, introduce myself "hi, I'm Brad, Brad Pwit" and shake hands with them.

  7. Offer to help in the kitchen. This will definitely give you more pogi points at tiyak na matutuwa ang iyong hosts. NZ households don’t have the luxury of domestic help, hence, they appreciate the slightest gesture to offer assistance especially in the kitchen.

  8. Restrain your kids. There is nothing more annoying than out-of-control kids running inside the house, spilling food and drinks on the floor and carpet. The sight of carpet stains, a sure thing to make your hosts’ blood boil or give them a heart attack. TIP: If you are the host and want to avoid carpet stains, offer only water or Sprite or 7up for drinks. No coke or red wine.

  9. When it’s time to eat, huwag makikiuna sa iba. Paunahin mo muna ang iba. Minsan nauna ako sa pagkuha ng pagkain; susubo na sana ako nang biglang nagsalita yung host: “Mag-pray muna tayong lahat. In the name of the Father and of the Son….”, pahiya ako, gusto kong maglaho nung oras na yon. ... Amen.

  10. Be considerate of the neighbors. After 10pm lalo na kung may pasok the following day, most people will already be sleeping. Ibaba ang volume ng karaoke or close the doors and windows. Patulugin niyo naman ang mga kapit bahay. Otherwise baka ma-report kayo sa noise control.

  11. Know when it’s time to leave. A party normally lasts around 2 to 3 hours. If you notice your host yawning or says something like “hay naku pasukan na naman bukas” o kaya nagpatay na ng TV at entertainment unit, it’s time to say goodbye. Kapalmuks ka na lang talaga kung hihintayin mo pa silang maglabas ng banig at kulambo.

Follow these simple rules and you’ll be assured for people to invite you again on the next occasion. Unless….if you never bother to invite them or reciprocate the favor, eventually makakahalata sila. Dahil bakit ganoon? Sila na lang parati ang naghahanda, ikaw, you don’t invite others to your home kahit, pa-skyflakes lang at pa-kape. Huwag madamot, paminsan minsan ikaw naman ang magpa-lunch or dinner.


20 Comments:

  • yan nga minsan ang problema sa mga pinoy eh. magugulat ka na lang kasakasama pa nila yung mga pamangkin ng asawa ng ate niya. aba, libreng tsibog nga naman hahahah

    By Blogger mr_diaz, at 7:00 PM, February 02, 2006  

  • magandang tips at pointers ito. at least kung magawi man ako dyan, alam ko na kung ano ang sociable manners na dapat gawin ko.

    Meron lang ako tanong, ganito na rin ba style ng mga NZ-Pinoy dyan?

    Yung "Huwag makikiuna sa iba." na-experience ko rin yan dito noong minsan ay naimbitihan ako ng kaibigan ko na di ko alam ay ngaging born again na pala. Iba klase ang kahihiyan. ha ha ha.

    By Anonymous Anonymous, at 8:15 PM, February 02, 2006  

  • Sana mauso rin yan dito sa Pinas. Hmmmm.... why not?

    By Blogger jinkee, at 8:32 PM, February 02, 2006  

  • It's more or less the same here in France, KU except for that shoes off, thing. Ganyan pala diyan sa inyo.

    Sana mauso nga itong mga protocols na ito sa Pinas, ano? Para naman ang host hindi mahirapang mag-estimate sa kanyang i-prepare. Biruin mo, paano na lang kung isang baryong kamag-anak ang darating tapos masungit pa kung hindi maka-bring house!

    By Anonymous Anonymous, at 1:19 AM, February 03, 2006  

  • same rules apply here... i especially think that its important to help in the kitchen... kasi nga naman mahirap din ang maghanda, tapos maiiwanan ka pa ng sangkatutak na huhugasin at lilinisin. so however small, help is always appreciated and welcome.

    i prefer to host parties at my home, kasi nga ubod ng gulo ang mga anak ko... kaysa naman magkalat sila sa ibang bahay, eh dito na lang.

    By Blogger JO, at 3:51 AM, February 03, 2006  

  • Halo KU, dito naman sa Luxembourg wala akong nakita na take off your shoes before entering the house ;) hehe...kahit na mga pinay pren ko nahawaan narin pramis talaga.

    By Blogger Ethel, at 4:45 AM, February 03, 2006  

  • Hello Ka Uro!

    Ganyan din ang rules dito sa US, lalo na ang wag magsama ng iba pag hindi invited at kailangan always on time :)

    By Blogger Unknown, at 6:16 AM, February 03, 2006  

  • kia ora!

    kung kailangan mag-take off ng shoes sa amin, meron namang nakahandang ^^haus~schuhe^^ sa mga visitors...

    na-feel ko yata kung gaano ka napahiya do'n ah! tsk...tsk...hehe

    uwi na ako baka mapukpuk naman ako ng bakya dito :D

    By Blogger nixda, at 8:59 AM, February 03, 2006  

  • mr_d,
    ok lang sa atin ang ganun ugali kasi may mga pwedeng tumulong sa atin sa kusina. pero sa abroad wala, kaya sana maintindihan ito ng mga guests.

    myepinoy,
    most pinoys, ganito na rin ang style. pero siyempre di maiiwasan lalo na kung kapwa pinoy ang nagimbita, bumabalik pa rin sa dati nating mga nakaugalian. halimbawa yung nale-late at yung nagsasama ng iba.

    jinkee,
    i think mauuso na rin. unti-unti lang.

    joy,
    oo nga, i think in most countries kahit sa US ganito rin. kakainis nga yung iba tapos i-tsismis ka pa na di masarap o kaya kulang ang handa. hay!

    jo,
    yung mga feeling senor at senora at kailangan pang pinagsisilbihan nakakadalang iniimbita. kahit man lang sana mag-kusa na iligpit sa kusina ang pinagkainan, di ba?

    ethel,
    dito yan ang praktis, maghubad ng shoes bago pumasok sa bahay. parang sa japan din.

    ghie,
    ang napansin ko naman sa US, mahilig silang gumamit ng paper plates at disposables. dito naman sa amin, hindi. kaya pagkatapos ng handaan, kailangan pang maghugas. buti na lang may dish-washer.

    neng,
    ok lang maghubad ng shoes dito sa amin kahit sa winter kasi di naman lumalamig. i understand sa ibang countries na nagyeyelo, hassle ang paghubad ng shoes at giginawin sila.

    By Blogger Ka Uro, at 9:23 AM, February 03, 2006  

  • ang first rule na natutunan ko nung bago akong dating sa US, "never show up unannounced!" which falls under your third rule, kind of. yun namang pagdalo sa children's party, naranasan ko yan. nasanay kasi ako sa berdeyan ng mga filipino...lahat ng guest may pwedeng kainin. sa US, kaya sila laging may nakalagay na "R.S.V.P." sa mga invitation cards kasi they'd only prepare enough amount para doon sa mga nag-respond lang. actually, they sometimes would even ask kung ilang adults and kids ang dadalo. kasi gusto nila almost exact yung handa nila. kung may sobra, katiting lang. kasi, mas praktikal nga naman. mahirap lang minsan maunawaan nating mga pilipino kasi, we are hospitable by nature.

    By Anonymous Anonymous, at 10:47 AM, February 03, 2006  

  • na alala ko tuloy 2 weeks ago na imbitihan ako sa bday party ng nephew ng roommate kong puti. sabi kasi ng sis nya punta daw ako. yun sa apartym ni isa wala sa aking nag alok ng pagkain. ni inumin wala! bumili pa man din ako ng mamahaling regalo. huhuhuhu

    By Anonymous Anonymous, at 11:06 AM, February 03, 2006  

  • des,
    nadale mo! yun ang iniisip kong rule. di ko lang matandaan. inglis kasi e.

    vemsan,
    hahaha. ang sama ano? sana binawi mo yung regalo. hihihi.

    By Blogger Ka Uro, at 4:15 PM, February 03, 2006  

  • Ka Uro,
    "And if you’re gonna be late for more than half an hour, give the host a ring".....eh hindi ka naman kaya maghirap nyan kung palagi kang late...eh mahal na ang singsing ngayon lalo na kung hindi peyk...HAHAHAHAHA j/k

    Dito sa mga tips mo makikita ang kaibahan ng kulturang ating kinamulatan at kung paanong nararapat tayong makibagay sa ibang kultura lalo pa't tayo ang "dayuhan".

    By Blogger Unknown, at 7:03 PM, February 03, 2006  

  • naku hirap pala for other pinoys na sanay mgbitbit ng kung sino pg aattend ng party! ehheh chaka parang korean/chinese din pala, needed to take off ur shoes and all?! now ko lang nalman un ah..

    By Anonymous Anonymous, at 7:10 AM, February 06, 2006  

  • baket di lumalabas comment ko? me sira ba ulit itong comment box? o blogger na.. huwahhh

    By Blogger Mmy-Lei, at 8:56 PM, February 06, 2006  

  • dito rin KU ganyan din ang mga rules pagdating sa tsibugan.

    "Huwag ma-late...give the host a ring."

    pag ako ang nag-invite my guests better know na totoyoin ako kapag may nalate. never kasi akong nale-late kaya ayaw na ayaw ko rin kapag may nalate. unless siempre there's a valid reason.

    "Huwag mag-sama ng iba na hindi naman invited."

    ewan ko lang sa iba, pero sana sa pilipinas mauso to. kasi kawawa naman yung limited lang ang budget nila pero gustong maghanda. tapos iyng mga inivite magdadala ng isang batalyon. lilitaw pang ganid yung host kapag hindi pinakain iyong mga univited.

    kelan mo kami ininvite sa inyo? hehe.

    By Anonymous Anonymous, at 1:45 PM, February 07, 2006  

  • rhada,
    hahaha. kwela ka talaga rhada. iba man ang ating kinamulatan, napansin ko na madali naman tayong mag-adjust sa ibang kultura.

    pobs,
    natural lang dito ang pag-alis ng sapatos.


    mmy,
    bakit nga di lumabas comment mo? pero na-reciv ko naman sa aking email. di ba tanong mo pa nga kung may tsinelas na ibibigay sa yo pagpasok mo?

    to answer your question, walang tsinelas na ibibigay sa yo. di naman kasi kailangan kasi most houses are fully carpeted. if not, malinis naman ang mga sahig at hindi naman malamig dito kaya okay lang ang naka-paa.

    By Blogger Ka Uro, at 1:47 PM, February 07, 2006  

  • karen,
    invite ko kayo, basta siguraduhin mong di ka male-late. hahaha. otherwise magmumulta ka.

    By Blogger Ka Uro, at 3:24 PM, February 07, 2006  

  • Informative ulit itong post mo ka uro..oo nga dito sa Pinas hala buong barangay ang kasama sa Party, kaya ayun minsan ang host napapahiya kung kulang ang handa tapos ipapamalita pa sa buong barangay na konti ang handa eh sila itong sumugod heheh isa lang invited 5 kasama hehe. Hay pinoy talaga oo...maka pagmigrate na nga lang sa abroad hehehe.

    By Anonymous Anonymous, at 5:08 PM, February 11, 2006  

  • hi! ka uro,

    like u galing din ako ng saudi, naku... doon kung maghahanda ka, ipaghanda mo na rin ang ang pang lunch at hapunan ng guest mo kc ang mga pinoy doon mahilig magbalot ng food kahit may kumakain pa at dpa tapos ang party,hihingi na si kumare ng foil daw at magbabalot na sya at baka maubusan ha ha ha... dapat maalis na yan sa ugali ng pinoy ang pagbabalot kc nakakahiya he he he.

    By Anonymous Anonymous, at 12:40 AM, December 12, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker