Tea, Dinner, Supper?
In NZ, if someone invites you for morning tea or afternoon tea, it means morning or afternoon snack or merienda. Walang kinalaman dito ang ang tsaa. Don’t reply “sorry but I don’t drink tea” na katulad ni kumpareng Ramir at baka mapagtawanan ka.
Kapag naman na-invite ka sa gabi for Tea, it means dinner or evening meal. I’m just guessing here, but I think the English called it Tea because it is their custom to drink tea or coffee after dinner.
Note that unlike in our country, over here dinner or hapunan is not the same as supper. Supper is usually a late evening snack. So kapag may nagimbita ng supper make sure kumain ka na ng hapunan. Huwag kang pupunta doon na gutom na gutom.
Finally, when someone invites you to a party and asks you to “bring a plate” it means you come to the party bringing with you a dish to share with other guests. Don’t come to the party literally bringing only plates. Dyahi yon. Nung una kami dito, muntik ko nang ginawa yon. Isip ko pa noon kulang siguro ang mga plates nila o baka tamad lang silang maghugas.
14 Comments:
nung bago pa lang ako dito sa germany, naimbita ako na pumunta sa Kaffeetrinken and guess how i responded? "sorry, i don't drink coffee" hahaha tapos wala naman nagkorek sa akin, so one time na may nagsabi sa akin na pumunta daw ako sa bday ni ano, 3pm daw. tapos yun na naman, "Kaffeetrinken" ulit. sagot ko naman, yun lang handa niya? tawa nang tawa yung kaibigan ko na nagsasama sa akin. hay naku, hindi pa kasi diretsuhin eh!
By Anonymous, at 9:34 AM, January 31, 2006
hmmm... interesting...
By JO, at 12:49 PM, January 31, 2006
bring a plate hehe...sa atin kase ganyan di ba?,minsan nga wala nang dalang plate pagpunta...may dala na pauwi hehe(punong-puno pa yung plate)tapos pagbalik andami pang kasama haha..kulit ko na naman ^_~ sorry po..sige na nga makauwi na,luto na ko ng hapunan byeeee *wink*
cheers,
-kathy-
By Kathy, at 9:34 PM, January 31, 2006
Hi Ka Uro, nice info...Lately ko na rin nalaman yang Tea na yan, kasi nung ka chat ko sis ko na nasa Australia, mag off line na daw sya kasi mag ti-tea na sila, kala ko literal na tea yung pala mag hahapunan na hehehe.
By Anonymous, at 10:29 PM, January 31, 2006
paper plate, puwede? :)
By Anonymous, at 12:53 AM, February 01, 2006
ah so yun pala ibig sabihin ng tea, buti nalng sinabi mo hehehh atleast may idea nako kun sakali mang mapadpad ako jan..=)
By Anonymous, at 1:15 AM, February 01, 2006
di lang plate dala ko ngayon, bayong pa para sa mga kiwi :D
sabi nga ni des, kung inimbita ka lang sa amin ng ^^kaffetrinken^^ hanggang doon lang, di kasali ang hapunan. hehe
By nixda, at 3:37 AM, February 01, 2006
Dito naman sa Winnipeg, Canada, meron kaming two 10-minute breaks in the morning and afternoon, which they call coffee break pero hindi naman kami umiinom ng kape. Hapunan is referred to as supper. I think dinner is used for a formal meal.
By niceheart, at 4:11 AM, February 01, 2006
salamat ho sa protocol. ngayon alam ko na ang gagawin kung sakaling mapagawi diyan :)
By Anonymous, at 12:05 PM, February 01, 2006
des,
hehehe. ganyang ganyan ang sinabi ni pareng ramir nung yayain siyang mag-tea. "no thanks i don't drink tea". kakatuwa ang mga ganyang experiences natin sa ibang bansa.
lil_kath,
jan nga tayo magaling -- sa take home.
jenny,
ewan ko nga ba dito sa mga inglis bakit hindi na lang ibang salita ang gamitin. lahat na lang Tea.
banjan,
hahaha. samahan mo ng plastic cups para sa softdrink.
pobs,
kahit sa ibang commonwealth countries na maraming brits ganyan din.
neng,
huwag naman bayong at wa class.
niceheart,
pareho din pala sa tate, coffee break at supper ang gamit. tama ka nga dinner nga siguro kapag more formal
milkphish,
ganyan nga ang protocol kahit sa ibang commonwealth countries
By Ka Uro, at 3:12 PM, February 01, 2006
KU,
Kadalasan ba ang parties dyan ay "bring a plate"? Pero siguro hindi naman yon applicable sa bday party.
By jinkee, at 5:06 PM, February 01, 2006
thanks for the info, siguro naman kapag dinalaw ka namin jan di mo kami sasabihang "bring a plate"... hehehe, bibigyan kita ng disposable plates (styro), dami nyan dito, iba't ibang shapes and design pa.
By Mmy-Lei, at 5:51 PM, February 01, 2006
jinkee,
hindi naman madalas lalo na kung bday party. but the host will appreciate it kung tatanungin mo sila kung ano ang pwede mong dalhin.
mmy lei,
hindi ka na kailangan magdala ng plate, ikaw na ang bibigyan ko bago ka umuwi, may pabaon pa.
By Ka Uro, at 9:01 AM, February 02, 2006
kuya buti di ka nagdala ng melaware *wink*
By Anonymous, at 2:47 PM, February 10, 2006
Post a Comment
<< Home