What to Wear Down Under
Lamig
Siguro umpisahan natin kapag panahon ng taglamig, which is practically 8-9 months of the year starting March kung hindi ka pa adjusted sa klima. Pero kapag naka-isang taon ka na rito, bale wala na ang lamig. Para ka lang naka-aircon.
Sa gabi, PJs (pyjamas) ang komportableng kasuotan. Pero ako mas type ko ang jogging pants at sweatshirt. Kapag sobrang ginaw, may short pants at t-shirt na panloob, medias para di lamigin ang mga paa at bonnet para takpan ang ulo at mga tainga.
Wa epek ang mga makapal nating blankets sa Pilipinas. Ang gamit nila dito yung “duvet” or “comforter” kung tawagin sa States. Yung iba, gumagamit pa ng electric blanket na may heating element. Kami, natatakot gumamit nito kasi baka mag-short habang kami’y natutulog. Paano kung may maihi, o tulo laway, di ba? “Filipino found dead after drooling in bed”. Kakahiya!
Pag-pasok sa opisina, long sleeves with jacket o sweater. Yung iba may necktie at naka-amerikana pa. Ako, personally sweater lang ang pinapatong ko sa long sleeves na polo shirt.Yung nga palang mga sweater sa atin na tulad nung mga gawa sa Baguio, hindi epektib dito. Malamig pa rin. Iba ang mga materials na gamit sa mga damit panlamig dito. Mas epektib sila laban sa lamig. Sa pantalon naman, nung unang taon namin, nagsusuot pa ako ng jogging pants na panloob. Lamig talage e. Pero ngayon, boxer shorts na lang. Napansin ko, ang maong hindi gaanong epektib na panlaban sa lamig. Siguro dahil hindi hapit sa legs at nakaka-circulate sa loob ang hangin. Mas okay pa ang jogging pants made of fleece material or elastic nylon.
Init
Sa summer naman, short sleeved T-shirts at puruntong shorts pwede na. Kaya lang maganda na rin ang handa sa lamig lalo na kung bago ka pa lang dito. Kaya always magbaon kahit na manipis na sweater o jacket lang. If you are going to stay out in the sun for long periods of time, magsuot ka ng sombrero o cap at magpahid ng sun-block. Although presko ang hangin, matalim ang tama ng sikat ng araw. Importante ang sun-block lalo na sa mga bata. Kung hindi baka skin-cancer ang abutin.
If you are into signature clothes and apparel, dito, hindi masyadong pansin ang mga yan. Image is something most NZers don’t put much importance to. A lot of Kiwis don’t mind wearing cheap clothes as long as they’re comfortable. Sabi nga nila “kiwi-pot” ang Kiwi when it comes to clothes. Yun ngang land-lord naming Kiwi dati , binili siya ng asawa niyang Pinay ng Levis galing sa Pinas, imbis na matuwa, nagalit pa. Bakit daw bumili pa, e may maong pants pa siya at masyado daw mahal. Kung di nga lang sa Pinas binili, malamang pinasoli pa.
Siyanga pala, huwag magdadala ng damit na may makulay o stunning prints na bulaklakin at mga eye-catching stripes and colors. Kung sa atin mahilig tayo sa damit na may mga colors ng rainbow, dito mas type nila ang plain designs at dull, dark colors. In fact, favorite dito is black, navy blue at dark green. BTW, I’m only talking here about clothes worn by most adults. Kasi yung mga bata at lalo na ang mga teenagers, may sariling mundo yan at paiba-iba ang kanilang fashion.
Isa pang importante, huwag magdala ng damit na di pwedeng labhan sa washing machine o kaya mahirap plantsahin. Kapag pinagpilitan ni misis na dalhin ang kanyang ternong may sangkatutak na pleats at kumikinang na mga beads, sabihin mo sa kanya: "Hoy babae, iwanan mo yan. Hinding-hindi ko isasama sa plantsahin natin 'yan!"
For me, masarap ang klima sa NZ all year round. Pinaka gusto ko ang Autumn at Spring. Parang Baguio during summer. But whatever the season, if you wear appropriate clothing, siguradong enjoy ka pa rin all the time.
12 Comments:
Hi Ka Uro,
This will be very helpful for us aspiring migrants. I would like to know what are the common clothes to wear when you are going for an interview? Long-sleeves and neck tie will do or do we have to wear suit or americana? Thanks.
Buknoy
By Anonymous, at 1:21 PM, April 19, 2005
Depende sa position na ina-aplayan siempre. If it's an office position with a possibility of $60k plus per yr salary, I'd say wear a suit. At the very least, long sleeves with necktie. Have a haircut too para mukhang tidy. If you want to be sure of what to wear, visit the company a day before then observe what the people wear.
By Ka Uro, at 1:51 PM, April 19, 2005
Ka Uro, all 4 seasons meron din ba ang NZ? ibig sabihin nag-s-snow diyan kahit saan? gano katagal ang tiglamig at anong temp ang inaabot. may hika kasi ako (allergic asthma from cold weather! at sa Pinas pa lang yan...! di kaya hikain ako diyan?)
By Sassafras, at 4:00 PM, April 19, 2005
Sas, 4 seasons din pero di nag-snow sa north island. sa mga bundok lang may snow. Umaabot din ng zero ang temp sa ibang part ng NZ, pero extremes na yon. Sa North Island kung saan nandoon ang AKL at WLG, bihira lang bumaba ng 10 ang temperatura.
3 months lang ang official winter season. huwag kang matakot sa lamig dito, makakaya mo yon. tungkol naman sa asthma mo, yung ibang pumupunta dito nawawala ang hika (siguro dahil walang air pollution), yung iba naman lumalala, so iba-iba reaction.
By Ka Uro, at 4:14 PM, April 19, 2005
mabuhay ka, ka uro! Salamat po sa blog.
Actually i thought ung mga damit pang baguio ok na, pero bitin pala dyan sa lamig. kasi ung sa side nla misis malapit sa baguio kay hayun, ung byenan ko may mga sweatshirt at bonet na galing dun na prepare daw sa amin.
Sa winter talagang kaya natin cguro yan, kasi ung mga igorot nga e nakabahag lang! hehe.
By Anonymous, at 2:21 AM, April 20, 2005
di pala ko pwedeng mag-briefless dyan, baka mangulubot ang aking...
By Tanggero, at 8:47 PM, April 20, 2005
seryoso naman tayo.... ikaw ba ang namamalantsa dyan?
peace.....
By jinkee, at 9:02 PM, April 20, 2005
jhsay, seryoso ding sagot, opo ako ang plantsador sa bahay. nung una lahat pinaplantsa ko. pati mga pang-araw-araw at pati na mga tualya, panty at brief. ngayon, promoted na ako. yun na lang mga damit na pang-opisina. yung iba diretcho tupi na pagkatuyo sa sampay.
By Ka Uro, at 8:29 AM, April 21, 2005
mr tanggero, ano ibig mong sabihin? wala bang kulubot ang iyo? may sikreto ka ba para di kumulubot?
By Ka Uro, at 8:33 AM, April 21, 2005
francis,
i think malaki ang chance mo na makapag work sa linya mo. sa asawa mo naman, i'm not sure. very broad kasi ang exec secretary. whatever the case, pag nandito na kayo. be willing to take jobs that may not be related to your preferred occupation. kahit ano naman work dito ok. the best cities to work here are either auckland or wellington.
your brother or sister or relatives will have to undergo the same application for skill migrants. but if you are already a resident here, you can give them an extra 5 points, if i'm not mistaken. if you have only one brother or sister who is not married, you may be able to sponsor them easier without them going through the skill migrant application. for more info go to the nz immigration website. www.immigration.govt.nz. paiba-iba kasi ang mga rules nila. what i'm saying now may already be different from the current rules. so don't take my word for it. always verify from nz immigration. good luck.
By Ka Uro, at 8:39 AM, August 29, 2005
Ka Uro,
What is the usual dress code for offices in Auckland? I am set to commence work in an engineering firm in New Market. Kailangan ba naka necktie palagi or naka suit or blazer? Or pwede na kaya long sleeve lang without tie? Thanks in advance, Ka Uro.
By Anonymous, at 4:46 AM, December 25, 2007
Parang masarap nga ang klima nyo dyan sa NZ. Dito sa amin napakainit! Spring pa lang nag-35'C na kami last week.
Maganda ang mga advice mo sa mga gustong pumunta sa NZ na nagtatanong tungkol sa kasuotan.
By RJ, at 8:14 PM, October 27, 2008
Post a Comment
<< Home