mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, April 14, 2005

Wassup Mate?

When you’re new to the place, it takes awhile to get used to the local linggo. Di lang iba ang accent ng mga kiwi, kung minsan iba rin ang meanings ng iba nilang expressions.

Halimbawa, ‘have tea’. Sa kanila kapag niyaya kang to ‘have tea’ parang sinasabi sayong ‘breaktime tayo’. Si kumpareng Ramir di pa alam ito kaya inosenteng napasagot ng “No thanks, I don’t drink tea.” Siyanga naman, coffee lang iniimom niya e.

Then the way they pronounce their letter “E”s, parang letter “I” sa atin. Kaya si Ruben, “Ruu-been” siya dito. Ang size seven, “see-been”.

At least iyon nage-gets ko pa. Pero yung iba, mind-reader ka na lang kung maintindihan mo.

Go straight to ‘kee’ street and you’ll see the Maritime Museum.” Ano raw? ‘kee’ street. Napudpod ang sapatos ko sa kahahanap di ko makita itong street na ito. Kasi naman pala ang spelling nito at ‘Quay’ street. Hinayupak na yan! Paano kaya naging ‘kee’ ang ‘Quay’?

Kaya eto ang isang tip. If you are asking for directions and someone gives you an address, always make them spell out the name. Kahit makuha mo lang yung first 4 letters. At least mahahanap mo na sa mapa.

“Pack of ‘ma-bow’, please”. “Do you have any ‘pot roy’?. “Wes the ‘lis-ne’?”. Ma-gets mo ba yon, e kinain ang mga letrang ‘R’. Ibig palang tukuyin ay ‘Marlboro’ at ‘Port Royal’ (brand ng yosi). Yun naman huli “Where is the Listener?” (isang magazine name).

“Have you read the ‘kur ya’?” tanong ng Kiwi. “No, not yet” sagot naman ng Pinoy. Kala niya tinatanong ng kiwi kung nagpunta na siya sa bansang Korea. E ibig palang tukuyin ng kiwi yung ‘Courier’, isang local paper sa Auckland. At least, tama pa rin ang sagot ng Pinoy. Kaya di naman siya napahiya.

Sa isang job interview. Unang bati ng kiwing interviewer sa Pinoy. “howzit going?”. E di naman tayo sanay sa ganyang greeting. Mas sanay tayo sa “how are you?”. Dahil yata yung salitang ‘going’ lang ang naintindihan ng Pinoy, kaya mayabang pang sumagot ng, “a yes, gowing drive”. Nakatira kasi si Pinoy sa Gowing Drive, Meadowbank. Layo ng sagot ano?

Kung minsan naman sa bilis nilang mag-ingles, mahirap tuloy habulin. At kadalasan, kapag di mo sila maintindihan, ngingiti ka na lang. Sa isang police check-point, may “breath test” sa mga motorista kung saan may device silang itatapat sa mouth mo, tapos kailangan kang magsalita para makuha ng device ang alcohol content ng hininga mo at malaman kung senglot ka. Isang gabi, napadaan si Istanislao , na medyo nakainom pero di naman lasing, sa isang check point. Pinara ng pulis ang Pajero at tinutuok sa bibig niya ang device at sabi sa kanya “state your name and address”. Maaring sanhi na rin ng nerbiyos o dahil mabilis ang pagkakasabi, di ma-gets ni Stan. Huminga ng kaunti si Stan at tatawa-tawa lang “he, he”, Unulit ng pulis “state your name and address”. Tatawa-tawa pa rin uli si Stan, “he, he”. Pangatlong beses, ganoon pa rin. Mabuti na lang nakasakay ang mga anak ni Stan. Napabulalas tuloy ang panganay, “naku kawawa naman si Papa, pati pangalan niya, nalimutan na! Pa, ano raw ang pangalan at tirahan mo!” Doon pa lang naintindihan ni Stan ang tinatanong ng lispu. Mabuti naman pumasa siya sa breath test.

Kakatuwa rin gunitain ang mga kapalpakan namin sa inglis nung araw. Ganyan nga, magsaya tayo. Kahit paminsan-minsan kalimutan ang problema.

4 Comments:

  • Yeah. Those darn accents. Quay is pronounced Kee here, too. New Quay = New Kee. They don't use rolling R's so harbour is hah-bah. So New Quay Harbor becomes New Kee Hahbah. Nice (pronounced noice).

    And yeah, I also encounter here in Oz people who speak (actually, mutter) so fast that what they're saying is barely coherent (to me at least). When that happens, I just reply with a non-commital "ah". ;) Sometimes, nakakalusot. Minsan hindi talaga naaayon yung "ah" lang. Like in "How many tickets, sir?" "ah." Mali.

    Anyway, napanood ko yung Amazing Race last season kung saan nasa NZ sila at yung accent dyan medyo nakakapanibago compared sa Aussies dahil nga yung E's parang I's.

    By Blogger Gabeprime, at 6:01 PM, April 15, 2005  

  • Naalala ko po tuloy yung na-hire namin na consultant sa isang Dairy consulting firm dyan sa NZ. Malimit siya sa laboratory, yung mga kailangan niya naibibigay namin agad. Pero minsan lumapit sa akin, then he said "do you have pin?" sagot naman ako "one moment sir". Kumahog naman ako sa paghanap ng "pin", may pinoy na nagbigay sa akin ng safety pin. Pinakita ko sa kanya, di daw yun sabay turo dun sa pen holder ng aking laboratory gown na merong "pentel pen". "Pintil pin" pala ang kailangan.

    By Anonymous Anonymous, at 3:06 PM, April 25, 2005  

  • aldrin, kakatuwa ang kwinto mo. talasan mo ang pandinig mo, niks taym. haha.

    By Blogger Ka Uro, at 2:52 PM, April 26, 2005  

  • Lhay
    hahahah this is funny... they also pronounced Quay as "kee" here in Canada. Ano raw? "Key"? Key, susi? Ano?? ahhaha

    By Blogger Lhay, at 8:09 AM, October 27, 2007  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker