mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Saturday, April 02, 2005

"Don't it always seem to go that you don't know what you've got, till it's gone."

Sabi ni Joni Mitchell sa awitin niyang “Big Yellow taxi”. Totoo nga naman. Kapag wala na, doon mo hinahanap-hanap. Tulad na lang ng mga Tagalog movies. Nung sa Pinas ako, di ko trip ang manood ng mga Tagalog flics. Pero nang mapunta kami dito sa NZ, maski na si Ai-Ai napagkakatuwaan naming panoorin.

Drama, love story at comedy ang mga type namin. Ang hindi ko ma-gets yung mga aksyon, barilan at bakbakan. Siguro dahil malayo sila kumpara sa mga big-budget hollywood flics. At least kapag drama or love story, at magaling ang direktor at artistik ang pagkagawa, masisiyahan kang manood dahil may flavor ng Pinoy culture and values. May pusong-Pinoy ika nga.

May isang bagay lang akong napuna sa mga napapanood kong Pinoy movies lately. At eto ang paglaganap ng mga gay characters. If movies are a reflection of reality, then 1 out of every 5 Filipino males must be gay! Ganoon ka-common ang mga bakla sa mga pelikulang Pinoy na napapanood ko.

Hindi sa nais kong laitin ang third sex. On the contrary. Dahil sa nakikita ko, kadalasan ginagamit lang sila ng mga director/producer/script writer para maging object ng katatawanan. The gay characters they portray are almost always that of cross-dressing, comical, slapstick stereo-types. Such portrayals do not help the gay community because all they do is propagate (lalo na sa mga kabataan) the image of gays as a group to be mocked and bullied upon and laughed at in Philippine society. At alam naman natin na hindi tama yon.

Dito sa NZ, hindi pinagtatawanan ang mga gay. Sure, meron din paminsan-minsan na mga baklang komikero sa mga TV shows. But those are quite few. Gays here live normal lives. Hindi sila pinagtatawanan o tinutukso. In fact, NZ has the first trans-gender MP (minister of parliament). Her name is Georgina Bayer from the Labour Party. At meron pang ibang MPs who are openly gay. Hindi nila kinahihiya ang kalagayan nila. O sige nga, sa atin ba may kilala kayong baklang senador/congressman na nagladlad?

I think it’s time that Pinoys look at gays more seriously and be broadminded towards them. Sa mga pelikula natin, sana naman hindi lang sila gawing katatawanan. Dahil sa totoo lang... di na nakakatawa e.

2 Comments:

  • tama.its high time for the filipino people to treat the third sex with respect and regard.lalo na yung kagalang galang namang kumilos.

    pero di lang po sa pinas nadami ang gay.maski sa europe,sila lang po ata ang nag po propagate without reproduction:)

    By Anonymous Anonymous, at 9:36 AM, May 25, 2005  

  • i think na hindi naman ginagawang obeject ng katatawanan ang mga gays sa pinas... di ba ung mga movies realistic kaya yung mga characters realistic din.. tska we laugh with them..we do not laugh at them...

    tungkol nman s respect..depende nman s bading un kung mamumuhay cya ng karespe-respeto katulad ni madam ricky reyes...tska we should not compare our culture with other countries..we all have unique cultures that's why we have this kind of setting...

    By Anonymous Anonymous, at 11:20 PM, October 01, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker