mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, June 21, 2005

Saan ba mas magandang mag-migrate sa Canada o sa NZ?

Hindi ko masasagot ito kasi di pa ako nakapunta ng Canada. But someone who's lived in both countries might be able to give anyone thinking of migrating to either of these countries some valuable insights.

May isang very informative post si JAP doon sa backpack-newzealand tungkol sa issue ng Canada vs NZ. Hanapin niyo lang yung mahabang post ni JAP dito sa link na ito.

Although hindi na ako masyadong tumatambay sa forum na yon kasi pinagbawal na ang magpost ng tagalog, nirerekomenda ko pa rin na pasyalan ninyo kung may mga bagay kayong gustong malaman tungkol sa NZ. Pero kung may mga katanungan kayo, mas maigi kung sa pinoyimmigrants.com na lang kayo mag-post. At least doon pwedeng tagalog, kapampangan, bisaya, at kahit inglis-barok tulad ko.

17 Comments:

  • helltracker,
    sana nga matuloy kayo dito sa nz. kumusta na ba ang application nyo?

    naomi,
    siguro ako rin magugustuhan ko canada. kaso ayaw sa akin ng canada e. nag-apply ako noon bago ako nakapunta sa nz. ni-reject ako.

    By Blogger Ka Uro, at 9:18 PM, June 21, 2005  

  • My Swiss friends and I were discussing this just last weekend. Kasi nakaka-stress na ang buhay sa Switzerland. Language barrier na lang, burnout ka na. Tapos, overpriced pa lahat. Kaya we were toying with the possibility of going elsewhere to start a new life. My husband says he prefers NZ over the US and Canada (malamig daw). Ako naman, I used to like Canada, kaya lang, nawalan na ako ng gana after my friends said mahirap daw ang work don; dunno how true. Ang tanong ko lang po e, mababait ba ang mga tao dyan sa NZ? (Maraming salamat sa links.)

    By Anonymous Anonymous, at 10:59 PM, June 21, 2005  

  • siguro bias ako, pero totoo sabi ni nao, dami gani mga benefits dito..

    sa sustento, libreng re education, unemployment benefits up to 42 weeks, free this, free that. dami dami. sarap talaga.

    nga lang umpisa sa 30% income tax (provincial at federal) average siguro yun, pero mataas sweldo mo expect 40%, pero dami din loophole :)

    masasabi ko lang kung ang kagaya kong hari ng tamad e umasenso dito sa canada, e yung masisipag granatsa talaga, kelangan dito e care givers ngayon, bilis ng lakad ng papel kung CG kayo.

    dito sa montreal, malamig sa winter kung tatambay ka sa labas, kung nasa haybol ka lang problema naman,

    By Blogger UNCLE FOTO., at 2:35 AM, June 22, 2005  

  • Dito sa canada.period sinabi ng mga nasa itaas ang gusto kong sabihin wala na akong masabi nilagay na nila lahat .period.

    eyyy kumusta ka na?hapi father's day bellated ha...

    cheers:)

    By Blogger lws, at 6:24 AM, June 22, 2005  

  • KA ELYONG: Thanks a lot for your very helpful input! I read them to my husband just now. Now, nalilito tuloy kami. Canada ba or NZ? :-) Gusto ko Canada kasi we have lots of relatives in the US. We have to think hard about this now. We want to move out of Switzerland pronto! All I know is, Heidi Land is not for Pinoy immigrants. Language studies (German, French, Italian) na lang, ubos na ang pera, time and energy mo. Siguro I will get a job pag 65 na ako, hehe...by then wala na kukuha sa akin sa trabaho. :-) Super tindi din ng discrimation, lalo na in the hiring process. Anyway, I should stop rambling about my host country at may mga pros naman -- like yung sceneries. Siguro I can be like Julie Andrews and sing "The Hills are Alive..." almost everyday. :-) Masarap din ang chocolates.

    KA URO: Salamat sa blog post na ito. Dami kong natutuhan about this immigration thing. More power to your blog!

    By Anonymous Anonymous, at 6:52 AM, June 22, 2005  

  • Pinoy akong nandito sa New Zealand para sa akin mas maganda ang Canada. Malaking bansa ang Canada kumpara sa New Zealand. Mas sagana sa natural resources ang Canada kumpara sa New Zealand. Masyadong asa ang New Zealand sa livestock at dairy industry niya samantalang mas diverse ang industry ng Canada. Masyadong isolated ang New Zealand walang kalapit na bansa samantalang ang Canada ay malapit sa U.S.. Mas maunlad ang Canada kesa sa New Zealand kahit saan mang aspekto nang kaunlaran ang tingnan. Kung magkakamayroon nga ako ng pagkakataon lilipat kami sa Canada.

    By Blogger RAY, at 10:47 AM, June 22, 2005  

  • jayred,
    mababait ang mga kiwi. madaling pakisamahan, at simple lang sa buhay. hirap pa la diyan sa switzerland ano. type ko pa naman sanang mag-"hills are alive".

    ka elyong,
    dami na palang pnoy diyan ano 350k na. dito 20k pa lang.

    tama lahat naman ay personal preferrence. what is an advantage to one person may actually be seen as a disadvantage by another. for example the fact that canada is close to US may be seen by some as advantageous if they have relatives in the US. but for some it may be seen as a disadvantage kasi malipit sa terrorisms. NZ is an island and is far from all other countries. some will see it disadvantageous but some will see it as being safe from global events.

    isa pa lahat din relative. when one say that good government in canada. i think that means compared to the Phil. dahil sa NZ maganda rin namam ang palakad ng gobyerno.

    for me, personally, gusto ko simpleng buhay lang. sa canada mas mabilis ang pace. sa nz, more laid-back. it really boils down to which lifestyle one prefers and feels more comfortable with. walang pinagkaiba sa big-city-life vs small-town-life. both have pros and cons. mathematically, one will be earning more in canada, but that also means there will be more expenses. you'll be prone to buy more expensive things like plasma tv, etc. it is easier to have more than one job in canada, but doing that will mean one will have lesser time with the family. so give and take din. sometimes you have to make a choice because you can't have both.

    By Blogger Ka Uro, at 9:47 PM, June 22, 2005  

  • as far as moving to canada: i have friends (pinoys) who came from (via) spain, israel, uk, australia, nz and they said that much easier for them to come here rather than directly from philippines. some of them have gotten work permit first as domestic helpers.

    most of them are amazed how fast they were able to bring their relatives from the philippines (family integration program)

    i like to visit nz someday but the airfare is too expensive i think from montreal unless i could find a super rate. :)

    By Blogger UNCLE FOTO., at 10:55 PM, June 22, 2005  

  • hi ka uro... i dont wanna spoil the fun but maganda pa rin sa pilipinas LOL

    sori ha... i've never been to any of those countries! but to share some comments from friends, they say mas maganda daw sa canada kung benefits ang pag-uusapan, but a friend who was going to nz told me that the nationals of nz are friendlier.

    By Blogger bing, at 1:57 AM, June 23, 2005  

  • Ka Uro,

    Napasyal ako dito dahil nakita ko na nagsubmit kayo ng bagong thread sa backpack-nz. Anyways, salamat sa komento. Ang masasabi ko lang sa posting na ito ay kagaya rin na sinabi ninyo at doon sa sinabi ko sa backpack (yun nga palang link Ka uro hindi nagwowork)- nasa personal na kagustuhan ng tao kung saan sila nababagay. Mahirap sabihin na sa Canada ang mas maganda dahil may mga bagay sa NZ na mas maganda kaysa Canada at vice-versa. And I understand why people prefered other country than others kasi ang basehan nila is more of the new country there in and the Philippines. Both Canada and NZ are welfare state, both provide benefits to their citizens.
    Here are things I like about NZ - people saying thank you to the bus driver when riding and when accosting from the bus. Greeting each other even they don't know the person. I was in South Island (Cromwell), fruit stands with bags of cherries, nectarines, etc.. are in the table. There are no people but just a note saying "please feel free to grab a bag and make a donation" - in one corner there is a basket with money and also a note on it saying "please grab your change". Kung sa pilipinas lang iyon - kinuha na ang lahat ng bag ng walang bayad tapos kukuha pa ng sukli. (never seen one like that in Canada yet)! I love the outdoors (no poisonous animal). Very relax environment - stress free and nuclear free. I love the people!

    Here is what i like about Canada - more opportunities for me and higher compensation compared to NZ. I love the rockies (lot's of bears and cougars and wild animals) which in my personal opinion is more rugged than the NZ mountains. I like the medical benefits than the one in NZ (state of the art facilities). People are more tolerable to our culture because they've met a ton of Filipinos before. I love the different cultures!

    Again, there are pluses and minuses and there are more to include but this will become a novel.

    Cheers Ka Uro -eh!

    By Anonymous Anonymous, at 11:22 AM, June 24, 2005  

  • just want to add that auckland is different from Cromwell (in the south island) that JAP described. marami na rin bad people in auckland.

    By Blogger Ka Uro, at 9:45 PM, June 25, 2005  

  • before you believe all the things they said positive about canada PLS READ THE ARTICLES ON !!!
    http://www.notcanada.com

    By Anonymous Anonymous, at 10:55 AM, August 23, 2006  

  • I am in Canada. Just been here for 7 months. That notcanada.com site...that's just a prejudice to the country. I'm sure if there would be a site notusa.com baka mas marami pa. The truth is, Canada is the best!

    By Anonymous Anonymous, at 5:11 AM, March 25, 2007  

  • oh kapatid, napahiya naman ang mga kabayan nating pinoy canadians eh. alam nyo yang NotCanada website ay galing sa iba't ibang tao/lahi sa mundo. at talaga namang totoo. (taga T.O. ako) matagal ng nag papa cute or image building ang Canada sa mga third world immigrants kasi, they need labourers na kaya nilang bayaran ng less than minimum wage. at maraming nag aalisan dito kasi nga walang ka-latoylatoy ang lifestyle. NABUKO ng notcanada.com ang scam nila. 250,000 immigrants from 3rd world countries ang annual rate nila. wala namang ipapatrabaho kungdi katulong,janitor,factory workers. kaya nga ang image ng pilipino dito, ika nga sa salita natin, baduy. tapos napaka yayabang pa. nakaka-awa

    By Anonymous Anonymous, at 2:20 AM, April 27, 2007  

  • mga kababayan, nabasa ko lahat ng mga comments mukang maganda naman kahit saan mag punta mapa-canada o NZ nakita ko yung website na notcanada.com mukang may katotohanan naman kaya lang kung didibdibin mo yun e walang mangyayari sayo, kase naman yung iba dya akala nila hari ang treatment sa kanila pag dating nila doon "ano ka bagong lipat ka lang gusto mo mayor ka na" makisama ka muna. dito nga sa pilipina alipin ka sa sarili mong bayan maraming namamatay sa hirap at gutom, pero wag ka MATATAG NA REPUBLIKA pa ring ang makikita mo sa palaka ng mga sasakyan, umuunlad na economiya, maraming trabaho, itanong mo kay ate glo ang iba

    mas talamak ang discrimination sa pinas mag apply ka dito ng trabaho, ano ang kailangan nila? between 21 to 28 pag 30 ka na pataas mahihirapan ka humanap ng work, punta ka ng sm 10 yrs na sa work nya casual pa rin

    mamili ka notcanada.com o notphilippines.com

    may nakita ka bang pinoy na na interview sa notcanada.com
    pakana kase yan ng mga kano dahil one step forward na ang canada pinag hahandaan na nila ang pag lago ng economiya nila dahil kukulangin sila pag dating ng araw kaya magagaling matitibay at malalakas ang mga kinukuha nila.
    magagandang lahi tulad ng mga pinoy na nasa canada na ngayon

    kaya kung ayaw mo sa canada mag saudi ka na lang

    By Anonymous Anonymous, at 5:06 AM, September 04, 2007  

  • Huhmn... Saan kaya ang mas magandang mag-migrate? Australia or New Zealand?

    By Blogger RJ, at 8:23 PM, October 27, 2008  

  • Ano na kaya update? Hehe
    Which country is better to live Canada or New Zealand?
    According to the OECD index, New Zealand has a higher quality of life than Canada. The leading factors that indicate a country's quality of life include life expectancy, mortality rate, unemployment rate, education system, and political stability. The life expectancies in New Zealand and Canada vary by 1.3 years.Jan 4, 2023

    By Anonymous Anonymous, at 2:22 AM, July 07, 2023  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker