mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, June 16, 2005

Miss kita, kaibigan

Who finds a faithful friend, finds a treasure. -- Jewish Saying

Kaibigan, natatandaan mo pa ba ako? Magsasampung taon na ngayon nung iwanan kita sa LA dahil ako’y kinailangan lumipad patungong NZ. Oo nga’t maiksi lang ang ating pagsasama noon. Less than 2 years lang. Pero dahil araw-araw tayong magkasama kaya’t naging malalim ang ating bond.

Malayo-layo din ang ating pinagsamahan. From Glendale to Anaheim, araw-araw tayong naglalakbay. Ang masasabi ko lang, tunay kang maaasahan. Kahit mainit, malamig, ma-araw, ma-ulan, malapit o malayo man ang ating paroroonan, andun ka pa rin. Hindi mo ako pinahiya ni minsan. At hindi rin naman kita kinahiya di ba?

Bagamat may ilan kang kapintasan, (at alam kong alam mo rin yon), lahat yon aking binalewala. Naintindihan ko naman na marami ka nang pinagdaanan at marami na rin ang gumamit sa yo. Tingnan mo nga ang itsura mo. Tanggapin mo na na hindi ka na guwaping na katulad nung una kang lumabas nung 1979. Ang ina mong si Toyota at ako na lang siguro ang tanging may pagmamahal pa sa yo.

Image hosted by Photobucket.com (Note: not the actual photo of my car. look alike lang. actual has no mags, kupas na ang paint at may yupi pa ang front)

You may look tired and aged but never was I ashamed of you. Natatandaan mo ba nung mag-attend tayo ng Christmas party ng company namin? Sa isang isang sikat na Japanese restaurant sa LA ginanap ang party. Sakay mo ako at ang mag-ina ko. Naka-americana ako at formal dress naman is misis na parang mag-aatend kami ng Oscar awards. Nag-convoy pa tayo ng boss ko na naka-BMW at ang iba kong mga opismeyts na may mga mamahalin ding sasakyan. Pagdating sa restaurant, hinanap natin ang parking lot. Walang parking lot kasi pala “valet parking”. Huminto tayo sa tapat ng pinto nung magarang restaurant. Bumaba kami at binigay ko yung susi sa parking attendant habang tahimik akong nagdasal ng “Diyos ko, iligtas niyo po ako sa kahihiyan. Paabutin niyo po sa parking lot ang aking Celica”. Ganoon pa man, hindi kita kinahiya.

Di ba’t marami ka ring eccentricities? Yung isang gulong mo sa hulihan Michelin nga pero may ga-karayom naman na butas sa side wall kaya unit-unting lumalambot. Ayaw naman i-vulcanize dahil sa side daw. How about your aircon? Mainit na hangin na ang binubuga, kaya pinakargahan ko ng freon, di ba? Okay na sana pero bakit ba kapag naka-tigil tayo sa trapik at naka-apak ako sa brakes, hindi pa rin lumalamig? Lumalamig lamang kapag naka-apak ako sa accelerator. E nung muntik tayong banggain ng isang bus? Natatandaan mo ba yon? Bakit naman kasi yung busina mo may boses lang kapag naka-hinto tayo, pero kapag tumatakbo, na-tyo-tyope? At yung pintuan mo sa passenger side, sa labas lang pwedeng buksan. Sabagay safety rin yon lalo na kapag mga bata ang sakay.

I endured and tolerated all your eccentricities. Kapag pinagtatawanan ka nila, dumudugo ang puso ko. Kaibigan kita e. Di nga ba’t isang beses habang tayo ay namamahinga sa isang park may lumapit na Mechicano sa atin at gusto kang bilhin ng $1500? Bagamat $800 lang nung una kitang kunin kay Doc, hindi kita binigay dahil hindi matutumbasan ng dolyares ang ating pagkakaibigan.

Sana nakuha mo na akong patawarin ng kita’y karaka-rakang iwanan nung 1996. Kung mabibigyan ka nga lang ng visa dito sa NZ isinama sana kita. Pero alam mo namang bawal dito ang kaliwete (left hand drive). Panalangin ko na lang na sana ngayo’y may tumitingin at nagmamalasakit sa yong kaibigan na katulad ko.

Ang nagmamahal mong kaibigan,
Uro

17 Comments:

  • sett-usa,
    photogenic lang kaya maganda sa camera at parating napupunasan at nawa-wax.

    By Blogger Ka Uro, at 1:05 PM, June 16, 2005  

  • ka-uro, tagal ko na d nakakasulat dto ah =)
    ganda ng mags ng bestfriend mo... kakatuwa blog mo, it just shows how much you appreciate God's blessings!

    By Anonymous Anonymous, at 1:25 PM, June 16, 2005  

  • sori nga pala, hindi ko nasabi na yung nasa picture HINDI yun yung actual car ko. pareho lang ng model at color. nakita ko lang yung picture na yan sa Web. wala kasi akong scanned picture nung actual car ko.

    yung actual car, walang mags, kupas na ang paint at may yupi pa ng konti ang bandang harapan.

    By Blogger Ka Uro, at 1:31 PM, June 16, 2005  

  • awwww ... that tells us what kind of a guy youa re when it comes to your things Ka Uro...

    By Blogger Cerridwen, at 4:43 PM, June 16, 2005  

  • pimp your ride !

    By Blogger Senorito<- Ako, at 4:58 PM, June 16, 2005  

  • ganda ng tsiks mo, ka uro. wala bang kapatid yan?

    By Blogger Tanggero, at 7:53 PM, June 16, 2005  

  • cerridwen,
    quote: "that tells us what kind of a guy youa re when it comes to your things Ka Uro"

    is that good or bad?

    By Blogger Ka Uro, at 9:34 PM, June 16, 2005  

  • Mr Tanggers,
    You know what? You could be right. It's possible that I was actually thinking of a real person but was only using an inanimate object (the car) in place of him/her. You wouldn't know that for sure. But he/she will know.

    By Blogger Ka Uro, at 9:57 PM, June 16, 2005  

  • Good day Mang Uro,

    First time ko po mag post dito sa blog ninyo. Pwede po bang magtanong? Nagtatrabaho kasi ako sa bangko for the past 18 years. Senior Manager ako ngayon dito. Meron po bang opportunities ang mga bankers dyan? Kung meron, saang lugar ang mas mabuti para sa akin? Auckland? Wellington? Wala po akong kamag-anak o kaibigan dyan sa ngayon. My EOI was selected last June 8. Worried lang ako kasi mukhang puro IT ang nag mimigrate dyan sa NZ. Should I hire the services of a job search consultant para mas madali para sa akin? Kung babayad ako, di ba, ang gusto ng Kiwi employers ay makita muna ako sa personal at interbiyuhin din sa personal? So if this is the case, ano kaya ang magagawa ng mga job search consultants pag dating sa aspetong ito? Salamat po sa iyong payo.

    By Anonymous Anonymous, at 12:09 AM, June 17, 2005  

  • Ginny,
    wala akong idea sa mga job opportunities ng mga bankers. masasabi ko lang na dito baka hindi ka makakakuha kaagad ng job as manager. medyo ilag ako sa mga job search consultants lalo na kapag may initial fee na kailangan bayaran. ok sana kung ang bayad kapag may nakuha na silang job. i suggest that you post your questions doon sa http://www.pinoyimmigrants.com/ para mas marami ang makapag-reply at marami din ang makinabang sa mga answers.

    thanks for dropping by. hope to see you again.


    ka elyong,
    mas seksi at mas nag-enjoy ako kay celica. si mazda, ok lang na pamparaos. ngayon si honda na ang lab-op-my-layp. kotche lang talaga ang iniisip ko dito ha, hindi tsiks. baka pagdudahan pa ako ni esmi. ;)

    By Blogger Ka Uro, at 8:39 AM, June 17, 2005  

  • Ka Uro,
    Hindi naman kaya magselos si misis? Mukhang hindi mo makalimutan ang pers lab mo ah! he he

    By Blogger Unknown, at 9:28 AM, June 17, 2005  

  • rhada,
    sino ba naman ang makakalimot sa kanyang pers lab? anything na pers mahirap makalimutan, di ba? pers lab, pers kiss, pers dance, pers date, pers xxxx, lam mu na. but in the end, what matters is the last not the pers. hindi magseselos is esmi kasi siya ang pers and last. uy kinilig tuloy ako!

    By Blogger Ka Uro, at 9:44 AM, June 17, 2005  

  • Kakatuwa ka talaga Ka Uro! Ang swerte naman ng bespren mo. Sa hinabahaba ng panahon, naalala mo pa rin siya kahit nabubulok na siya kung saan at baka pakapitan na sa mga tulya. hehe

    By Anonymous Anonymous, at 9:21 PM, June 17, 2005  

  • a faithful friend...

    By Blogger bing, at 2:16 AM, June 18, 2005  

  • tama si bing aka juliet.

    By Anonymous Anonymous, at 2:18 PM, June 18, 2005  

  • I am sure ganito-ganito ang isusulat ng asawa ko kay "Ecto 1" ang kanyang kauna-unahang kotse na kotse pa rin nya hanggang mag-asawa na kami at hindi nya ikinahiya kahit na lumang-luma na. Aattend kami ng fraternity ball o sorority ball, mga high class bago ang mga kotse sa parking lot na nakakatabi ni "Ecto 1", sasabihin ng asawa ko, "aalis yan mga yan dyan mamaya, takot lang nila mahawa ng kalawang...hehehe". Nakaka-miss kapag nakasama mo ang isang tao o bagay sa hirap at ginhawa di ba?

    By the way, HAPPY FATHER'S DAY! Haharanahin kita dahil para sayo ang espesyal na araw na ito, click mo name ko dito sa message ko na ito. Greet din kita sa blog entry ko ngayon...*wink*

    By Anonymous Anonymous, at 11:58 PM, June 18, 2005  

  • mam sol,
    ni-click ko tapos may ni-download but when i tried to open it ayaw.

    By Blogger Ka Uro, at 8:45 AM, June 19, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker