Fugitive Ako
Duda na ako, mukhang hindi naman sila mga pulis at sa aking palagay balak lang makihati ng mga buwaya sa mga baon naming mga estudyante. Kaya nung hingin sa akin ang ID ko, sabi ko wala akong ID, cedula ang binigay ko. Naisip ko, anyway, madali naman kumuha uli ng cedula. Pagbigay ko ng cedula, pasimple akong nakihalo sa maraming tao at nung hindi na nakatingin yung pulis sabay karipas ng takbo papalayo.
Kaya ayan po, pinagtatapat ko na. Ako’y isang fugitive. Kasalukuyang pinaghahanap ng Manila Police.
Ngayon, tuwing tumatawid ako ng kalye, lumilingon muna ako sa kaliwa at kanan para sa mga dumarating na sasakyan. Tapos sa harapan kung may naka-abang na pulis. Nag-reserba na rin ako ng extrang cedula, just in case.
6 Comments:
settejr,
ikaw talaga pinaalala mo ang mga nakalipas sa sampaloc. hindi naman ako pinapulis ni lola pide kasi marunong akong sumipsip. kapag naglalaro kami ng baraha parati namin siyang pinapanalo.
busy sa paglinis nung isa sa aming million dollar rental properties. (exagerration lang ha, baka maniwala kayo). umalis na kasi yung tenant at ngayon nga naghahanap kami ng bago.
By Ka Uro, at 3:26 PM, June 07, 2005
IKAW PALA YUN !! Si 'boy eskapo' !!nabasa ko sa aming barangay ang listahan ng iyong kasalan sa lipunan !
Nakapaskil ang iyong litrato tila me bahid na kaligayahan ang iyong mga ngiti !
By Senorito<- Ako, at 4:51 PM, June 07, 2005
hehehe
By Tanggero, at 5:32 PM, June 07, 2005
At least you've learned your lesson...may extra cedula ka na. Hehe
By Anonymous, at 2:05 AM, June 08, 2005
ha ha ha mahusay!!! talentado ka talaga ha ha
By bing, at 2:44 AM, June 08, 2005
Ka Elyong,
tayong dalawa, marami tayong kalokohan!
By Ka Uro, at 8:33 AM, June 08, 2005
Post a Comment
<< Home