mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, May 30, 2005

Is this going to be a fairy tale ending?

We often read news articles of our countrymen who’ve been successful locally and internationally. Most often their achievements came about despite overwhelming difficulties and obstacles. Their stories inspire us and make us proud of being a Filipino.

Last week, I had the fortune to meet a fellow Pinoy. His story will probably not see the pages of any newspaper but his story is just as remarkable nonetheless. So let me pay tribute to him by relating his story as best and as accurate as I could recall. Kung may mali man sa detalye or ommissions hindi ito intensyonal. Talagang nagiging malilimutin na lang ako lately.

Meet Mar and Lenlen...
Isa lamang si Mar (di tunay na pangalan) sa mga libo-libo nating mga kababayan na nagnanais makapag-abroad. Tatlong taon na silang kasal ni Lenlen (di tunay na pangalan) subalit halos isang taon lang silang nagkasama bilang mag-asawa. Katulad ng karamihan ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kinailangan silang magkahiwalay ng landas, dalawang taon na ang nakalipas, nang matanggap si Lenlen na mamasukan sa isang bansa sa Europa. Si Mar naman ay naiwan sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang sariling negosyo habang naghahanap ng paraan upang makasunod kay Lenlen sa Europa.

The journey begins...
Talaga sigurong wala sa guhit nga palad ni Mar at Lenlen ang magkasama sa Europa, sapagkat imbes na sa Europa makakuha ng visa si Mar, dito sa maliit na bansa ng NZ siya pinalad na makakuha ng unrestricted visitor’s visa. Dalawang klase ng visitor’s visa ang pwedeng ibigay ng NZ Embassy. Pwedeng limited or unrestricted visa. Yung limited, hindi pwedeng i-extend o kaya pa-convert ng ibang visa. Obligado kang umuwi, bago mag-expire ang visa. Mas maganda yung unrestricted, kasi pwede mong ipa-extend hanggang 9 months ang stay mo sa NZ. Pwede mo rin papalit ng Student visa kung gusto mong mag-aral dito o kaya work visa kung makahanap ka ng job offer.

Pebrero 2005 nung dumating si Mar sa Auckland, NZ. Kung iisipin mo nga masasabi mong “suicidal” itong si Mar. Lumipad siyang papunta ng NZ, na walang kakilala ni isa dito sa Auckland. Wala rin siyang prior-bookings sa kahit anong hotel na matutuluyan. Nag-iisa siya at ang tanging baon niya papunta rito ay ang kanyang lakas ng loob, determinasyon at maliit na halaga na US$500.

First night ...
Alas nuwebe y media na ng gabi nang makalabas siya sa Auckland International Airport. Nakahanap siya ng matutuluyang murang hotel sa telephone directory at pagkatapos ay tumawag siya ng taxi upang dalhin siya sa hotel na ito sa Auckland City. Sa kasamaang palad, fully booked ang hotel. Naglakad-lakad siya para makahanap ng ibang matutuluyan. Bitbit-bitbit ang mabigat na bag. Gutom na gutom na rin siya at hindi pa siya nakakapag-hapunan. Kasi ba naman 8 oras din nag-stop over ang eroplanong sinasakyan niya sa Sydney bago tumungo ng Auckland.

Kinakabahan na siya at panay ang dasal niya na tulungan at bigyan siya ng panibagong lakas. Naghanap siya ng mapagtatanungan. Unang nakita niya ay apat na lalaki. Lalapitan sana niya ngunit napa-atras siya. Amoy marijuana. Delikado kaya hanap siya ng iba. May nakita siyang puti na nagyoyosi. Nilapitan niya ang puti at nakisindi siya ng yosi. Ken ang pangalan ng puti at baguhan din pala sa NZ. American siya galing ng Texas, USA. Nung malaunan tinanong niya si Ken. “Can you help me? I need a place to stay for the night.” sabi ni Mar.

Mabait naman si Ken at sinamahan siyang maglakad lakad at puntahan ang iba pang hotel sa city. In-offer pa nga ni Ken na bitbitin ang bag ni Mar. Nung una ayaw pa ni Mar. Kasi nga naman baka mandurugas ito at itakbo ang bag niya. Pero mabigat talaga at hinang hina na rin siya sa gutom kaya binigay na niya kay Ken ang bag niya. Naglakad-lakad sila hanggang sa maswertihan nilang masalubong ang isang kakilala ni Ken, si Mr.C na may-ari ng isang hostel. Good timing, may bakante sa hostel. Tapos hindi pa pinabayad ang una niyang gabi. $20 per night ang bayad sa hostel.


Job hunting...
Isang buwan lang ang binigay sa kanya ng NZ Immigration para mag-stay sa NZ at $500 nga lang ang laman ng bulsa niya, na ngayo’y unti-unti nang nauubos sa pamasahe, bayad sa hostel at sa pagkain. Ang $100 per week pinagkakasya niya para sa kanyang pagkain. Nagpalipat siya sa mas murang kwarto kay Mr.C, na naawa naman sa kanya at binigyan pa nga siya ng magandang diskwento.

Ganun pa man kailangan niyang makahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho. Tamang-tama naman at may ginagawang pagkumpuni at pagpipintura sa hostel ni Mr.C. Kinausap niya si Mr.C kung pwede siyang tumulong kapalit ng libreng pag-tira sa hostel. Pinagbigyan naman siya ni Mr.C kaya kahit papaano naka-libre siya ng tirahan ng isang linggo.

Pagkatapos noon, nagtanong-tanong uli siya kung paano ang paghahanap ng trabaho sa NZ. Meron naman nagmagandang loob at tinuro sa kanya ang mga pasikot-sikot kasama na dito ang pagkuha ng IRD Number (parang tax account number sa atin) at ang pag-open ng bank account. Pumunta siya sa tanggapan ng Inland Revenue Dept (IRD) at nag-apply siya ng IRD Number. Nung makakuha ng number nagpunta siya sa isang bangko at nag-open ng bank account. Una ang sabi sa kanya ng teller na kailangan $300 para mag-open ng account. Nakiusap siya, sabi niya wala siyang ganon halaga at ang makakaya lang niya ay $50 para i-deposit. (Nasabi ko nga sa kanya, “Langya, ok ka talaga pati sa bangko nakipagtawaran ka”). Mabait naman yung teller at pinayagan siyang mag-open ng bank account.

Dahil meron na siyang IRD number at bank account, pwede na siyang maghanap ng mapapasukan. Unang nakita niya yung Allied Manpower. Labor hire agency ito na nagsu-supply ng mga trabahador sa iba-ibang mga kumpanya. Dito sa Allied, nakapagtrabaho siya bilang cleaner at laborer/helper sa iba’t ibang construction. Kaya lang talo sa sweldo, kasi bukod sa income tax na kinakaltas may cut pa ang Allied kaya halos 50% lang ang nabubulsa niya.

Student by day, worker by night...
One time may nakita siyang computer school sa city. Pinasyalan niya at nag-inquire siya. $7000 ang tuition for a 3 month short course. Malaking halaga. Pero inisip niya yon ang paraan para makahanap siya ng mas magandang trabaho in the future at para na rin ma-extend ang pananatili niya sa NZ. Kasi kung mapapapalitan niya into Student Visa ang visitor’s visa niya pwede niyang ipa-extend ang stay sa NZ. Sa tulong ng perang padala ni Lenlen, nakapag-enrol si Mar at naipa-convert ang visa niya into Student visa.

Dahil sa malaking gastusin, naghanap siya ng ibang mapapasukan na mas mataas ang sweldo, na pwede siyang mag-aral sa umaga at mag-trabaho naman sa gabi. Nag-apply siya bilang kitchen hand sa ilang mga restaurant. Maganda naman ang feedback at marami nga ang interesadong kumuha sa kanya. Bandang huli pinili niya yung T’s Steak House restaurant dahil nasa parehong building ng hostel na kanyang tinutuluyan.

Halos tatlong buwan na siya ngayon nagtratrabaho sa T’s, 4 days a week mula alas dos ng hapon hanggang alas onse ng gabi. Binibigyan siya ng $9.50 per hour before tax tama lang na pambayad niya sa hostel at sa gastos sa school.

Dahil sa likas siyang masipag, maayos at mabilis kumilos sa trabaho, na-impress ang may ari ng T’s. Balak nga siyang bigyan ng job offer pagkatapos ng schooling niya para makakuha siya ng work visa..

Where to now?
Sa katapusan ng Hunyo matatapos na ang computer course na kinukuha ni Mar. Sa August naman mag-e-expire ang student visa niya. Ang dalangin niya ngayon ay ang makakuha sana siya ng work permit bago mag-expire ang kanyang student visa, nang sa gayon ay magkaroon ng stability ang pananatili niya dito sa NZ. Ito rin ang magiging daan para magkasama silang muli ni Lenlen, to start a new life, a new beginning together.

Idadalangin ko rin na sana nga parang fairy tale ang ending, "and they live happily ever after".

14 Comments:

  • Ka uro,
    sobrang inspiring!!
    ginanahan ako magtrabaho.. hehehe
    salamat sa blog nyo! nagiging ritual ko na ito everyday!!
    God bless!! - jns

    By Anonymous Anonymous, at 2:29 PM, May 30, 2005  

  • Salamat sa pagbahagi ng kuwento ni Mar at Len, Ka Uro. Isasama ko din sila sa dasal ko. Nakakabilib ang sipag, tiyaga at lakas ng loob ni Mar. Sana pag nagkataon ay mahawahan din ako ng kahit kalahati ng pinakita nyang pagpupursige.

    By Blogger Sassafras, at 4:37 PM, May 30, 2005  

  • True, it's as much fun as it is difficult to be in another country... I know, I'm still in this phase of Mar & Len. Thanks for sharing, KA URO.

    By Blogger Teacher Sol, at 5:20 PM, May 30, 2005  

  • Ka Uro,
    There are a lot of Pinoy families who endure the pain of being separated. Isa ako sa umaasang magkasama na muli si Mar at LenLen.

    By Blogger jinkee, at 8:30 PM, May 30, 2005  

  • Ipagdasal natin na all things will fall in place. Pinaghirapan ni Len yan, I am sure God is watching and providing. I pray that both of them will be together soon there in NZ.

    By Anonymous Anonymous, at 10:20 PM, May 30, 2005  

  • Ka Uro,
    Very inspiring! Maraming Mar at Len sa ating mga kababayan, dahil sa kahirapang makahanap ng magandang trabaho dito sa Pinas. Sana maging masaya ang susunod na kabanata ng buhay nila. More power to you Mar at Len

    By Anonymous Anonymous, at 10:59 PM, May 30, 2005  

  • ooops. wrong typo. "Pinaghirapan ni Mar yan" ang dapat nasulat ko.

    By Anonymous Anonymous, at 11:55 PM, May 30, 2005  

  • i wish them luck and good guidance :) thank you for sharing a nice story may you remember us whent he ending comes :)

    By Blogger Cerridwen, at 6:48 AM, May 31, 2005  

  • i'll keep everyone posted of new developments sa buhay ni mar at lenlen. sana nga maging maganda ang ending.

    By Blogger Ka Uro, at 9:30 AM, May 31, 2005  

  • Ang sa akin 3 bagay ang kailangan mo sa pilipinas para umasenso. Una ay sipag, Pangalawa Tyaga at pangatlo ay swerte.

    Sa ibang bansa, base sa mga storyang nababasa ko kahit yung unang dalawa lang eh me paraan na para ikaw ay umasenso.

    If your against the wall, so to speak, you survival instincts naturally kicks up a notch. That's when a person is MOST driven to succeed.

    I think of it as a tsunami that you can ride. I used the same drive to read boring technical documentations to better my career.

    Sorry for the long post ! :)

    By Blogger Senorito<- Ako, at 1:41 PM, May 31, 2005  

  • senor,
    salamat sa comment. okay lang kung nakasakay ka sa tsunami. mahirap kung madaganan ka, di ba? survival instincts. oo nga malaking bagay yon to be successful.

    By Blogger Ka Uro, at 2:35 PM, May 31, 2005  

  • ka uro tenk u for sharing us your story,grabe parang pelikula,pedeng pam-pelikula ang istorya ni mar.
    para tuloy lumalakas na naman ang loob kong mag-abroad! swerte nya!
    good luck nalng and we'll pray for his future endeavor,galing!

    By Anonymous Anonymous, at 8:14 PM, May 31, 2005  

  • Ka Uro

    Maganda po mga topic nyo hope to meet you personally there. I f you can send me your email I would like to ask some question or maybe I could call you by phone.

    Thanks and regards to all

    observer

    By Blogger observer, at 3:06 PM, August 07, 2008  

  • Their stories inspire us and make us proud of being a Filipino.

    By Anonymous Bethany Moving Quotes, at 7:21 AM, September 16, 2011  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker