To Bring or Not To Bring
I know some people will laugh at you kung magdadala ka ng mga kawali, kaserola at gamit pangkusina. But for me it’s a practical thing to do. Kasi mahal dito at yung ibang gamit bukod sa mas maganda ang yari sa atin, di mo pa mabibili dito. Tulad nung mga wok na gawa sa atin, para sa akin number one pa rin. Yung nabibili ditong mga wok sa mga Asian shops, hindi tulad nung atin. Yung sa kanila manipis at nangangalawang. Ayusin mo lang ang pagimpake sa bagahe at baka matulad ka kay Jean. Nang ipabulatlat sa kanya ng Customs ang kanyang bagahe, nahulog ang takip ng kawali. Kumalembang ito ng malakas sa sementong sahig at pagkatapos ay gumulong-gulong pa. Imaginin mong humahabol ka sa isang takip ng kawali na nag-iingay habang gumugulong at nakatingin lahat ng tao sa paligid mo. Kakahiya ano? Buti na lang di ako kasama noon. Sa bagay mas nakakahiya yung nangyari kay pareng Ramir nang sumabog yung isang supot ng cornick na dala niya. Nagkanda pulot pa siya ng kalat niya.
Magdala rin ng isang set ng mga dinner ware at cooking utensils. Spoons and forks cost about a dollar each, mahal kung iku-kumpara mo sa atin.
A rice cooker cost about $100. So, if you want to bring one, go ahead. Siguraduhin mo lang na 220-240 ang voltage. This is true with all electrical appliances. Don’t bring anything that is 110 volts. Mahal kasi dito ang transformer. Yung mga cordless phones sa atin, aandar naman dito. Pati na ang mga mobile phones.
Bedroom essentials, it is not really necessary to bring any. Kasi yung mga blankets natin, hindi epektib sa lamig dito. Ang maigi pang dalhin ay ang mga bedsheets at pilow cases.
For your personal hygiene, huwag magdadala ng tawas. Baka mapagkamalang drugs. Paano kung tanungin ka? Paano mo in-inglisin ang tawas? Pwede mo sigurong sabihin “I grind this into powder and put it in my arm pit to prevent B.O.” Baka pag-hubarin ka at ipa-demonstrate pa sa yo.
Isang personal na item na dala ko pa galing sa atin, kasi wala dito, yung pantutuli ng tenga. Parang hair clip at about 2 inches ang haba nito na may maliit na scooper ng ear wax sa isang dulo. Magdala ka ng extra, kasi madaling ma-misplace.
Siguraduhin mong bagong linis ang mga sapatos na dadalhin mo. Kasi kapag may kahit konting dumi o lupa na nakita ang Customs na nakakapit dito, ipapa-quarantine pa nila ito at maaring maging cause ng delay mo sa paglabas ng airport. At worst, baka ma-fine ka pa.
Kung magdadala ng pagkain, pwede kung nakalata o nakabote. At kung may label ng ingredients mas lalong okay. Kung homemade na pagkain ilagay sa selyadong bote para madaling makita at hindi na kailangan pang buksan. Siguraduhing hindi sumisingaw or tumutulo. Alam niyo naman ang pagkain natin, kung minsan may kakaibang amoy, na tayong mga Pinoy lang ang nakaka-appreciate. Baka kapag binuksan sa Customs, umalingasaw at isipin pa nilang “rotten”. Pwedeng magdala ng fruits basta pickled na at nakabote at walang buto. Huwag mong ipa-lata. Pabubuksan sa yo, lalo na kung walang label.
Make sure alam mo sa English ang pangalan ng pagkain. You can't say bagoong, or burong talangka or burong mangga. You have to say shrimp paste, or crab paste or pickled manggo.
In any case, make sure to list down all food items in your customs declaration. If you fail to list a food item, kahit legal ito at nakita ng Customs, pwede kang ma-fine ng $200 (with possible imprisonment) at magkaka-record ka pa. Kung dinekler mo kahit bawal, hindi ka mapa-fine. Itatapon nga lang nila.
Ngayon para wala ka nang problemahin pa, ang pinakamadali, huwag nang magdala ng kahit anong pagkain. Mas mapapabilis pa ang paglabas mo sa Customs.
Lastly, hindi naman bawal magdala ng malaking halaga pero kung magdadala ng limpak-limpak na salapi, kailangan mong i-declare kung more than $10,000 (I think). Normal naman na magdala ng maraming pera dahil dito ka na magse-settle. Sabi sa mga immigration handouts, a family of four will need around $1000 per week to live here comfortably. But I think that’s at the top end. Para sa ating mga Pinoy na sanay naman kumain ng isang ulam at sandamukal na kanin, sobra-sobra na yon. Realistically, $500 to $600 per week pwede na. Sa ganoong budget pwede mo nang samahan ng soup at salads ang ulam mo at may ice cream or chocolates ka pa for dessert.
22 Comments:
ayus, cornik na sumabog! hehehe.
balita ko, ganda ng mga bar strippers dyan? :)
By Tanggero, at 7:26 PM, April 26, 2005
ka uro, mapagkakasya ba lahat yun (kawali, dinnerware, bedsheets, etc.) sa 25kg max. allowed luggage? sa damit lang na makakapal puno na po yung maleta!
By Anonymous, at 8:01 PM, April 26, 2005
mr tanggers, diyan mo ako di maaasahan, wala aking impormasyon na maibabahagi tungkol sa mga bars. yaan mo mag-re-research muna ako.
snooze, oo nga ano? one piece each lang ang dalhin mo. isang maliit na kawali, isang caserola, isang plato, etc. tapos ipasok lahat sa isang malaki-laking kaserola at yun na ang gawin mong maleta. o di bawas pa ng bigat ng maleta. hahaha.
By Ka Uro, at 9:39 PM, April 26, 2005
Ang galing niyo talaga Ka Uro, itatanong pa lanng namin ay nasagot niyo na agad.Iyon ho bang Rug na galing sa sheep,na kasama pati balat nung hayop na siyang nagsilbing leather nung woolen rug e safe dalhin? o malamang ay ma-quarantine o confiscate sa customs?...
By Anonymous, at 11:01 AM, April 27, 2005
Ka Uro, masasabi niyo bang mas praktikal bumili ng ilan damit (kasama ng mga panlamig)diyan kesa sa mga kagamitang nabanggit ninyo? para sa gayun mas magdadala kami ng mga kagamitang pambahay at magbabawas kami ng load sa damit para pasok pa rin sa wt.allowance...pa-advise lang po...salamat ng marami, kabayan!
By Anonymous, at 11:11 AM, April 27, 2005
ya, baka ma-quaratine yung woolen rug, pero di naman siguro i-co-confiscate. basta i-declare mu lang. kya lang bakit mo pa dadalhin dito yon, e marami noon dito?
By Ka Uro, at 12:54 PM, April 27, 2005
nasa discretion niyo na iyon kung gusto ninyong magdala na maraming damit, pero konting gamit pambahay or the other way round. mahal din naman kasi ang damit dito compared diyan. kya lang yung ibang damit sa atin hindi practical dito. kami nga dami namin damit na dinala pero hindi rin namin nasuot. kaya lang iba-iba rin ang tao, yung iba mahilig sa damit, yung iba tulad ko, dalawang pantalon lang ok na. kaya i think, mahirap mag-generalize.
ang point ko lang is for you to bring clothes and things that you think you will need in the first few weeks here. this is to minimize expenses during those times. dahil maaring wala ka pang work or hindi mo pa alam kung saan murang mamili. nakakapaghinayang kasi kung bibili ka dito kaagad ng damit o gamit pambahay kapag hindi naka-sale. mas makakamura ka, (kung minsan upto 60%) kung hihintayin mong mag-sale.
By Ka Uro, at 1:05 PM, April 27, 2005
Salamat ulit Ka Uro sa mabilis niyong pagsagot...OO nga naman land of the sheeps ngapala diyan :) ...will take your advice on these matters... kailan po ba usually on-sale diyan?.....
By Anonymous, at 8:39 PM, April 27, 2005
hay naku, every week may "sale". kung minsan kabibili mo lang then after a few days ise-sale ng 50% ang nabili mo, di ba sasama ang loob mo? kaya dapat talaga huwag bibili kung di naman naka-sale.
By Ka Uro, at 9:59 PM, April 27, 2005
Okay pala diyan, dalas ang ang sale....ngapala, ang tawag sa tawas ay "alum". Para safe, dalhin niyo yung blocks o buo na tawas at diyan la lang sa NZ durugin... Kaya lang nga, lalo kayong magiging "durugista"!!! he...he...he...
By Anonymous, at 9:46 AM, April 28, 2005
Dagdag ko lang Ka Uro. May door-to-door company dito sa Pinas na nagko-cover ng NZ. I was able to send stuffs to Auckland late last yr. P6500 ang bayad para sa 20"x20"x20".
By jinkee, at 2:32 PM, April 28, 2005
oo, nga pala may door-to-door din. atchaka pwede rin yatang magpa-container kung may mga malalaking furnitures kang gustong dalhin dito.
By Ka Uro, at 8:06 PM, April 28, 2005
ka uro, inquire ko din paano yung mga pirated na dvd na inipon ko dito? maconfiscate ba un? pati na ung mga softwares?
By Anonymous, at 11:34 PM, April 28, 2005
can you pls furnish us the contact details of the said door to door company here in manila if in case you still remember them?that would be of great help ....thank you !
By Anonymous, at 10:43 AM, April 29, 2005
lanriv, mukhang delikeyds. sana kung konti lang baka makalusot. suguro kung tatanggalin mo na sa cases nila ang mga DVD para hindi bulky.
By Ka Uro, at 1:35 PM, April 29, 2005
Ka Uro,
hi! its me again! weekly habit ko na kasi yung blog mo e, hehe, kaya baka makulitan ka sa mga tanong ko ha. :)
re clothes, bec of the cooler-than-manila climate(9C-15C diba?) there, do you recommend NOT bringing sando and shorts?
re shopping, meron din ba dyang lugar na parang tutuban o divisoria, kung saan "wholesale prices at retail quantities" ang bentahan?
thanks man!
By Anonymous, at 9:08 PM, April 30, 2005
jazz, ok lang na magtanong ng magtanong. nagsusuot din naman kami ng shorts at sando pero panloob lang, not without anything over them. mas comfy at mainit sa katawan kung may sando at shorts. that is my own opinion anyway.
sori, walang katulad ng divisoria dito. meron mga outlet stores ng mga kilalang brand names where prices are cheaper but that's all. meron din mga flea market (tiangge) pag weekend pero ibang iba pa rin sa atin. mas mura diyan.
By Ka Uro, at 11:22 PM, April 30, 2005
para sa nagtanong nung door-to-door companies, i've posted a few in a separate post.
snooze, ayan, kung di kasya sa luggage mo, ipa-door-to-door mo na lang.
By Ka Uro, at 10:47 AM, May 02, 2005
hello po!
buti na lang bago ako umalis nakita ko ang site na 'to. dami kong natutunan. i'm sked to go there on oct. 9. mag -stay po muna na akong sa isang kabayan din sa palmerston north.
bale sa ngayon ang problema ko na lang ba e yun pera. will i open account here or will i bring cash na lang tapos dyan na lang ako mag open ng account.pano po ba?
thanks in advance!
By Anonymous, at 3:52 PM, September 30, 2005
hi! ka uro,
I find this forum very informative. I just want to ask you few questions. Presently, me and my husband are both in dubai. Is it advisable for us to go to new zealand on a tourist visa and jan na kami maghanap ng work? My husband is a skilled worker, ako naman into sales. Is it easy kaya to find a job there. If for ex, we found a job there, are they going to give us a work permit.If so, for how long is the work permit. If 6 months lang ang binigay, renewable ba yun? Or it's much better to apply here and get a job offer? If for ex., gets a job offer from New Zealand, can he take us with him ( me and my 15 yr. old daughter). Can i also find job thee if he is my sponsor? What about hte police and medical clearance, dapat ba dala na namin yun b4 we get there. Yung mga companies ba jan, nanghihingi ng police and medical clearance during the job application>
Pasensya na sa maraming tanong. Hope you could reply soon. thanks ka uro
paula
By Anonymous, at 1:45 AM, August 27, 2009
hi paula,
coming to nz with tourist visa with the intention of finding work is a big gamble. even those with valid work permit hirap na maghanap ng job, eh di lalo na yung tourist visa lang. if you want to take a gamble, i suggest, only one of you come here, para less lang ang gastos. work permits can be 6 months, 1 year, 2 years, depends on the company. if one of you is granted a WP, the rest of the family can come here too. the spouse will also have a WP and will be allowed to work, your daughter will be granted student visa. however malamang university na siya papasok, so considered siyang international student kaya mas mahal ang tuition niya. police and medical clearance will be required if you apply for permanent residence. companies do not require these clearances.
i suggest try muna niyo mag-apply from there. if your husband is skilled baka may magbigay sa kanya ng job-offer kahit nasa overseas siya. i suggest you visit www.immigration.govt.nz for more information about working and living in nz.
By Ka Uro, at 7:55 AM, August 27, 2009
winner ang blog mo uro! *apir straight to the point at maiintindihan ng lahat ng pinoy!
keep it up! bilang ako at ang aking kaibigan ay seryosong nagpaplanong mangibang bansa at dun magtrabaho at malay naten dun na mamalagi. :D
By Anonymous, at 8:32 PM, July 25, 2010
Post a Comment
<< Home