mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, April 20, 2005

Paano ako nagka-work permit sa America

Pagkatapos kong mai-lodge ang PR application ko sa NZ sa Makati at habang naghihintay ng results, nagbakasakali naman akong kumuha ng tourist visa sa US embassy sa Roxas Blvd. Naisip ko kasi kung sakaling ma-decline ang PR application, US naman ang i-try ko. Nadala na kasi ako after ma-decline yung OZ application namin. Naisip ko dapat parating may back up plan.

Hindi ako seryoso sa pag-apply ng US visa. In fact, nung araw na yon magtatanong lang dapat ako kung paano ba ang pag-apply. Paglapit ko sa sekyu, tinanong ang passport ko na dala ko rin naman dahil kahit paano nag-prepare ako, just in case, right there and there bigyan ako ng interbyu. Binigyan ako ng puting papel ng sekyu na may nakasulat na oras. “Mamyang alas dos interbyu mo” sabi niya.

I came back at the specified time and to make the story short, pinalad akong mabigyan ng single-entry visa. After, one month, lipad ako patungong LA kung saan nakitira ako sa aking mga mababait at byuting mga kapatid.

Isa sa una kong ginawa ay ang mag-inquire sa isang lawyer. Humingi ako ng advise kung ano ang dapat kong gawin para makapagwork ng legal.

Araw-araw tumitingin ako sa classified ads ng mga job openings. Yun sa tingin ko pwede ako, nag-sesend ako ng CV. Magastos pa nga noon kasi wala pang email. Kailangan mong i-print ang CV, isobre, lagyan ng stamp at ihulog sa mailbox. Lalakipan ko ng cover letter ang CV. Sa letter, hindi ko nilihim ang aking status. Kung hindi ko man binanggit sa sulat na tourist visa lang meron ako, sa mga job interbyu ko na ito nililiwanag.

“I don’t have a work permit yet. Right now I only have a visitor’s visa. However, all I need is a job offer. I already contacted the services of a lawyer who’ll help me secure the work permit from immigration. All I need is a contract and I won’t bother you with anything more than that.“ Tipong ganito ang parati kong sinasabi sa mga interviews at application letter. Maganda na yung malinaw at walang tinatago. It’s also good to reassure them that you won’t bother them with anything over what they would have done if they hire someone with the proper visa.

Marami din akong interbyung pinuntahan. I even got the chance to go inside the Warner Bros office. May opening sila for extra sa pelikula Foxpro Programmer kaya nag-apply naman ako. Siguro kahit dalawampung job interviews napuntahan ko at halos anim na buwan bago meron naawa sa akin. Isang maliit na IT consulting company ang nag-sponsor sa akin para mabigyan ako ng work permit.

In the course of my job search and interviews, I’ve later realized na mas malaki pala ang chances na makakuha ng sponsor from smaller companies. Yung mga giant companies, they’ll snub you. They don’t want to be troubled with your immigration problem. Alam nila maraming applicants.

This was how I got a work permit in the US. The important points to note are: 1) Talk to a lawyer/consultant specializing in work permits. Get advise on how best to proceed and what they’ll need from you in order for them to help you get a work permit. 2) In your application and job interviews, be truthful about your immigration status. If they’re not willing to sponsor you, go somewhere else. Because if you hide your real status and start working for them, you put them in jeopardy of the law, and makes you an illegal worker. 3) Finally, remember the 3 P's -- patience, perseverance and prayers. Lots of it.

6 Comments:

  • Ka Uro, maraming salamat for sharing this idea... ganito rin ang gawin ko kung hindi matutuloy yong NZ ko. Yung single-entry visa mo ba ay pwede kang tumagal ng ilang buwan sa US? salamat ulit...

    By Anonymous Anonymous, at 1:59 AM, April 21, 2005  

  • 2 months muna ang binigay sa aking visa, tapos pina-extend ko na lang bago mag-expire. i think anim na buwan ang extension.

    By Blogger Ka Uro, at 8:17 AM, April 21, 2005  

  • i'd like to add that i would not have succeeded in getting a work permit had it not for the support of friends and relatives. sila ang nagbigay sa akin ng moral at pinansiyal support at libreng accommodation habang wala pa akong trabaho. i owe them a debt of gratitude - yung mga byuti kong kapatid pati na ang kanilang mga esposo.

    By Blogger Ka Uro, at 8:41 AM, April 21, 2005  

  • siempre naman setteusa. regards to papa joe and kids.

    By Blogger Ka Uro, at 6:19 PM, April 24, 2005  

  • sorry po,ah!!ano po ba yung NZ?...paano po ba makuha ng working visa?...ung lawyer po b na i co2nsult sa U.S. pa or pde d2 sa pinas regards sa immigration and working permit?...tnx po ng madame..

    By Anonymous Anonymous, at 7:01 PM, August 19, 2010  

  • magkano po ba ang gastos bago makarating dun.

    By Blogger Unknown, at 3:23 PM, January 02, 2016  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker