Some Kiwi Practices Not Common to Us Pinoys
Sa mga schools, churches, malls, department stores uso ito. May magtitinda ng barbecue sausages (o hotdog kung tawagin sa atin). Ipapalaman sa isang piraso ng slice bread na pinahiran ng margarine o butter. Pwede mong palagyan ng binarbecue ding sibuyas at taktakan ng Watties o Heinz ketchup. $1 lang bawat sausage. Pwede na ring pamatid gutom. Pero iba pa rin ang lasa ng PureFoods o Swift’s sa atin.
Talo natin sila. Sa atin di lang hotdog binabarbecue natin. May baboy, chicken ass, wings, legs, atay, balumbalunan, dugo, betamax (bitukang manok).
Friday Drinks
Every Friday or every other Friday sa mga offices, at around 5PM ilalabas na ang mga botelya ng beer, white wine at red wine para sa mga empleyado. Kung minsan meron pang potato chips na pulutan. Libre ito, usually sagot ng company. It’s the company’s way of saying you deserve a reward after a week’s hard work. Wala naman nalalasing, kasi isa o dalawang bote/baso lang ang iniinom ng karamihan.
Mufti Day
This is a day (generally every Friday) when office workers are allowed to wear casual clothes (or in the Pinas civilian clothes). Sa ibang bansa tawag dito “Dress down Friday” or “Casual Friday”. Dito tawag nila “Mufti” from a certain General Mufti of the British Army. Napansin nung general na tumataas ang morale ng mga sundalo niya kapag pinapayagan silang mag-civilian paminsan-minsan.
Haka
Sa umpisa ng bawat laro ng NZ rugby team na tinaguriang All Blacks, (kasi itim ang uniform nila), magpe-perfom muna sila ng isang war dance na tinatawag na Haka. They do this to inspire themselves to perform well in the field and also to intimidate their opponents. Nakakapanindig balahibo kapag napapanood mo ang All Blacks doing the Haka.
Open Homes
Siguradong mapapansin ng mga bagong dating dito ang mga “Open Home” signs lalo na kapag weekends. Halos every second street yata meron binebentang bahay. If a house has an “Open Home” sign it means you can go inside (at specified time) and inspect it. If you like it, pwede ka rin mag bigay ng offer sa agent. That was how we bought our first house. Pumasok lang kami sa open home, nagustuhan namin yung bahay, tapos nagbigay kami ng offer. Kinagabihan, tinawagan kami ng agent. Tinanggap daw nung owner ang offer namin. Within a week, close ang deal and within a month lumipat na kami sa bahay.
Garage Sales
Magugustuhan ito ng mga bagong dating. Kasi sa Garage sales marami kang mabibiling bargain. Tawag Garage Sale kasi normally sa garahe ng bahay ginagawa. Sa mga newspapers naka-advertise ang mga address kung saan may garage sale at kung kailan. Usually kada Sabado ng umaga. Dito namin nabili yung plantsa, toaster, picture frames, lamp shade, garden tools, martilyo, pala, sofa, kama, at iba pang gamit sa bahay. Dito mo magagamit ng husto ang haggling skills mo.
Sabado ng umaga, before 7AM, gumising ka na. Magbihis ka ng casual clothes (Mufti). Magpunta ka sa malapit na convenience store at bumili ka ng NZ Herald. Tapos hanapin mo sa classifieds ang mga Garage Sales sa area niyo. Puntahan mo isa-isa at mag-shopping ka ng bargains. By around noon, pasyalan mo naman ang mga open homes. Bahay naman ang i-shopping mo. Kapag nagutom ka, bili ka ng sausage sa mga sausage sizzle. Pag-uwi mo sa gabi mag-inuman kayo, (kahit hindi Friday). At kapag lasing na kayo ng barkada, mag-hubad kayo at mag-haka.
Kapag nagawa mo lahat yan sa loob ng isang araw, malamang bigyan ka kaagad ng Kiwi citizenship.
2 Comments:
gah!!!di ko pa naman na i record yung haka..
meaning malabo pa ako maging kiwi citizen agad?
hahhahaha
By Anonymous, at 11:00 AM, May 25, 2005
Such a good article about NZ
By Suresh Red, at 4:58 PM, January 24, 2010
Post a Comment
<< Home