Buying a Computer in Auckland
Kung first time ka pa lang bibili ng PC at ikaw yung taong hindi technically inclined, (eg. You have no idea at all what the difference between CRT and LCD), ang bilhin mong PC yung naka-sale sa The Warehouse (www.thewarehouse.co.nz). Ang tatak Dell. The last time I looked, may $999 at may $1379 ang desktop PC. Comes with everything you need to get started. Wala nga lang printer, scanner. Mura na yon, kasi magandang brand.
Kung medyo nakakaintindi ka naman technically, o kung meron ka ng PC at gusto mo lang bumili ng mga accessories, halimbawa printer, scanner, memory, o gusto mong mag-upgrade o bumuo ng sarili mong PC ang isang website na dapat mong puntahan ay ang www.pricespy.co.nz. Dito makikita mo ang mga prices ng mga PC components ng iba’t ibang vendor. Naka-sort according to price. Kaya malalaman mo kung saan mura. Ang kaso lang, buong NZ yan. Kaya baka yung murang vendor nasa South Island pa. Ganoon pa man huwag kang mag-alala. Hanapin mo yung mga tindahan na nasa Auckland at makipag-bargain ka sa kanila. Sabihin mo nakita mo sa PriceSpy yung presyo ng ibang vendor. Kadalasan, willing naman silang i-match yung lowest price.
Kung naman hindi ka maselan at okay lang sayo ang second hand, try mong maghanap sa www.trademe.co.nz. Auction site ito na tulad ng eBay. Mag-bibid ka lang at kapag ikaw ang nanalo sa bidding, ibibigay sayo ng TradeMe ang email address nung vendor at kayo na ang bahalang mag-usap tungkol sa bayaran at delivery ng item. Kung di ka sanay sa online bidding, suggestion ko, makipag-bid ka lang sa mga traders na nasa local area mo. Sa ganitong paraan kung manalo ka, pwede mo siyang puntahan at pick-apin ang item. BTW, marami din nagbebenta ng brand new sa TradeMe.
Ang isa pang pwedeng bilhan ng mga second hand computer parts ay ang computer flea market. Meron nito sa Panmure Community Centre kada Sabado mula 8 hanggang 12 ng tanghali. Makakabili ka dito ng mga kompletong PC mula $100 to $400. Suggestion ko kung wala kang alam sa computer, magsama ka ng nakakaalam. Meron din isa pang computer flea market sa Northshore, sa may Shakespeare Road, Milford, every Sunday naman, 8-12 din. Pero mas kakaunti ang mga vendors dito compared sa Panmure. Isa pa kapag nasa Panmure ka na, bisitahin mo na rin si Oscar at mag-grocery ka sa tindahan niya (Tres Marias) sa Queen St, Panmure. Puro Pinoy products -- mamasita, sky flakes, bagoong, clover chips, walis, pangkayod ng niyog, ligo, sarsi, atbp. Banggitin niyo ako. Sabay ilag (dahil may utang pa ako sa kanya). De biru lang. Para bigyan niya ako ng discount.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home