Pwede at di Pwedeng Dalhin sa NZ
Kung sinisipag kayo, I suggest puntahan niyo ito at i-open lalo na yung brochure nila about “Advice to Travellers”. Remember, ignorance of the law is not an acceptable excuse. Below is a list of prohibited or restricted goods I got from that brochure.
1. Cash – If you’re bringing more than NZ$10,000, kailangan i-declare ninyo. Hindi naman bawal magdala ng more than this amount. Gusto lang nilang malaman at uriratin kung saan mo nakuha ang ganong karaming cash. If you obtained the amount through legal means, hindi ka dapat mangamba. The penalty for not declaring is $2,000.
To summarize, if you are bringing less than NZ$10,000 cash, hindi mo na kailangan i-declare. Otherwise, you have to declare. How about if you’re bringing more than that amount in traveller’s cheques, kailangan bang i-declare? Hindi po, kailangan lang kung cash ang dala mo.
2. Agricultural Items – food of any kind, plants, animals or their products, equipment used by animals, camping gear, golf clubs, used bicycles, biological specimens. If you’re bringing any of these, you have to declare them. Otherwise, you can be fined $200 upto $100,000 or 5 years in imprisonment for failure to do so.
Pwede bang magdala ng bagoong? Marami nang nakapagdala nito basta dapat maganda ang pagka-package at di nangangamoy. Mas maganda kung see-through ang lalagyan para hindi na i-open during inspection. Dahil kapag in-open at umalingasaw ang amoy, siguradong itatapon nila. The same is true for all other foods na maamoy. Eg. Tuyo, dried fish, squid.
Pwede bang magdala ng canned goods? Pwede basta may tamang labels. Kung ikaw lang ang nagpalata at ni-tape mo lang ang label, humanda ka at bubuksan nila ito. It’s not actually advisable na magpa-can ng pagkain.
3. Domestic pets – Di ko na i-explain ito. Most of us naman, don’t bring in pets.
4. Firearms and weapons – This is common sense. Ang dagdag ko lang yung mga taga-Batangas na mahilig sa balisong. Sorry, bawal ang balisong.
5. Medicines – You can bring over the counter medicines (imodium, lomotil, paracetamol, cortal, etc) basta reaonable quantity lang. If you are bringing prescription medicines you should have a prescription from your physician and the drugs must be in their original containers. Their quantity must not exceed 3 months supply for prescription medicines or one month supply for controlled drugs. I think examples nito yung mga depressants or anti-depressant drugs or anything na addictive.
6. Objectionable publications – mga sex magazines, books at mga DVDs, CD-ROMs na may bold. I’m sure some of it like Playboy and Penthouse are okay. Meron din dito non e. Basta siguro paisa-isa lang at not considered commecial quantity. Pero yung mga pirated DVD/VCD, hindi man objectionable, it’s possible na baka harangin dahil pirated.
7. There is a section in the brochure about “Radio Transmitters and Telecommunication Equipment” and another one for “Cannabis Utensils”. I won’t bother to explain them here, dahil di naman common. If you’re bringing any of these, basahin na lang yung brochure na nabanggit ko sa taas.
8. Products from Engangered or Exploited Species –
a. ivory in any form, including jewelry and carvings,
b. meat from whales, dolphines, rare animals,
c. medicines from rhino tusks, tiger derivatives,
d. carvings or other things made from whalebone or bone from many other marine mammals,
e. cat skins or coats,
f. trophies of: sea turtles, big cats, antelope, deer,
g. all clam shells, corals,
h. bird feathers,
i. butterfly collections,
j. many goods such as belts, bags shoes from skins of crocodiles, lizards, snakes or other reptiles.
Medyo strict yung number 8. This is because NZ is conforming to a word-wide agreement called CITES that aims to protect endangered wild life. Huwag ninyong tularan si Paul Hogan ng “Crocodile Dundee” na may leather vest, hunting knife na may leather na looban all from crocodile skin. Tapos may necklace pa na may mga ngipin ng crocodile. Ma ko-confiscate lang ng customs, if you bring any of those... tapos ikaw naman ang ipapakain sa mga crocodiles.
36 Comments:
Very informative Ka Uro. Okay naman pala bagoong sa kanila. And it's a good thing they really protect the wildlife. Siguro very active nga dyan ang mga environmentalists ano po?
By Bluegreen, at 10:11 PM, August 30, 2005
Basta to be safe, anything na hindi ka sigurado, i-declare mo. Mas mabuti na yun kesa may makita sa bagahe mo na bawal dalhin. Yung nanay ko nga nabigyan ng written warning ng customs kasi may mga hindi siya na-declare. Buti nga warning lang at hindi pinagbayad ng fine
By Tyler's Mummy, at 12:21 AM, August 31, 2005
KU,off tangent na topic. May naalala po ba kayong student na Garganta ang last name sa UP Eng?
By Anonymous, at 6:49 AM, August 31, 2005
bluegreen,
oo masyado silang protective dito sa environment. kaya maraming bawal ipasok dito kasi natatakot sila na baka makasira sa mga native plants and wildlife. which is good naman at least na-preserve nila ang kagandahan ng lugar. o ano, e di pasyal ka na dito?
aucklandbabe,
mabuti warning lang. yung kaibigan namin na fine ng $150 kasi yung dala niyang dried fish inuuod na. yucky di ba?
trotskybee,
wala akong natatandaan na ganong apelyido na naging estudyante ko. nga pala ang email add ko maurojean@yahoo.com.
By Ka Uro, at 7:35 AM, August 31, 2005
KU aka Mr. Martin Walker (mr 5pt. play)
Malapit na ang iyong uwi more or less 3 weeks na lang. Wag kalimutan imodium at para safe adult diaper mahirap na maulit ang pangyayari ng grade five. Pagbalik mo naman balutin ng husto ang mga pirated Cd at Dvd lalo na yong bilin ko ng pinoy chic movie para hindi mabulatlat kahit sa brief na gamit na tulad ng ginagawa ko ewan ko lang kung titingnan pa nila ang nasa loob nito,Pakitingnan mo na rin kung may available din na movie ang syota ko kasi hindi ko pa napapanood para malaman ko ang kaibahan ng totoo at kung acting.
Byron Kelleher Aka Atoy
( kalahare pronunciation kasi kapatid ng rabbit kasing prolific at kasing hilig)
By RAY, at 8:23 AM, August 31, 2005
p.s.
Kung hindi mo nabasa ang kuwento ni Mr. 5pt play pasyalan mo sa blog ko at copy paste ko. heto pala bago kong blogsite atoystory.blogspot.com
By RAY, at 8:27 AM, August 31, 2005
atoy,
babasahin ko mamaya pag-uwi ko. nakita ko mahaba-haba at baka wala akong ma-accomplish sa work ko. papalitan ko na ung dati mong link ha.
nao,
madalas naman akong mapasyal sa haybols mo. lurking lang sa background.
By Ka Uro, at 12:17 PM, August 31, 2005
KU hindi yong mahaba kasi tagay yon sa kin yon ni KaDyo at Marghil napakahaba kasi nagregresss ako hanggang panahon ng dinosaur sakit nga ng ulo ko pagiisip. Ang sinasabi ko yong tunay na si Mr. 5 point play yong bang sinukuan ng syotang asyana dahil pinaglihi yata sa kuneho. nabasa mo ba yon sa new zealand herald.Kung hindi mo nabasa kinopy paste ko. Patunay na tayong mga taga N.Z. ay talagang tigasin kahit past half a century na ang edad. Si Martin Walker aka Ka Uro. Para matigil na ang panlalait sa atin ni Tanggerz susunod ko namang ilalagay si Mr. Hard Man Byron Kelleher aka Atoy. Kahit mga beterana satisfied. Ganyan lang naman katinik mga Kiwi maedad man o bata at kabilang kami ni KU kahit adobong kiwi kami o penoy na kiwi o anong say mo tanggerz may itatapat ka ba sa amin.
By RAY, at 1:03 PM, August 31, 2005
Hi KU,
I really like your blog, very informative.=) May question lang ako KU regarding weapons... In case magdala ako ng ARNIS STICK, ico-confiscate ba nila yun kahit i-declare ko?
Magandang umaga po,
-Jack
By Anonymous, at 2:20 PM, August 31, 2005
ka uro! salamat sa info... iiwan ko na muna pala ang balisong kapag nagpunta ako dyan.. hahaha!
By kukote, at 2:33 PM, August 31, 2005
Naalala ko yung una kong lapag dyan sa NZ, hindi naman ako naharang dahil sa wala akong dalang bawal (takot kasi ako!) - damit lang talaga ang dala-dala ko kaya hindi ako nagka-problema. And limited lang sa 30 lbs ba o kilos ang pwedeng dalhin noon.
Maiba ako, totoo ba na itong si Byron Kelleher ay bata si K. Lei?
By Huseng Busabos, at 2:38 PM, August 31, 2005
atoy,
oo nabasa ko na yung part na yon at pati yung pagtatatag mo ng agency. ok ka may mga cliente ka kaagad.
huwag mong ipagkakalat na ako yung si mr. 5 poing play, baka makarating kay esmi at hanapan niya ako ng points.
jack,
i think okay naman ang arnis sticks dahil gamit naman for sports. sana kung may label siya mas maigi. pero kung wala i-explain mo na lang pag tinanong.
marhgil,
tama yon huwag mo nang dalhin ang balisong mo.
HB,
20 kilos lang ang allowed dito, unlike diyan sa north america, 40 kg yata or more pa nga. si atoy ang tanungin mo tungkol kay byron at k.lei. lahat nga ng website na may picture ni k.lei napuntahan na niya.
By Ka Uro, at 3:18 PM, August 31, 2005
KU baka di lang pasyal hehehe..parang magandang manirahan dyan eh. Pero sympre iba pa rin ang inang bayan. Kung saan mapadpad na lang, hopefully dyan nga. Aba pag nagkataon baka makita ko na kayo in person! Hehehe
By Bluegreen, at 4:13 PM, August 31, 2005
Ka Uro yung swiss knife bawal din ba dyan.....kinukuha?
By Flex J!, at 5:19 PM, August 31, 2005
KU,
Buti nalang nabasa ko yung tungkol sa mga shells. Plano ko kasing magbitbit ng mga accessories na gawa sa kabibi para sa mga kaibigan ko.
thanks.
By jinkee, at 5:54 PM, August 31, 2005
bluegreen,
mas maganda kung permanent na ngang punta niyo dito. welcome kayo sa amin.
flex j,
pwede a swiss knife. ilagay mo lang sa check in baggage mo, huwag sa hand carry.
jinkee,
mas maganda na ngang huwag magdala para safe.
By Ka Uro, at 10:09 PM, August 31, 2005
KU hindi ako nagihi sa kama gaya ni Tanggerz.Basang Pangarap yon bang parang totoo kahit unan lang pala o puwit ng katabi mo ang iyong.....alam mo na. Grade six ako noon sarap Miss R.P. na taga amin. Kaya lang pagkagising ligo at baka habulin ng langaw o langgam.
Grabe ka ung gold coin ginagawa naming lobo sa yo pala giangamit mo pag kalaro mo si Mary P.He, he, he, lotion na lang o langis
By RAY, at 1:36 PM, September 01, 2005
ka uro, yung parents ng kaibigan ko nakapagdala ng ube halaya dito na naka-box lang tapos may plastic around it then ni-tape nila yug label. inaccept naman daw sa customs. kelan uwi nyo sa pinas?
By Christine, at 3:54 PM, September 02, 2005
ms m.
ok lang ang ipod. di na nila check yon.
By Ka Uro, at 2:44 PM, September 30, 2005
hi,im deth..like all of us here nangarap din kami na magimbayan..at napili namin ang new zealand..at naka 1st step na kami..kya sobrang tuwa ko ng makita ng husband ko ang site mo kuya uro..very inpormative..thank you sa na-share nyo at i-share pa lang..god speed!
By Anonymous, at 3:29 PM, March 31, 2006
maris,
pwede magdala lahat niyan basta i-declare mo lang sa customs declaration at huwag lang sobra dami.
By Ka Uro, at 9:20 AM, August 03, 2006
hello,
i am new in this country, i just arrived last august 06. almost 4 months na ako, with my husband, icant work standing bec im pregnant, talaga bang mahirap maghanap ng trabaho d2? i finished office admin but still they always asked for nz experience? i am on visitors visa anyway just applied for PR..paano ba dapat maghanap ng job sa nz?
By Anonymous, at 11:51 AM, November 17, 2006
KU,
with regards to pirated, kahit for my personal effect lang yun and not for distribution, bawal pa din?
what if I include those items in my shipment?
Thanks.
Migs
By Anonymous, at 6:09 PM, May 21, 2007
hi migs,
pwede naman as long as hindi commercial quantity. yung iba tinatanggal na sa case ang mga CD/DVD at nilalagyan ng label na pentel pen ang mga DVD para proof na personal copy lang sila. kung include mo sa shipment ganon din. suggest ko tanggalin mo na sa mga box nila at lagyan ng labels.
By Ka Uro, at 11:57 AM, May 22, 2007
Ka URO,
Puwede magdala ng mga CDs at DVDs
na ang laman ay mga:
1. softwares na na-download mo
sa internet
2. movies divx downloaded from
internet.
Thanks,
Binoy
By Anonymous, at 2:26 PM, December 05, 2007
binoy,
di naman mahigpit sa mga dalang CD,DVD basta hindi lang commercial quantity.
By Ka Uro, at 2:48 PM, December 05, 2007
Ka URO,
Di ba mahigpit ang NZ customs on photocopied reference books: Engineering books as well as IELTS reviewers?
What if ipa door-to-door package ko to sa cargo forwarder, mas okay kaya?
Thanks & Cheers,
Cyborg
By Anonymous, at 4:21 AM, December 17, 2007
Cyborg,
dont worry about those. di sila mahigpit sa mga ganon. mahigpit lang sila sa mga food items.
By Ka Uro, at 7:43 AM, December 17, 2007
Ka Uro, salamat pala sa mga info mo, now lang ako nakapasok dito kasi, and i find it very useful. Bro, baka kasi makapunta ako dyan sa auckland by June hopefully, excited na tuloy ako, maganda naman pala dyan, kukunin kasi ako ng auntie ko. Alam ko mahirap bro, kasi i'd never been away from my family ever since, pero kakaynin ko nalang para sa future ng mga kids kita. Sana bro, magkita tau one of this days, ok. Thanks again bro. Regular visitor na ako dito...........
By Bravs, at 12:42 AM, March 22, 2008
hi...pwede po ba fake clothes? pero hindi nmn commercial quantity... personal use lang... thnaks
By rocker'draught, at 8:55 PM, April 16, 2008
rommelprincipe, yes pwede. pwede mong dalhin at suotin ang mga fake mong victoria secrets. hehe. biru lang pre. :)
By Ka Uro, at 8:00 AM, April 17, 2008
okay a ba mag dala nang harddisk na may pirated games? ngayon? tnx tnx bukas na alis ko eh
By Anonymous, at 5:59 PM, July 14, 2011
KU, Good day. Tanong ko lang po kung may restriction dyan sa pagdala ng sigarilyo and e-cig?
Thanks.
By ray, at 5:20 AM, August 29, 2011
Ray, go to http://www.customs.govt.nz/library/Brochures/default.htm and find the link "Customs charges, duties and allowances"
By Ka Uro, at 8:16 AM, August 29, 2011
Ask q lng if pwd mgdla ng dried vegetable seed
By Anonymous, at 10:05 AM, July 28, 2023
I would not recommend for you to bring any seed. Mahigpit sila kapag mga seeds and food. For sure inspect nila at kapag nagdala ka at hindi mo ni-declare malaki ang fine. Better not risk it! If you are not sure just declare it. Worse case is confiscate lang nila at hindi ka ma-fine.
By KA URO, at 10:17 AM, July 28, 2023
Post a Comment
<< Home