mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, August 28, 2005

WHAT WERE YOU LIKE

Salamat kay Marghil for tagging me. Eto na ang mga sagot ko

WHAT WERE YOU LIKE

20 YEARS AGO:
1985 – Titser ako sa UP College of Engineering sa Diliman. Nagtuturo ng Computer Programming at Hydraulic Engineering subjects. I’m happy to say na wala akong binigyan ng singko sa mga naging estudyante ko. Syota ko na rin si Jean nitong mga taon na ito.

15 YEARS AGO:
1990 – Naging ama ako during this year. Napanganak ang one and only daughter namin. Nasa Bureau of Immigration ako nagwo-work at nag-install ng mga computers sa NAIA. Pinadala ako sa Canberra para mag-attend ng IBM training ng ilang linggo. Yon ang nagbigay ng idea sa akin para mag-migrate. It was this year and the following years that we decided to apply for migration to Australia. Kaso hindi natuloy kaya sa NZ kami napadpad.

10 YEARS AGO:
1995 – Bagsak kami sa application for residency sa Australia kaya nagbakasakali kami sa NZ. This year nasa processing na ang NZ application namin. Habang nipro-process I decided to apply for visitor’s visa to the US. 1995 nung pumunta ako sa US at maghanap ng trabaho. Sinuwerte naman at may nakuha akong sponsor doon. December ng taon na ito, sumunod sa akin sa US ang aking mag-ina. The following year nakuha namin ang resident visa namin sa NZ, kaya nagpasya na kaming mag-migrate sa NZ after a year and a half sa US.

FIVE YEARS AGO:
2000 – January nasa Pinas ako. Pinadala ako ng company na pinapasukan ko sa NZ sa Pinas para tulungan ang mga computer programmers sa Pinas na kasalukuyan noong nipro-program ang drivers licensing para sa LTO. Three months ako sa Pinas at bumalik.
By this time very much settled na kami sa NZ. May kotche at bahay (na inutang sa bangko) na kami. Stable naman ang mga trabaho namin ni Jean.

THREE YEARS AGO:
2002 – Nakabili kami ng bagong bahay na mas malaki kesa sa tinitirhan namin. Napilitan lang kami ng real estate agent kaya hindi pa kami ready na lipatan yung bahay. But it was a blessing in disguise. Pinaupahan muna namin yung bahay. After 6 months, prices of houses went up by tens of thousands. It was like winning lotto. Because we suddenly found ourselves having a bigger and better house for almost the same price as our old, smaller house. Binenta namin ang first house namin at the same price we got our new house. Di ba bongga? Nag-upgrade kami ng tirahan without borrowing more from the bank.

LAST YEAR:
December last year nag-start akong mag-blog. By accident, nadiscover ko ang blog ni Batjay from Singapore sa Kwentong Tambay. Naisip ko, masaya pala ang mag-blog at di ka naman kailangan maging magaling na writer. Your writings don’t have to be in perfect English or Tagalog para ma-appreciate ng iba.
Last year nakabili ako ng pangalawang sasakyan. Isang lumang Honda Odyssey.

THIS YEAR:
Nakapasyal kami sa Gold Coast, Australia para bisitahin ang aking sister. This year din kami mamamasyal uli sa Pinas since 2000.

YESTERDAY:
Natapos kong gawin yung isang project na pinapagawa sa akin ni esmi. Gawan ko raw ng cover yung lutuan niya sa labas ng bahay. Meron kasi kaming maliit na kalan sa labas ng bahay para doon siya nagluluto ng mga ma-amoy at matilamsik na luto gaya ng pritong isda. Gumawa ako ng parang maliit na phone booth. Nasa loob ang lutuan.

LAST NIGHT:
Natapos kong isalin sa MPEG files ang pelikulang “Jesus of Nazareth”. Dati kasi nasa tatlong VHS ang pelikulang ito. I finished transferring the entrie movie which is 380 minutes into 6 files. Sa susunod i-transfer ko sila sa DVD para pwedeng panoorin kahit saan.
Nag-bloghop ako after not having able to for a number of days already.

TODAY:
Masama ang ubo ko ngayon at may konting sipon pa. Ngayon lang ako nakahabol ng konti sa mga office work. Kaya ngayon may time na akong sagutin ito.

TOMORROW:
Bibisitahin ko yung isang tenant namin. Nagkaproblema daw yung bathroom sink at nagbaha sa hallway. Nabasa ang carpets. Hay! Naku!

NEXT YEAR:
I hope bayad na mortgage namin, para makapag-holiday naman sa US, Canada or Europe.

FIVE - TEN YEARS FROM NOW:
Definitely, dapat wala na kaming utang. At tapos na rin ang anak namin sa university. Kaya sitting pretty na lang. Every year magho-holiday kami. Yahoo!

22 Comments:

  • Makulay ang buhay mo KaUro! Mapalad ka rin at nabigyan ng oportunidad mag-trabaho sa ibang bansa... dagdag pogi points sa resume yan, hindi ba? :) Enjoy the coming trip to the Philippines!!!... kami sa Pasko pa makakabalik. At... get well soon rin!

    By Blogger Jovs, at 10:50 PM, August 28, 2005  

  • get well soOn..

    buti ka pa nakpgmigrate na at settled na..can i ask how old are you?! heheh

    i'm still stuck here in dubai w/ my family, i want to go to Europe to reside/work and live a life away naman from family..ehheh sympre to settle w/ my soon-to-be-hubby din!

    advises welcome!

    cheers!

    By Anonymous Anonymous, at 11:32 PM, August 28, 2005  

  • hi ka uro! salamat sa paggawa ng assignment ;) now i know you more today than yesterday... hehehe

    btw, yung pinsan ko, andyan na rin sa NZ. di ko lang alam yung exact location nya dyan. siguro next year... susunod na rin ako dyan ;)

    By Blogger kukote, at 11:58 PM, August 28, 2005  

  • get well soon, KU!

    wow! holiday every year! bongga!

    By Blogger bing, at 2:25 AM, August 29, 2005  

  • hi ka uro,

    this is a nice way to get to know you.

    get well soon.

    By Blogger JO, at 4:05 AM, August 29, 2005  

  • I enjoyed reading your latest post about past, present, and future. Ang swerte nyo naman, nagka bahay ng maganda at saka things seems to fall into place for you lang. Ang nice naman, I happy to hear that. Exciting naman ano? Ang dami nyo namang narating, mga jobs at places you've been, it's an adventure itself na. Sana ako rin mabigyan ng opportunity to travel the world kahit not lahat na places basta all over...LOL. I found blogging fun too, kaya when I get bored with not having anything to post, I leave it alone lang kasi I rise again and have lots to share. It takes time lang for things to come up. Anyway, I included you sa ganitong assignment kaso na unahan na ako, kaya ok lang. Ok ah, see you next time again.

    By Anonymous Anonymous, at 5:57 AM, August 29, 2005  

  • Jovs,
    oo nga swerte rin ako at nakapunta ako kung saan saan. enjoy din kayo sa uwi ninyo sa pasko.

    pobs,
    sana makapag-migrate kayo and finally settle in europe. or why not in nz? i'm old na. mid-40s na.

    marhgil,
    anong pangalan ng pinsan mo? sana nga makasunod ka dito para madagdagan tayong mga gwapo dito. hehe.

    bing,
    it sounds bongga, but it's true. most of the kiwis i know over here go on overseas holidays once a year or every other year. and they even have lesser jobs than we do. if they can do it, we can too, di ba?


    jo,
    thanks.


    ana p.s.,
    i feel really blessed because things always seem to be going my way. i couldn't ask for anything more. and i thank God always.

    By Blogger Ka Uro, at 9:43 AM, August 29, 2005  

  • hello Po, finally, nakarating na din ako sa bahay ng sikat na si Ka Uro! palagi kong nababasa pangalan nyo sa napakaraming blogs! heheeh...

    sana ako din makapunta jan sa NZ, bibisitahin sina mmy lei, mang goyong at kau din... pero, bka kase that time nsa US, Canada o Europe ka, nagbabakasyon...heheheh

    gandang araw po...

    echnage links po tau...

    By Blogger RAV Jr, at 11:16 AM, August 29, 2005  

  • Dops,
    okay lang lang. o yan, ni link na kita. actually noon ko pa nga rin nababasa ang mga comments mo sa ibang blogs at gusto ko rin mapasyalan ang haybols mo. naging busy lang. pero ngayon mapapasyalan ku na at na ka link na dito sa haybols ko.

    By Blogger Ka Uro, at 12:07 PM, August 29, 2005  

  • Sayang KU di ko kayo naging prof hehehe. Kaya lang lately lang naman ako na-enrol dun. Siguro kilala nyo yung prof ko si Doc Cortez?

    By Blogger Bluegreen, at 9:38 PM, August 29, 2005  

  • KU,
    Exciting pala ang buhay mo. Paglaki ko, gagayahin kita :-)

    By Blogger jinkee, at 10:02 PM, August 29, 2005  

  • Napaka swerte naman ng mga studyante mo dahil di mo sila binigyan ng singko, sana naging titser kita before, hehehehe.

    Get well soon.....

    By Blogger Unknown, at 3:15 AM, August 30, 2005  

  • Wow.. Remember mo pa kung ano nangyari sa yo 20 yrs ago hmmm. I dont even remember wat i did last week. I think im in big trouble. baka wala na akong memoria by the age of 30. Help!

    By Anonymous Anonymous, at 7:33 AM, August 30, 2005  

  • kadyo,
    thank you, magaling na ako.

    bluegreen,
    di ko kilala si Doc Cortez. ano dept ba siya?

    jinkee,
    hindi naman exciting. pero okay lang. simple lang.


    ghie,
    hay naku ghie! ayoko. e di ba ikaw na ang nagsabi sakit ka ng ulo ng parents mo nung bata ka. e di ako naman ang binigyan mo ng sakit na ulo. nyehehe!


    jun,
    it's one thing to be maunlad. and another to be masaya. ako i don't really think of myself as maunlad or really well-to-do. okay lang kami. but we're happy and content with what we have. i think "contentment" is the key.

    ako man malilimutin na ang katawan ko.

    quasi-vet,
    first time kong nakita ang name mo dito. thanks for dropping a comment. i saw your pictures in your blog. ang bata mo pa (and pretty too), malilimutin ka na! 20 years ago baka, pre schooler ka pa kaya di mo na naremember. e ako 20 years ago, graduate na sa university.

    By Blogger Ka Uro, at 8:51 AM, August 30, 2005  

  • Kuya Ka uro, hehehe yup, i was blog hopping,thanks to ate rhada, nakatagpo ako ng isa pang naka-aaliw na blog. 20 yrs ago, i was in kindergarten :) that i remember.

    By Anonymous Anonymous, at 10:51 AM, August 30, 2005  

  • Sa College of Eng'g din sya KU, sa math dept. Di mo nga siguro nakasama yon. Hehehe.

    By Blogger Bluegreen, at 2:29 PM, August 30, 2005  

  • Hi KU,

    Your past is well lived, well fought and very significant! I wish you the best in the future.

    Mabuhay ka KU!=)

    -Jack

    By Anonymous Anonymous, at 2:34 PM, August 30, 2005  

  • quasi-viet,
    taga vietnam ka ba? natanong ko lang kasi sa alias mo at kasi si esmi ko lumaki sa vietnam.

    bluegreen,
    sori di ko siya na-meet. atchaka matagal na rin non 20 yrs ago na. baka na delete na sa memory ko. hahaha

    jack,
    thank you. mabuhay tayong lahat!

    By Blogger Ka Uro, at 7:39 AM, August 31, 2005  

  • Ka Uro. Am here again. I really enjoy reading your blogs. Aside from nakakaaliw, very informative pa sya. Di ko pinapalagpas ang day ko na hindi bumibisita dito. Nag aabang ng bagong info. It's good thing na merong katulad mo na nagpapasaya at walang sawang tumutulong hindi lang sa mga tulad naming NZ aspirants kundi sa lahat. Thank you sa mga info's. I hope mameet namin kayo someday.=) Regards...

    -Angel

    By Anonymous Anonymous, at 2:19 AM, September 01, 2005  

  • Ka Uro,
    alam nyo kayo ang isa sa mga binabasa kong blog veryday.Pasensya na po pero nakikita ko kc sa inyo ang tatay ko,pero dnt worry mejo bata pa naman c tatay,52 lang sya. Nakaka inspire kayo, im also planning to do a blog, taga Dubai po ako,marami akong kwento dto sa Dubai, kaya lang po mejo natatakot pa akong mag post kc baka di mapansin. actually i want to help our fellow kababayan lalo na ung mga naloloko ng kapwa pinoy dto.
    anyways, goodluck po and im sure 10 years from now wala na kayong utang.
    God bless you and your family and hope to meet you someday.

    By Anonymous Anonymous, at 8:47 PM, September 03, 2005  

  • angel,
    thanks for the nice comments. i'll pray na sana maging successful ang applications niyo sa nz at para magkitakita tayo someday.


    yvet,
    ituloy mo ang blog mo especially may maganda kang hangarin na makatulong. if you can help even just one person through your blog that's good enough. hope to meet you too someday.

    By Blogger Ka Uro, at 11:19 PM, September 03, 2005  

  • HI Ka kuro, I read your past posting 2 days ago but I haven't leave a comment yet, umiiyak na kc ang baby ko nun eh tapos nakalimutan ko nalang bumalik dito. I read all of your past posting, wow, ang dami mo na palang narating, sana dito nalang po kayo sa Us anoh. Napaka succesful naman ng buhay mo ngaun.

    By Blogger Raquel, at 8:16 PM, September 05, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker