Embarrassing Moments
Nasa elevator ka with your crush. Suddenly napa-UTOT nang malakas ang crush mo! Anong gagawin mo?
1. Magpakatotoo ka!
2. Smile, then say "Ok yung Ringtone mo ah, send mo naman sa akin!"
I thought it was funny. It brought out some memories of embarrassing moments and bloopers from my past. Seriously, when something awkwardly embarrassing happens to you, what do you do? In my case, wala akong magawa. Gusto ko na lang maglaho sa mundo.
I remember, nasa isang formal meeting kami. Mga bigtime pa nga ang mga ka-meeting ko. We were offerred chocolotates cookies and softdrinks for merienda. Siempre, kuha naman ako. While on my second cookie bigla akong nasamid. Para mahinto (or so I thought) ang aking pagkasamid tinungga ko ang malamig na coca-cola. Hala, biglang nag-tuloy-tuloy ang pagkasamid ko at naibuga ko ang natitirang pirapirasong cookies, na naglalagkit gawa ng coke at laway, na parang mga projectiles sa mukha at suits ng mga ka-meeting ko. At that point in time, all I wanted was to vanish from existence.
Moral lesson: Huwag iinom ng softdrinks kapag ikaw ay nasasamid.
Then there was another “dumb and dumber” kind of situation I got into when one time we had some VIPs from Australia visiting our company. To impress them, niyaya sila ng CEO namin, kasama ako sa Manila Hotel para mag-lunch. Aba, perstaym kong mag-lunch sa isang 5 star hotel. Ang galing smorgasbord (eat all you can). Tumayo kami para kumuha ng pagkain. Napansin ko ang mga Australyano at ang CEO namin, kokonti kung kumuha. Nung ako na, aba, gutom na ako e. Kung konti lang ang kukunin ko, di ako mabubusog, so pinuno ko ang ang king plate. As in, parang Cordillera mountains na nakabundok ang pagkain. Naisip-isip ko kailangan samantalahin ang pagkakataon. Hindi na mauulit ito. Umupo na kami at nagumpisang kumain at magkwentuhan. Business talk. Half an hour or so later, busog na busog na ako, lumapit yung isang waiter at sabi sa amin, “Sir/mam, the mains are now being served at the buffet table.” Doon ko na realize na yun palang unang tayo namin ay para kumuha lang ng appetizers! Iba pala ang pagkuha ng main course! Napa-iling na lang ako nung yayain akong muling kumuha ng pagkain at sinabi kong “No thanks, I’m already full.” Napatingin lahat sa akin ang mga puti at medyo nangingiti. Another instant na kung may disappearing powers ako, ginamit ko na.
Moral lesson: Sa turo-turo na lang kumain.
Kayo, have you been in an embarassing situation before where you felt like evaporating from this planet? How did you react? What's the best way to react?
28 Comments:
Haha. Sa akin, noong first few days ko pang mag-drive. Hitch sa akin 4 girls to a birthday party in Makati. Brand new pa daw kotse ko. Proud ang loko. Kaso mo, parallel parking doon. Hirap na hirap ako. Around 10 attempts akong pabalik balik para maayos ang parking. No kidding! Pawis na pawis ako. Tawanan silang lahat. Nakitawa na rin ako. To lang alam kong best way to react eh.
By Abaniko, at 10:14 AM, August 23, 2005
nyahaha! thanks for providing my first laugh for the day with your entry, ka uro! :D
By Sassafras, at 11:56 AM, August 23, 2005
Bwahahahehehehe!!!! Kakatawa ka KU! Eto naman istorya ko... College ako nun sa UST CAFA. Papasok sa school, may nakita akong Porche na nakaparada sa kalye sa loob ng campus. Sabi ko sa loob-loob ko, ang ganda! one day magkakaron ako nito. Tuloy parin ako sa pagtingin sa kotse ng palingon while walking ng medyo may kabilisan. Suddenly, "Ga-Bang!!!" Tumama yung tuhod ko sa base ng UST lamp post at sumunod na humampas yung ulo ko sa bakal na poste. Bangenge talaga ako, gusto ko humiga sa kalye sa hilo ko na parang inupakan ni Manny Pacquiao! May nakakita saking mga chicks, nakatitig sa mukha ko. Hindi ako nagpahalata na nasaktan ako at pinilit na diretsong lumakad palayo. Pansin ko nalang na mainit yung mukha ko dahil umaagos na pala yung dugo sa kilay ko. Tsk-tsk! Nakakahiya na, sumargo pa kilay ko. Pahamak na Porche yun! Pero kaya nyo yun?! Hehe...
-Jack
By Anonymous, at 3:26 PM, August 23, 2005
moral of the story, wag matakaw, hahahaha.
Naihi ako sa skul nung grade 3, sabi ko lang, nabuhusan ng juice, ewan ko lang kung may naniwala sa kin, hehehe.
By Tanggero, at 3:50 PM, August 23, 2005
Hmmm how come sa pinas kayo nag me-meeting ? You get business travels dito sa pinas ? or Nuong nasa pinas ka pa you guys had some Aussie CEO visiting ? Pasensya na i've a cold kaya sabog ako.
Gosh na spray-an mo sila ng coke hehehehe....
By Senorito<- Ako, at 3:56 PM, August 23, 2005
naglabas ka na rin ng blooper ha...grabe...made na araw ko kakatawa....Good day!!!
--jun--
By Flex J!, at 4:59 PM, August 23, 2005
KU, halos parehas ang experience natin... sa office habang umiinom ako ng softdrink me humirit ng joke... langya nabuga ko ung iniinom ko sa monitor ng pc hehe... instant reaction ko eh punasan ng tissue ung monitor... lalong nagtawanan mga kasama ko... humirit na lang ako na nililinis ko lang naman un hehe...
By Anonymous, at 6:10 PM, August 23, 2005
Nice one KaUro! Nakakaaliw basahin. :) Maraming buwan nang nakaraan, I went window shopping... a lovely day, the sun was out, the sky was clear, ang raming tao sa city. Lakad lakad ako along Swanston Street at nakita kong may SALE sa MNG... matignan nga... bigla akong kumaliwa papasok sa shop nang... *KABLAG* Aray ko po, tila napango ang ilong ko at naduling ako sa pagtama sa salamin. Akala ko entrance, yun pala sa sobrang linis ng salamin nila eh hindi halata. Nakakahiya.
By Jovs, at 6:33 PM, August 23, 2005
salamat! you just made my day...come to think of it i can't think of my own embarassing moment at this moment...looks like they were all repressed from my memories sa sobrang khihiyan! :)
By debbie, at 8:22 PM, August 23, 2005
bwahahahahahahahaha!!!
By kukote, at 9:09 PM, August 23, 2005
hello ka oro
matagal na akong nagbabasa sa iyong blog,pero ngayon lang ako nagwrite dito , nakakaenjoy at informative yung iyong blog, sana lang makarating din ako diyan,heheheheh wow ka oro mukh
a ka palang chinese, nakatulad ko,hehehheehh sige next time uli
By Anonymous, at 9:13 PM, August 23, 2005
HA HA..kahiya nga expereinces mo Ka Uro, pero konti lang naman eh, ;)
mine? madami susme! pero nakakahiya ikwneto lahat kaya isang medyo lang...college days, pagod lagi dahil working student ako. To and from school, jeep sakayan ko lagi. One afternoon, super pagod nakatulog ako pero nakakapit ang kamay sa bar, yung sa loob ng jeep..bigla itong lumiko, nagising na lang ako na nakaluhod ako sa loob ng jeep tapos nagtatawanan yung mag sing irog na nakasakay sa loob (buti silang 2 lang nakakita) kasi nakakapit pa rin ako sa bar pero nakaluhod sa sahig ng jeep, semi comatose pa rin :P
By Anonymous, at 11:31 PM, August 23, 2005
hahahaha!!! naiihi ako, wala akong masabi.
By Mmy-Lei, at 11:56 PM, August 23, 2005
embarassing yung tungkol sa appetizers.. he he
i have a lot, too, at hindi kasya ang space! baka ma flood ang comment box. eneweiz, i had one which i cant forget, nakaskirt ako nun at naglalakad patungo sa office which was 10 mins away then natanaw ko ang bilas ko na nauuna and i doubled my pace not noticing that there was a protruding wire at dun nasuot ang isang paa ko. the next that i knew was i was landing sa lupa to all my shock. i was trying to stop myself, e, pano naman mangyayari yun? only someone who looked like a lesbian offered help. i got bruises on my knees - nasaktan at naembarass kasi naka skirt ako!
By bing, at 2:16 AM, August 24, 2005
abaniko,
aba mahirap naman talaga ang parallel parking. at least nakuha mo at walang na-damage na sasakyan.
jack,
malakas siguro talaga ang tama mo sa poste, parang manny pacquiao. e di sana nagkunwari kang sumusuntok din sa poste. nyahaha.
tanggers,
naihi sa skul? wala yan, talo kita, ako na-ebak!
senor,
long time ago pa ang kwento ko. nung nasa pinas pa kami.
jon,
buti ikaw computer monitor lang ang nabuhusan mo. ako mukha ng tao!
jovs,
mabuti di nabasag ang salamin ano? dapat nga pinagalitan mo pa yung shop kasi safety hazard yon.
debbie,
buti ka pa na-repress mo. ako ang problema ko tuwing makikita ako nung mga naka-witness ng kapalpakan ko alam ko na ang nasa-isip nila. kailangan ko i-repress sa memory ko at sa memory nila ang nangyari.
kadyo,
kunwari ka pa. style mo lang yon para makilala yung chicks.
thess,
marami din ako ng katulad niyan. yung nakakatulog sa jeep. pero iba yung sa yo. i hope hindi ka naka-skirt nung nangyari yon.
mommy lei,
hopefully walang nakakita sa yo na naiihi.
bing,
okay lang yon. at least walang kakilalang nakakita sa yo. siguro naka-high heels ka pa kasi.
By Ka Uro, at 9:04 AM, August 24, 2005
KU,
Wag kalimutan magbaon ng imodium pag biyahe baka maabutan ka ng diaper ng stewardess. Pareho pala tayo noong grade five, Shet, embarassing. Kaya siguro si Tanggerz laging lasing yon ang kanyang pampalimot sa embarassing moment. Pahiyang muna sa bagong ngalan. Baka makakabulag ng YG atoy bata bata malapit sa totoy.Di kagaya ng dati matanda ang dating o dili kaya joker. Buti na lang hindi ka nakapustiso kung nakapustiso ka tumalsik din at natamaan yong kausap mo dito napahabla ka pa, ng physical injury dahil sa pangangagat.
By RAY, at 9:12 AM, August 24, 2005
atoy,
i remember nga nung ma=ebak ako sa pants during our camping. sabi ko na lang sa mga kasama ko sa tent, "baho, may umutot", sabay takbo ako sa labas ng tent. di nila alam umebak napala ako. ngehehe.
actually, meron pa rin akong ibang embarassing moment tungkol diyan sa pustiso. imagine nanliligaw ka pa lang at ang ganda ng boladas mo sa iyong nililigawan. konti na lang at kuhang kuha mo na ang matamis niyang "oo". tapos sa katatawa, biglang tumilapon ang iyong pustiso. yan ang eksena ko. abangan na lang sa mga susunod na posts.
atoy, ano ba ang alias mo dati?
By Ka Uro, at 11:06 AM, August 24, 2005
ginogoyo mo na naman ako KU kaya nga ayaw ko na ng goyo. Hindi ka seryosohin eh kung atoy parang magaling mag-shoot mafadeaway, ma3pts, kaya lang mas masarap ang dunk talagang pasok na pasok. Totoo ba kayo hindi ka maka5 point play? Ako man hindi ko na kaya pero noong kapanahunan ko malakas akong umiskor jingle lang ang pahinga ngayon pati yata jingle hindi na sumisirit:)
By RAY, at 11:17 AM, August 24, 2005
atoy,
sinasabi ko na nga ba ikaw yan e. i just want to make sure. imposible na talaga ang 5 point play. pati nga 3 points hirap na hirap na rin. dunk na lang at lay-ups ang pwede. :D
By Ka Uro, at 12:02 PM, August 24, 2005
Noong isang araw lang, kachika ko yung isang manager namin na pogi. Di ako daldal ng daldal ng bigla kong malulon ang mint na kinakain ko. Napatigil ako sa kwento. Eh kakasubo ko pa lang nang mint medyo malaki pa siya. Sabi ng manager ko "are you alright?" Sabi o na lang, "I swallowed a mint" sabay tawa na lang kahit gusto kong maiyak sa sakit ng lalamunan ko.
By Tyler's Mummy, at 1:32 PM, August 24, 2005
ahahha ang kulet...tawa naman ako ng tawa..i'll read the rest of comments laters! heheheheh =)
By Anonymous, at 2:33 AM, August 25, 2005
aucklandbabe,
mabuti hindi mo nailuwa at naibuga sa mukha ng manager mo. hihihi
pobs,
basahin mo yung kwento ng iba sa comments, mas nakakatawa.
jun,
hahaha!
i-link ko rin ikaw.
By Ka Uro, at 8:47 AM, August 25, 2005
donald - ang sakin naman KU, nag attend ako ng bday nuon nung highschool ako. d sakin sinabi na debut pala so naka maong at white shirt lang ako habang ang lahat ay pedeng ilibing sa barong nila. pinatay ang main light kasi i slice na yung cake spotlight lang ang bukas, e ako ang huling lumapit, ayun! napatid ko ang ilaw! pag bukas ng ilaw e. naglaho na din ako
By Anonymous, at 2:55 PM, August 25, 2005
Nakakatawa....hahahhahhahhaaaaaaaaaaaaaaaa..
First week ng August may pinuntahan kaming kasal Filipino-Italian couple. Ang daming pagkain na naka display. Nagtanong ako sa mga friends ko kung yon n'ba ang main course hindi rin nila alam kaya tinanong ng isang friend ko ang Groom sabi hindi raw. Appetizers lan yon. So ayon hindi ko dinamihan ang pagkain. Hindi lang nga embarrasing eh!.....
By Ladynred, at 5:37 AM, August 27, 2005
donald,
haha. naalala ko tuloy, sa LA, easter sunday punta kami sa simbahan para magsimba. naka-maong lang din ako which is normal naman for any other sunday, except easter sunday. pag easter pala, mostly naka formal ang mga nagsisimba. naka-americana or long sleeves with tie doon sa church na pinupuntahan namin. kaya nung pag-pasok namin sa simbahan, nagtaka ako daming tumitingin sa amin.
neo,
wasabe! grabe masakit yon ha? parang lalabas sa ilong mo ang anghang ng wasabe.
agring,
yun pala dapat ang ginawa ko. magtanong muna. kaso gutom na gutom na ako e.
By Ka Uro, at 1:15 PM, August 29, 2005
ako naman! hehe... pero kwento ito ng friend ko e...
sumakay sila ng taxi ng apat pa niyang friends. ang angas pa raw ng mukha nila at todo porma! hehe... e di binuksan niya yung pintuan para sa mga kaibigan niya. umikot siya sa kabilang pintuan para dun na lang pumasok. nung linagay na niya yung isang paa niya sa loob ng taxi, bigla naman umandar! hehehe.. kinaladkad yung paa niya siguro mga 20 meters... hehehe... napahiya siya sa mga taong naka-witness nun.. hehehe...
nangyari na rin sa akin yung nasamid habang umiinom ng tubig... nabugahan ko ng tubig yung nasa harap ko which is my crush... wehehehe...
lumabas na rin yung tubig at coke sa ilong ko sa kakatawa... in fairness masakit yun... hehhe...
naihi na rin ako sa sobrang kakatawa hanggang ngayon... wehehehhe... grabe... matanda na ako at naiihi pa rin ako sa underwear ko.. hihihi.. kakahiya talaga...
anonymous na lang kasi nakakahiya talaga... 17 na ako at ganun pa rin ako... hihihi...
By Anonymous, at 11:59 PM, August 29, 2005
17 year old anonymous,
madami ka rin palang embarassing moments. it's good to be able to laugh and see the funny side of life. suggestion ko sa yo, kung naiihi ka pa, gumamit ng diaper. hahaha.
By Ka Uro, at 12:06 PM, August 30, 2005
hehehe...KU, ano po ang nasamid? sensya na di ako purong tagalog, hehehe...
pero natawa tlga ako dun sa kwento mong eat all you can, hahaha...
makes me remember my embarrassing moments too...
By RAV Jr, at 11:32 AM, September 09, 2005
Post a Comment
<< Home