"Of all sad words of tongue or pen, the saddest are these: 'It might have been'."
Isang construction worker na kanyang nakagalitan dahil nahuli niyang natutulog sa job site ang pumaslang sa kanya. Nadakip naman ang murderer subalit di ko na nalaman pa kung ano ang nangyari sa kaso. Sampung taon lang kasi ako nung mangyari ito.
Dahil sa pagkawala ng aking ama, kami ay napilitang umuwi sa aming probinsiya sa Pampanga at doon magpatuloy ng pag-aaral. Lima kaming magkakapatid na mag-isang pinalaki ng aming ina. Sari-saring business ang pinasukan niya para kami’y mabuhay nang hindi umaasa sa tulong ng iba. Meron nang mangalakal ng paninda tulad ng kumot, kulambo, alahas, gamit-kusina, at mga damit mula sa Maynila at Zamboanga para itinda sa Pampanga. Meron nang maglako ng home-made niyang tocino at longganisa. Nagbukas din kami ng botika at maliit na kainan sa may Basa Air Base.
Bayani ang aming ina. Kinalimutan niya ang sarili niyang kaligayahan. Hindi niya naisipang mag-asawang muli. Lahat ng oras at lakas niya kanyang ginugol para sa aming magkakapatid. Dahil kung tutuusin, di naman kailangan sa exclusive schools niya kami papag-aralin. Pero dahil naniniwala siyang magandang edukasyon lang ang maipapamana niya sa amin, kaya kahit hirap siya, pinilit pa rin niyang mapagtapos kami sa mga kilalang paaralan. Don Bosco, St Scho at St Marys sa elementary at high school. Sa kolehiyo naman, dalawa kami nung kapatid kong lalaki (na ngayo'y may doctorate na at kasalukuyang nagtuturo sa La Salle) ang nakatapos sa UP Diliman, at yung mga babaing kapatid sa UST naman.
Malupit yata talaga kung minsan ang tadhana. Dahil pagkatapos maghirap ng aming ina upang kami’y pagtapusin sa pag-aaral, siya naman ang kinuha ng Panginoon. Isa lang sa amin ang nasamahan niya sa college graduation. Nasa 2nd year college pa lang ako nung siya ay ma-diagnose ng cancer. Ilang buwan siyang naratay at naghirap bago siya pumanaw, isang linggo lamang pagkaraan ng kanyang ika 48th birthday. Wala na siya nung lahat kami’y isa-isang mag-graduate at magtamasa ng masaganang pamumuhay.
Mahirap maging ulila, lalo na sa murang idad na desi-otso (come to think of it, 14 years old naman ang bunso namin at that time; kasing idad lang pala ng anak ko ngayon!). Kung minsan ma-mimiss mo ang iyong mga magulang. Wala ka nang mapagtatanungan at mahihingan ng support, moral man o pinansyal kapag ikaw ay may problema. Lahat ng dilemma sagot mo. Di tulad dati, magaan dahil kahati mo sila sa problema.
Yung mga kaibigan ko ngayon na kung minsan ay nag-ko-complain dahil sa pagpapadala nila ng pera sa kanilang mga magulang, ang masasabi ko lang, mapalad pa rin kayo dahil may mga magulang pa kayo. Huwag ninyo akong tularan dahil ako di ko man lang naipadama (black sheep kasi ako noon) ang aking pasasalamat at pagmamahal sa aking mga magulang nung sila ay nabubuhay pa. Huli na nung ma-realize ko ito. Kaya mahalin niyo sila habang buhay pa sila at ipadama niyo ito. Tandaan ninyo tatanda rin kayo tulad nila. How you treat them today, may be no different from how your children will treat you tomorrow.
Eto nga pala sila. Corazon at Mauro Sr. Para sa inyo ito.
32 Comments:
That was a nice tribute to Mommy and also Daddy. Now that we are married, let us express our love to our spouse's parents. Bogs
By Anonymous, at 2:57 PM, August 01, 2005
Doctor Bogs,
salamat sa pag-iwan ng comment. tama ka, pwede pa naman natin mahalin ang mga magulang nila.
By Ka Uro, at 3:21 PM, August 01, 2005
Ka uro! di ba mga artista parents mo? Kahawig kasi ng mga picture na nakikita ko nun panahon na black and white pa ang kulay ng mundo.
You are very lucky to have responsible and loving parents.
By Tanggero, at 3:54 PM, August 01, 2005
Ganda! Ka Uro....It just reminded me to continue letting my parents know and feel how I truly love and appreciate them....
God Bless....
By Flex J!, at 4:14 PM, August 01, 2005
tanggers,
di sila mga artista. simpleng tao lang sila. ako lang ang artista, naging extra sa sarsuela. :-)
By Ka Uro, at 4:17 PM, August 01, 2005
Halos maluha ako sa iyong sinabi. Talagang naintindihan ko ang iyong puso dahil ganuon din ang aking kahapon. Salamat sa ating mga magulang!!!
By Tatang REtong, at 4:43 PM, August 01, 2005
I could somehow relate...i lost my dad when i was about to graduate ng college. And i took on his responsibility when i had my first job...and til now. Life was so different when he passed on. Andun yung panghihinayang na di ko man lang napalasap yung ako naman ang working at sya naman ang mag-relax. Ganun ata talaga. Matapos ang 9yrs of him working abroad at dahil siguro matatapos naman na ko sa kolehiyo, kinuha na rin sya ng Panginoon.
Totoo, mga bayani ang mga magulang na gaya nila...sana dumami pa ang tulad nila
By Bluegreen, at 4:46 PM, August 01, 2005
dahil sa mga magagandang fireside chat at magagaling mong anecdotes kaya lagi ako napapasyal dito.
filipino parents are really outstanding, come low or high water they (we) make sure our kids gets the highest education possible: most cases ticket to better life and previlege social conditions in the philippines and elsewhere in the world.
masusuwerte tayong mga Pinoy dahil alam ng maga magulang ang mabuti para sa atin.
well done: ka uro !!
By UNCLE FOTO., at 5:35 PM, August 01, 2005
Ang lungkot din pala ng talambuhay mo KU. Kaya pala kahit hindi kita namemeet pa personally ramdam ko na may pagkasensitive ka rin bagamat mahilig ka rin sa pakwela. Pareho pala ang kapalaran na inabot ng yong ama at ng ama ng bespren mo. Ano kayang karapatan ng mga walang budhing mamatay tao upang kunin na lang ang buhay na bigay ng Maykapal sa isang iglap. Ulirang ina ang iyong nanay at kapuri-puri siya. Siguro nga ang mabubuting tao ay madaling kinukuha ng Diyos upang kaagad ay makapiling niya. Isang taos pusong panalangin para sa mga namayapa mong magulang.
By RAY, at 6:23 PM, August 01, 2005
naiyak po ako...promise!!
By Gloria, at 9:04 PM, August 01, 2005
Kahit sakto sakto lang ang kita ko... walang panghihinayang ang pagtulong na ginagawa ko sa magulang ko. Hindi ko pa naman sila binigyan ng malaking sakit ng ulo.
Ganun din ang parents ko.. kinalimutan na nila ang pansarileng mga pangangailangan mabigyan lang kami ng maayos na edukasyon.
By Senorito<- Ako, at 9:14 PM, August 01, 2005
KU,
Ulila na rin ako sa ama. Kaya habang malakas pa ang nanay ko, I always tell/show her how I love her.
By jinkee, at 9:31 PM, August 01, 2005
here is a good one written by a certain fred dennis. http://www.gospelpreceptor.com/DennisF1.htm
here is an excerpt and i quote:
"All of us have gone into homes where death has taken the father or mother and seen the wailing of children who did not love and respect their parents while they were living. Now they are cold in death, and perhaps their death was hastened by the children. Now its too late to do anything about it. "Of all sad words of tongue or pen, the saddest are these: 'It might have been'."
If boys and girls read this article whose parents are yet living, let me plead with you to obey your parents. You will never know the sacrifice they have made in your behalf. This sacrifice has been made gladly. Let them know that you really appreciate it. Show it by your lives and tell it with your tongues.
Let mother know how she is appreciated before she crosses over the cold river of death. Tell her while it will gladden her old heart. Do not bring any extra wrinkles into her face or more gray hairs to her head by your disobedience. Let old dad know that the labor he has done in your behalf has been appreciated. You can make his heart merry by your obedience. Bring smiles to his face rather than pain to his heart. "
By Ka Uro, at 9:51 PM, August 01, 2005
flex j,
alam kong uliran kang anak. kita ko sa mga post mo.
tatangretong,
malungkot din pala ang iyong kahapon. eventually mababasa ko rin siguro sa mga archives mo.
bluegreen,
sana nga maraming magulang na tulad nila. at sana dumami lalo ang mga anak na patuloy magmamahal sa kanilang mga magulang.
air milikay,
yan nga ang isang katangian ng mga pinoy na ating mapagmamalaki - ang ating respect at pagmamahal sa ating mga parents and grand parents. di tulad ng karamihan ng mga puti.
goyong,
salamat sa pakikiramay. wala naman akong galit na nararamdaman sa taong pumaslang sa aking ama. matagal ko nang pinatawad.
glo,
gusto mo tissue?
senor,
maswerte ang mga parents mo sa yo at ganon din ikaw sa kanila.
jinkee,
nakikiramay din ako sa yo. nabasa ko nga yung sulat ng ama mo doon sa blog mo at na-touch ako. mahilig din pala siya sa chicken soup for the soul. ako rin, very inspirational kasing basahin. kya lang ngayon wala ng time, puro blog na lang ang nababasa. ano ba yan?
By Ka Uro, at 10:01 PM, August 01, 2005
cycle talaga ang buhay. ngayon naman tayo naman ang nagsasacrifice para sa ating mga anak. i take my hat off for your parents.
By Anonymous, at 11:37 PM, August 01, 2005
dalawa lang ang nararamdaman ko ngayon...
una, ako ay nalulungkot dahil naalala ko si Papa kung saan ako ay very close. he was into coma before he died becuz of complications from emphyzema. he was only 61 when he died.
pangalawa, ako ay nainggit sa pagkakaroon mo ng isang inang marunong sa buhay, na nagtaguyod sa inyo sa kahit anong paraan para lamang kayo mabuhay nang hindi nanghihingi sa iba. hindi magiging kapani-paniwala kung pasasakitin ang loob ng isang katulad niya.
on a lighter note, siguro KU, ang po-gwaps mo. e, good-looking silang pareho! magbubunga ba ng mangga ang puno ng santol? he he
By bing, at 1:33 AM, August 02, 2005
AMEN, ka uro, AMEN!
PS: Bosconian po pala kayo - Salesian Past pupil naman ako (yung mga puro girls). Hanggang ngayon, am still in constant communication with my friend & spiritual director who happened to be a Salesian priest ;o)
By Anonymous, at 7:00 AM, August 02, 2005
banjan,
thank you.
bing,
nakikiramay ako sa pagkawala ng papa mo.
mas po-gwaps ang aking ama. hintayin mo malapit ko nang i-post ang picture ko dito.
trotskybee,
sa don bosco tarlac ka ba nag-aral? di ba doon lang meron all-girls ang mga salesians? i'm sure mabait ka rin, dahil most of those who went to salesian schools are.
By Ka Uro, at 11:33 AM, August 02, 2005
taga-tarlac ka pala? taga-nueva ecija naman ako, magkapit-bahay lang
By Tanggero, at 12:58 PM, August 02, 2005
Ka Uro, salamat sa reminder..tama ka, dapat ngayon ipakita ang pagmamahal habang buhay pa sila at huwag ito ipagwalang bahala!
I am pretty sure that your parents are proud of you all..andyan lang sila, just a thought away, di ba? ^_^
have a good week KU!
By Anonymous, at 7:21 PM, August 02, 2005
KA URO, naiyak ako sa entry mo. Galing sa puso ang pagkakasulat mo. At saka, yung title palang drama na ang dating, kaya kahit na feeling ko male-late ako dahil mahaba ang entry mo, binasa ko pa rin dahil love story, hehe. Musta ka na? Ako, humihinga pa, haha.
Reply ko sa comment mo sa entry ko:
KA URO, 2 days na nga na down ang tag board ko eh, an bagal ng loading nitong blog ko. Gusto ko sanang magpalit nga kaya lang wala akong time. Tulad ngayon, gumising ako ng maaga para lang makita ko mga comments ninyo dito. After this, maliligo na ako at go na naman sa training. Kakain ako ng almusal habang naglalakad papunta sa train station. Routine ko yan ngayon. HAY NAKU!
By Teacher Sol, at 1:10 AM, August 03, 2005
Hello agen Ka Uro,
Di po ako Tarlac and hindi rin po ako Bosconian (boys lang ang bosconian) ...QC & Laguna po ako. Meron school for girls ang Salesian sisters (Mary Help Of Christian Sisters) dun and meron din sa Manila. Although I have a guy close friend who graduated from DB,Tarlac- Macapinlac. Nagbakasyon po ako dun one time & he showed me around your HS Alma mater.
By Anonymous, at 7:36 AM, August 03, 2005
tanggers,
di ako taga-tarlac. taga-pampanga ako. nabanggit ko lang ang tarlac kay trotskybee kasi tinatanong ko lang kung doon sa don bosco tarlac siya galing. doon lang kasi meron all-girls na don bosco.
thess,
amen, amen.
nao,
quits na tayo. pinaiyako mo rin kasi ako doon sa "are you in the know" entry mo. and it was actually that entry that inspired me to write this one. kaya, ayan ang istorya. sana nga yung iba ma-inspire din.
hindi ako taga tarlac. pampanga ako. see my reply to tanggers.
mam sol,
sobrang hectic naman pala ng sched mo. but still nakuha mo pang basahin ito, which i appreciate very much. stay cool.
By Ka Uro, at 7:39 AM, August 03, 2005
PS: You life story reminds me so much of my mom - halos pareho ang nangyari sa inyo.
By Anonymous, at 7:39 AM, August 03, 2005
Ka Uro, di ka pala sa Tarlac, but I have been to both, DB Tarlac & Pampanga. Naalal ko tuloy yung Kapampangan na tinuro sa akin - papangitiin kita-di ko lang po sure kung tama ang spelling ha? Balu mu masanting ka? Machura kamu!
By Anonymous, at 8:06 AM, August 03, 2005
Hello Ka Uro, nagka teary eyed ako while reading your latest post. Ang sad naman ng talambuhay mo, eh na-ulila pala kayo noong una pa. Hay, ang hirap naman, I am sure na damdam na damdam nyo kong how hard it is to goo on with your lives na magkakapatid na nawalan na ng mga magulang. I am sorry to hear of your tremendous lost. Your parents are truly remarkables ones, deserving for all the praises you can possibly say and do. It's so hard to find parents who are as good as there are around these days. You had such wonderful parents, kaso lang kinuha sila ng maaga, hay buhay talaga. Life can be unfair and definitely sad too. Your posts are like lessons to learn, and I will sure learn from them.
By Anonymous, at 9:01 AM, August 03, 2005
troskybee,
masanting ku siempre! hahaha
btw,the original DB Pampanga in Bacolor was destroyed by lahar. it's been relocated to mabalacat.
we're lucky to have such very unselfish and loving moms.
By Ka Uro, at 9:03 AM, August 03, 2005
Ang gaganda ng daddy & mommy mo!
By Jovs, at 4:37 AM, August 04, 2005
hay kakalungkot naman Ka Uro, naalala ko tuloy ang sinapit ng tatay ko na siguro siyang dahilan kung bakit wala na akong balak na manirahan pang muli sa Pilipinas. Pero alam mo Ka Uro, hindi mo man nakikita o naipadadama ang pasasalamat mo sa iyong mga magulang, Im sure na lahat naman ng saloobin mo ay alam nila. At nakangiti silang nakatingin mula sa langit sapagkat naging maayos ang pagpapalaki nila sa inyong magkakapatid.
By Unknown, at 3:12 PM, August 05, 2005
Thanks Ka Uro for this beautiful story. I can relate to it so well coz I have the same experience. In fact, when I am beset with many agonizing situations, they serve as my inspirations and for me, they are my ROCK. I become a much stronger person ONLY with them in my thoughts and heart. For now, the best way to express my message of love, thank you and I am sorry to both of them is to reach out to my family and to my siblings even though they are miles away. I miss them so much and how I wish we could reunite one day (as they live in different countries).God bless.
By Anonymous, at 11:34 PM, August 10, 2005
Very touching story. Thanks for sharing it with us.
By Ladynred, at 9:09 AM, September 05, 2005
After almost 3 years after youposted this Ka Uro,ngaun ko lang to nbasa, somehow, pareho tau pala...Yung "tatay" ko , matapos ng halos 15 years of fghting against respiratory disease, he passed away, 6 hours before my graduation nung college...He made sure na graduate nako at yung sumunod saken na sis ko, before he left us kahit antagal nya na nahihirapan...that was 8 years ago...Kahit hindi nya na na-expeience ang guminhawa sa buhay dito..i know he's happy in heaven...Sorry for the long comment...i really cried reading your entry...Thanks for reminding also to love my "nanay" more...
By Anonymous, at 1:57 AM, July 29, 2008
Post a Comment
<< Home