mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, July 14, 2005

I guess I’ll have to lie low for awhile

Got to be prepared for the backlash. Nasaktan ko kasi ang feelings ng isang hinahangan kong blogger sa isang comment na iniwan ko sa site niya. I was just making a joke and there was no malice intended when I wrote the comment, but she took exception to it and interpreted it as if I was questioning her good actions. I don’t blame her because she hardly know me.

Iba kasi kung minsan ang dating kung binabasa mo lang compared kung naririnig at nakikita mo ang taong nagsasalita. It’s very easy to be misinterpreted. Kaya lesson ito para sa akin. Not to joke too much. At dapat tandaan na iba-iba ang sensitivity level ng bawat tao. Kung minsan nga sa Esmi ko may nasasabi ako na nami-misinterpret niya at pinaguumpisahan ng tampuhan, gayong matagal na kaming magkakilala. E ano pa kaya ang ibang tao na bago mo pa lang nakilala at hindi mo pa nga na-meet in person?

I have to admit too that it’s a fault of mine. Sometimes, tactless ako when it comes to biruan. Yung akala ko na hindi naman makaka-offend, iba pala ang dating sa iba. Tapos yung mga alaskahan na normal sa aming mga kalalakihan, kakainisan naman pala ng kababaihan. People skills na hindi ko pa na-ma-master. Pero yon talaga ako e. I voice out what’s in my mind as long as I’m aware it’s not offensive. Kung may masabi man ako na offensive ang dating, hindi ko sinasadya yon.

Ang pagbibiro, walang pinagkaiba sa pag-utot. Sabi nga nung kaibigan kong aktibista, “Paano mo makikilala ang tunay na kaibigan? Kapag ikaw ay nautot at kayo ay nagtawanan, tunay siyang kaibigan.” Totoo nga naman, kasi kung hindi mo kakilala ang mga taong nasa paligid mo nang ikaw ay ma-utot, sigurado simangot na mga mukha ang makikita mo. But with your friends, farting is a laughing matter.

I’m not saying that this blogger is not a friend. It’s just that we have not known each other long enough to laugh at our own farts. I was irresponsible, utot ako ng utot. Kaya nga lesson ito for me. If you’re not sure with the people around you, pigilin mo na lang ang pag-utot. Or better yet, paunahin mo muna sila.

Sabi nga ni Walter Winchell, “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out”. I think he might have said this after farting inside the lift.

0 Comments:



<< Home


 
eXTReMe Tracker