Looking Forward to September
Si misis at ang anak ko very excited. Hindi na nga makatulog si esmi sa kaiisip kung ano ang una niyang kakainin pag dating sa atin. Nung isang gabi, gulay na mais ang binanggit niya. Nung isang beses naman sinigang na bangus sa santol o kaya bayabas. Tapos kahapon burong talangka naman. Sabi ko nga sa kanya ma-aanemic pa siya dahil sa kakulangan sa tulog. Mangga, lansones, rambutan, guyabano ang laman ng mga panaginip niya. At sa gabi kapag napapatingin ako sa kanya may kakaibang ngiti ang mukha niya kahit tulog na.
Ang anak ko naman excited na mag-shopping. Hindi na nga raw siya mag-sho-shopping dito; sa Pilipinas na lang. Opkors, di naman ako naniwala sa kanya dahil tuloy pa rin ang tingin niya ng mga damit at sapatos dito.
Ako naman, ewan ko ba, ba’t di ako gaanong excited. May konting pangamba pa nga dahil sa mga nangyayaring kaguluhan sa atin ngayon. Hindi rin ako mahilig mag-shopping. Sa pagkain naman okay lang sa akin kung meron o wala. Pero definitely kakain ako ng sari-saring Q, banana-Q, kamote-Q, at iba-ibang barbe-Q. Tapos sa Jollibee yung peborit ko yung chicken joy. Not to miss yung halo-halo at ang ube ice cream.
May pabor sana akong hihilingin sa inyong mga nasa Pinas ngayon. Paki update niyo naman ako sa mga presyo ng mga ito para hindi na ako ma-shock pag dating ko diyan. Banana-Q, Chicken Joy, Halo-halo, ice cream, mani, corn-nick, mais, pamasahe sa jeep, taxi, FX, tricycle, atbp.
28 Comments:
Ka Uro, sarap naman umangkas sa maleta nyo! Siguro kung ako uuwi, mas malala pa kay misis nyo panaginip ko sa pagkain, ha ha! Sana makain nyo lahat ng Q's na ibig nyo, hane? ^-^
sensha na po, wala akong alam sa presyo din sa atin..pero tyak, nagtaasan lahat!
magandang araw!
By Anonymous, at 9:59 AM, July 12, 2005
thess,
sori di ka na kasya sa maleta. napuno na ni misis ng mga pasalubong.
ht,
maraming salamat sa mga impormasyon na ito. ni-print ko nga e.
at least hindi na ako masho-shock katulad nung last na uwi namin. muntik pa akong makipag-away sa nagtitinda ng mani. bumibili ako ng pisong mani. napahiya ako kasi wala na raw halagang piso.
By Ka Uro, at 1:16 PM, July 12, 2005
ht,
magkano na ang isang case na smb? kung P16 ang isa, e di P384 and isang case. tama ba?
By Ka Uro, at 1:18 PM, July 12, 2005
Ka Uro
meron pong free delivery ng san mig beer mas mura ata un.. Just dial 632-2337 (BEER) two days in advance and get fresh San Miguel Draft Beer and San Mig Light Draft delivered free of charge!
SMB DRAFT
pag 50L keg (equivalent to 6.5 cases or 156 bottles) marami kasama may cups pitchers at cooling system only for Php2480
pag 30L keg naman nasa Php1645
SMB LIGHT
30L keg Php1565
15L keg Php 1025
tagay na!!!
By Anonymous, at 2:01 PM, July 12, 2005
Naglaway tuloy ako, beer ang usapan eh! Meron na palang delivery ng beer sa tin, ok na ok yan at mura!
Naku ka uro, panindigan mo yang sinabi mo na kakainin mo lahat ng 'Q', madami nang nadagdag sa kanto menu sa atin - sample, quek-quek at kikiam. Balita ko, meron na rin butiki-Q, sarap pakinggan noh? nyehehhehe
By Tanggero, at 2:54 PM, July 12, 2005
nzhopeful,
yun naman pala may mas mura. P2480 lang. parang NZ$65 lang. aba marami ng malalasing ito.
mr tanggero, sama ka ba. inom na tayo!
By Ka Uro, at 2:55 PM, July 12, 2005
Nakakatuwa naman si Mrs. Uro para syang bata na matagal mo nang kinukwentuhan ng mga pagkaing pinas ang ngayon mo lang ipatitikim.
Bakit parang walang Palabok ( From red ribbon ) ?
Tagulan na rin pala. Mura ang beer nga dito sa pinas... sa Malaysia 7RM (Php 105) ang isang beer.
Maiba naman :
Magkakano ba ang bagong Auto dyan sa NZ ? Magkano pag Japanese brand and European brand ? German Brand ?
Kapag segunda mano magkakano ?
By Senorito<- Ako, at 3:16 PM, July 12, 2005
BALOOOOOTTT ! PENOY BALOOOOOT !
By Senorito<- Ako, at 3:17 PM, July 12, 2005
senor,
puntahan mo yung dati kong post http://a-pinoy-in-nz.blogspot.com/2005/03/cost-of-owning-car-in-nz.html tungkol sa presyo ng mga sasakyan. yung mga brand new, mahal dito. pero yung mga second hand na slightly used magsasawa ka sa dami ng pagpipilian.
hindi kasama ang palabok kasi maruning magluto noon si esmi. yung balot naman meron din dito kahit mahal. hindi tulad ng banana-cue, mangang piko at kalabaw, santol, lansones, chicken-joy, totally wala rito. mahilig talaga sa pagkaing pinoy si esmi.
By Ka Uro, at 3:33 PM, July 12, 2005
KU, may pinaplano ba kayong eyeball with manila bloggers? if so, balitaan niyo kami. it would be nice to meet up kahit for meryenda lang.
By Sassafras, at 5:10 PM, July 12, 2005
sass,
wala naman plano, kasi baka nasa province lang kami most of the time, sa bataan.
By Ka Uro, at 6:58 PM, July 12, 2005
Ka Uro,
sa bataan po ung factory ng Nike,
makakabili kyo ng murang Nike shoes kaya sabihin nyo na lng sa daughter nyo na dun sha mamili.. hehehehe
God bless na lng po sa nalalapit nyong pagbabalik bayan =D
By Anonymous, at 7:02 PM, July 12, 2005
K U, hope you will like Razon's halo-halo, sa san fernando and Susie's kakanin sa papuntang angeles lampas ng party place
By Anonymous, at 9:11 PM, July 12, 2005
tanggers,
naks may picture na ngayon a. hanep mukhang chickboy. ano bang tinitingnan mo sa taas? butiki. nyahahaha
nzhopeful,
hahanapin namin yang nike outlet na yan sa bataan. buti nabanggit mo.
By Ka Uro, at 8:40 AM, July 13, 2005
Ka Uro
sa may eco zone po un nike factory :D
By Anonymous, at 2:19 PM, July 13, 2005
ako rin, september uwi ko from Christchurch naman. excited na nga kami ng anak ko eh! :-)
By Christine, at 4:21 PM, July 13, 2005
Hello Ka Uro, I enjoyed reading about your plan to visit the Philippines. Wow, ha, bibisita na pala kayo sa Pinas very soon. Ang nice naman. It's both exciting and a lil not, kasi we always think of both sides na may good and not so pleasant things that can happen. Kami din eh, ganon ang ini-isip pag mag uusap na tungkol sa pag babakasyon doon, we just need to be extra careful with our money and safety. Mga bilihin sa Pinas ang lahat daw tumaas na, parang twice as much compare noong 1999 pa (double na ata), we left 1999 and have not been able to go back home since. Mahirap ang buhay minsan lalo na considering na the world is not that safe as noon. Anyway, I wish you well sa pag babakasyon doon, I hope everything will go smoothly for you and your family. We'll be visiting Pinas soon too, baka next year na.
By Anonymous, at 5:12 PM, July 13, 2005
Chicaron bulaklak at bituka meron dyan ??
By Senorito<- Ako, at 6:24 PM, July 13, 2005
KU, ingat lang kayo pag lapag ng mga paa nyo dito sa pinas. Daming kolokoy dito. Lalo na pag alam nila na balik-bayan kayo. May napanood ako sa TV nuon na hinaharang yung mga sasakyan pag labas ng airport tsaka hino-hold-up. Basta pray lang po kayo lagi. I'm sure wala naman masama mangyayari inyo.=)
By Anonymous, at 8:29 PM, July 13, 2005
it is good to visit one's hometown... kills nostalgia, too.
be well, ingatz kayo pagdating dito.
By bing, at 12:26 AM, July 14, 2005
Punyemas naman...kalahating taon lang ako nawala, 7.50 na ang dating 5 na pamsahe. At ang Jollibee, grabe ha, dating 49 eh 58 na ngayon? Kalupitan naman talaga! Pero sa kabila nito, naiinggit pa rin ako sa iyo KU at kayo ay uuwi. Di ako nahihiyang umamin na ako'y naiinggit. Sa tagal ng panahon, karapat-dapat lang ang inyong uwi. You deserve it! :)
p.s.
Mamimili rin ba kayo ng 5thou worth of mamiat de lata? hehe, yun kasi ang ginawa ng isang kamag-anak ko nung umuwi sila sa Pinas at bumalik ng NZ. Pati 10 eskinol facial cleanser ay binili ng dalaga nila. Hehe
By Anonymous, at 1:24 AM, July 14, 2005
KU! Wag mo nang isama sa plano mo ang pagpunta sa point-point (turo-turo) at baka ma-diarhea ka pa....sabagay maganda rin don mura na marumi pa...(di naman lahat ccguro, hehehe) Ingat lang bro....
By Flex J!, at 5:05 PM, July 14, 2005
dapat kahapon pa ako mag co-comment d2 kaya lang imbyernang imbyerna ako dahil ang init init d2 sa canada ata saka di maganda mood ko i mean panget ako....
eneweyz, puro Q ang pagkain na nabanggit mo waaaaaaaa gusto ko lang ang mangga sa plipinas manggang pangasinan.God bless sa pag-uwi niyo syempre mamili rin kayo ng pasalubong sa mga kamag anak.
:)
cheers!
By lws, at 10:13 AM, July 15, 2005
patrice,
di bale tumaas din naman ang US$. ang kawawa ang mga kababayan natin na di tumataas ang kita.
5thou worth, ang dami yata non ha?
isabela,
di ako tampo sa yo, no. sarap nga talaga ng pagkain sa atin. siguro nga dahil madumi. haha. at maraming betsin.
flexj,
oo nga ano? tama ka kailangan mag-ingat. lalo na si misis kagagaling lang sa matinding pagtatae.
lws,
nabasa ko yung post mo doon sa kaibigan kong may tampo sa akin. thank you ha.
mainit ba diyan sa canada? pasyal ka muna dito sa amin. malamig, pero di gaano. about 10-15 degrees C lang. kya lang medyo maulan. type mo naman yon di ba? walking in the rain.
By Ka Uro, at 11:32 AM, July 15, 2005
Disabled ang comment box mo sa latest entry ah. Hmmm, may tama sa inyo ang pamamaalam ng first drama queen (yes, kami po yon, Bel, ako, Patrice; in any order yan iba't-iba ang personalidad ng blogs namin pero ma-drama daw ang dating, hehe); wag ka magdamdam kasi ganyan sa blogging world, parang totoong buhay din. Let bygones be bygones, life has to go on. Pasilip-silip din ako sa blog mo kahit wala akong comment kasi halos pareho tayo ng entries, mahal natin ang Pilipinas dahil Pilipino tayo di ba? Kahit kailan at kahit saan, Pinoy tayo. Great minds think alike baga, hehe. Pero andito lang ako, sa tabi-tabi mo. Blog away Ka Uro!
By Teacher Sol, at 4:25 PM, July 15, 2005
Ka Uro,
Off topic ito, dito ko na lang kasi naisipan mag-comment eh. I just want to show you my support. Do not let an unfortunate incident affect your desire to blog. You are very down-to-earth and your points of view are very refreshing. Parang napapakinggan ko ang tatay ko, nung nabubuhay pa siya. Maprinsipyo kasi yun, kahit mahirap lamang. Ka Uro, you can't PLEASE everybody, and you shouldn't have to. I know you mean well, kuha ko yung samyo ng utot mo. So, please keep on blogging!!!! YOU ROCK!!
By Unknown, at 11:01 PM, July 15, 2005
hi ka uro,
Naku kung mahilig mag shopping ang anak po nyo eh sa Market-Market po kayo pumunta at nandyan na lhat ang gusto nyo puntahan-shopping ,dining,movies,at parang may baclaran style of shpping pero naka AIRCON kse di ba sobra init pag sa totoong baclaran ka pupunta. at may bilihan ng mga delicacies sa ibat -ibang privince like Pampanga, ilokos ilongo at madami pa iba.At pag gusto mo mag pagupit habang nag shoshoping ang misis at anak po nyo. Eh pumunta po kayo sa barbershop ng Boss ko.Kevin Kut.May massage din po dun.Under construction po sya ngayon ginagawa ko. Pero pag dating sa september i'm sure e bukas na yun.
janet
By Anonymous, at 2:58 AM, July 16, 2005
ka uro text mo kami pag visit mo sa pinas. 09212428594.
By Anonymous, at 10:50 PM, August 16, 2005
Post a Comment
<< Home