mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, June 28, 2005

Mahiwaga ang Buhay ng Tao

About 4 years ago meron akong nakilalang super-yaman na Pinay dito sa NZ, si Mrs L. Those who know L considers her to be the the richest Filipino in New Zealand. Na-invite kami sa birthday niya sa Whangarei which is about 2 hours North of Auckland. Hanep sa laki ang bahay niya sa Whangarei. Nasa taas ng isang hill. Wala kang makikitang kapit-bahay. Dahil kapag nandoon ka sa bahay niya, lahat ng natatanaw mong lupa sa paligid, pag-aari niya. At hindi lang yon ang property niya sa Whangarei. Meron pa siyang farm ng hindi ko matandaan kung ilang daang baka meron. Isa lang yon sa kanyang mga businesses. In fact, parang hobby lang niya yon. Ang major source of income niya galing sa airline insurance at hotel business. Aside from a house in NZ, meron din siya sa US, England, hotel sa Canada at Cook Islands.

What is truly remarkable was how she became rich in the first place. For she was once but a DH in Hongkong. Eto ang kwento niya. Sa HK may nanligaw sa kanyang isang matandang biyudo na Kiwi (New Zealander). Nagkagustuhan sila and to make the story short nagpakasal. Pero lingid sa kaalaman ni L, eto palang Kiwi ay isang bilyonaryo. Hindi pinaalam ng Kiwi kay L na siya ay mayaman dahil gusto niyang malaman ang tunay na loobin ni L. In fact, tumira lamang sila sa isang maliit na apartment at hindi binanggit ng Kiwi ang anuman tungkol sa kanyang mga business.

Then after a few years, na-diagnose yung Kiwi na may tumor, cancer sa brain. Natigil mag-trabaho ang Kiwi at inalagaan siya ni L. Isang beses, nag-volunteer si L na bumalik sa pagiging DH para makatulong sa mga hospital bills. Hindi pumayag ang Kiwi pero di nito pinagtapat kung bakit. Inilagan ni L ang Kiwi hanggang sa kanyang mga huling sandali and without knowing that her husband was very rich.

Then parang Hollywood movie, nung basahin ng abogado ng Kiwi ang kanyang last will and testament, halos lahat ng kayaman at mga businesses ng Kiwi pinamana lahat kay L. Yan ang kwento ni L kung paano siya naging multi-millionaire.

Bagamat milyonarya na si Mrs L, very humble and down to earth pa rin siya. Hindi siya nagbago ng ugali. Nung una namin siyang ma-meet, she was wearing a very ordinary pink track suit. Hindi Nike or Adidas. Walang brand name. She wasn’t wearing any makeup or jewelry. She was very simple that if you happen to meet her on the streets, you would not have any hint that she is a very rich woman. She was driving an ordinary Toyota Previa. Her house in Whangarei which she inherited from her husband is a mansion, but had no extravagant furnishings. Kapag pumupunta siya sa airport at sa mga business meetings, nagta-taxi lang siya o kaya bus.

One time pinalabas pa siya ng manager ng isang sikat na department store. Parang yung eksena sa "Pretty Woman" ni Julia Roberts. Kasi pinupuno niya ang trolley niya ng mga mamahaling goods. The manager who obviously didn't know her rudely asked her kung kaya niyang bayaran lahat. So L took the store manager to the nearby bank and introduced him to the bank manager. The bank manager told the store manager that if L wanted, she could buy the whole department store chain! Pahiya yung manager at hindi magkanda-ugaga sa pag-apologize at pina-free delivery lahat ng pinamili ni L.

Tunay na mahiwaga ang buhay ng tao. Hindi lang pala sa mga children's fairy tale books nangyayari ang mga ganito. Meron din pala sa tunay na buhay. Kung minsan may mga bagay-bagay na nangyayari sa ating buhay na wala sa original plans natin. They just happen.

Some call it karma, that good things happen to good people. Some call it destiny, guhit ng palad, kapalaran, tadhana, or God’s plan. Do we have control of our future? Or is the future pre-determined? Is there really such a thing as destiny? Here’s what my favorite TV series has to say about it.

Young Caine: 'As we stand with two roads before us, how shall we know whether the right road or the left road will lead us to our destiny?'

Master Po: 'You spoke of chance, Grasshopper, as if such a thing were certain to exist. In the matter you speak of, Destiny, there is no such thing as chance for whichever way we choose, right or left, it must lead to an end. And that end is our destiny.

18 Comments:

  • all i can say is: it's a sin NOT to live well. if she wants advice how to spend her fortune, i will give her her free advice bwahaha, i wouldn't be surprised some riders in her inheritance like she can only spend so much per year. i hope this isn't the case.

    you know the more richer the people the tighter they are with money, even their wills have riders so that the money wouldn't be spent.

    i take pity to people who has lots of money but do not spend some. if you know what i mean

    anyways i prefer the nouveau (new) rich, cause at least they know how to spend money. well, that's just me. show me the money and i'll help anyone spend them

    By Blogger UNCLE FOTO., at 2:15 PM, June 28, 2005  

  • air m,
    sama ako diyan. samahan kita sa pag-spend ng money.

    helltracker,
    oo swerte talaga. baka nga ma-meet pa ni amor si L pagpunta niya sa whangarei. assuming na nandoon si L. kasi kapag ganitong malamig, pumupunta yon sa canada or UK.

    By Blogger Ka Uro, at 2:52 PM, June 28, 2005  

  • tunay ngang mahiwaga ang buhay ng tao. at tunay ngang totoo ang karma at "good things happen to good people". Sa palagay ba natin, tatamasain nya kung anuman ang tinatamasa nya ngayon kung noong araw na nagkasakit yung asawa nyang kiwi ay tinalikuran nya ito? Hindi ba't karaniwan na mas madaling tumakas kaysa harapin ang problema? At nakakatuwa, sapagkat sa kabila ng katayuan nya sa buhay ngayon, ay nanatiling nakatuntong ang kanyang paa sa lupa. tunay nga siyang pinagpala!

    By Blogger Unknown, at 4:13 PM, June 28, 2005  

  • rhada,
    bilib nga ako sa kanya kasi hindi nagbago ang ugali niya. ang alam ko nagpagawa pa nga yata siya ng simbahan doon sa probinsiya niya sa visayas. very religious siya kasi.

    By Blogger Ka Uro, at 4:30 PM, June 28, 2005  

  • I bet she'd rather have the kiwi and live with him in his small apartment than spend her time alone in a big house.

    Gosh ! did i just say that ?

    By Blogger Senorito<- Ako, at 5:21 PM, June 28, 2005  

  • Ka Uro,

    baka kailangan nya ng bodyguard, introduce mo naman ako para mas mapabilis ang punta ko diyan.

    By Anonymous Anonymous, at 6:10 PM, June 28, 2005  

  • Ka Uro,

    tama c raycer... ako pedi rin ako DH =D
    tagal ng NZIS eh.

    By Anonymous Anonymous, at 6:48 PM, June 28, 2005  

  • How lucky! True! Good things come to good people! A friend of mine once said that there are poeple whose destiny is bad but I think destiny is what we make of ourselves if we want to change it. Kaya nga tayo binigyan ni Lord ng free will. Kaya lang yung iba, mali pa rin yung landas na pinipili nila.

    By Anonymous Anonymous, at 12:44 AM, June 29, 2005  

  • Napaka-inspiring ng kwento ng buhay ni L. Good karma yan na matatawag. Basta gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo, hundredfold ang balik nyan sa iyo.

    Ipapabasa ko ang kwento mo sa mgakaibigan ko na DH sa Hongkong. Mga nagbabasa sila ng blog ko, at ini-email nila ako. makakuha man lang daw ng inspirasyon. Itong entry mo ngayon ang inspirasyong hinahanap nila sa tingin ko.

    Salamat sa kwento, Ka Uro, magsisimula na naman ang araw ko ng may ngiti sa aking mga labi. Kakagising ko lang kasi at eto, blogging na naman po.

    By Blogger Teacher Sol, at 1:58 AM, June 29, 2005  

  • Hello, Ka Uro. Parang pang pelikula yung storya na ito. Mabuti naman at hindi nagbago ang pagiging down to earth ni Mrs. L.

    Naisip ko lang: puede kaya siya magtayo ng foundation to help the poor in the Philippines?

    I believe in the biblical saying: "You reap what you sow."

    By Anonymous Anonymous, at 2:55 AM, June 29, 2005  

  • Mam sol,
    oo nga inspiring ang kwento ni L, but we have to be careful in propagating the mentality of relying on luck. there is danger that people might simply wait for lady luck to come by without lifting a finger. then when luck doesn't come they become bitter.

    ka elyong,
    so ngayon siguro sinuswerte ka na no?


    jayred,
    as far as i know, nagpatayo ng simbahan si L sa probinsiya niya sa atin. i'm sure she is doing other charity work too.

    naomi,
    yaan mo, tatanong ko na lang kung saan yung bahay at hotel niya diyan sa canada, para diyan mo na lang puntahan.

    By Blogger Ka Uro, at 9:19 AM, June 29, 2005  

  • KU! San galing yung quote niyo dito sa ilalim? Which tv series? I like it... :)

    By Blogger Sassafras, at 1:45 PM, June 29, 2005  

  • sass,
    galing yung quote sa TV series na Kung Fu nung 70s starring david carradine. binili ko nga yung complete season 1 and 2 dvd. hinihintay ko pang ilabas yung season 3 dvds. sinubaybayan ko yung series na yon nung bata pa ako. may-action but non-violent. at maraming buddhist at taoist lessons na makukuha tungkol sa non-violence, destiny, being one with nature, kindness, humility, etc. lahat ng mga quotes ko ni Master Po, Master Kan at Caine galing don. see this link http://www.kungfu-guide.com/

    sure ako magugustuhan din yon ng esposo mo.

    By Blogger Ka Uro, at 2:44 PM, June 29, 2005  

  • moral lesson "May biyayang nakatago." saka "Magkaroon ng pag-asa sa puso. darating at darating ang biyaya at saklolo ng Diyos."

    mabuhay ang mga humble ;)

    By Blogger lws, at 12:55 AM, June 30, 2005  

  • para sa'kin di ako naniniwala sa "luck" o swerti na tinatawag.... mas naniniwala ako sa blessings o pagpapala...ibang iba ang blessing na nagmumula sa prayer o kalooban ng Diyos

    By Blogger lws, at 1:04 AM, June 30, 2005  

  • i am robby a. montilla, the story tells us and gave us a message that, many things in this world is possible, we don't know what will happen next, the good luck and bad luck are same,, in short, we are making our future , wen have a CHOICE TO do what we want,,, but, why mrs. L, did not mention the name of god and give him thanks,,\\\\?? and thats all

    By Anonymous Anonymous, at 11:59 PM, April 16, 2008  

  • Ang kwentong iyan ay sadyang kapupulutan ng aral
    Sang-ayon ako sa sinabi mo na ang buhay ng tao ay mahiwaga sapagkat may mga bagay na hindi natin inaakalang magyayari o matutupad. Naniniwala akong ang higawang iyon ay nasa sa ating mga kamay. Na sa atin na kung anong buhay ang dapat nating piliin, kung anong daan ang dapat nating tatahakin. Tayo lang naman ang pumili sa mga bagay na gusto nating gawin. Siguro, hindi magiging mayaman si L kung nag-iba siya ng ugali at iniwan si Kiwi. Sa kanyang ipinakitang kabaitan sa kanyang asawa, ay nararapat lang sa kanya ang ginhawa at kasaganaan kanyang tinatamasa ngayon.---ng kayamanan ni Kiwi, nananatili parin sa kanyang puso ang kagandahang loob.Naniniwala akong may malaking papel na ginagampanan ang ugali sa pagtamo ng kaginahawaan at pag-abot ng mga pangarap sa buhay.Isang gantimpala ang kanyang natamo dahil sa taglay niyang busilak na puso.

    By Blogger ghamai, at 10:44 PM, October 12, 2011  

  • Ang kwentong iyan ay sadyang kapupulutan ng aral
    Sang-ayon ako sa sinabi mo na ang buhay ng tao ay mahiwaga sapagkat may mga bagay na hindi natin inaakalang magyayari o matutupad. Naniniwala akong ang higawang iyon ay nasa sa ating mga kamay. Na sa atin na kung anong buhay ang dapat nating piliin, kung anong daan ang dapat nating tatahakin. Tayo lang naman ang pumili sa mga bagay na gusto nating gawin. Siguro, hindi magiging mayaman si L kung nag-iba siya ng ugali at iniwan si Kiwi. Sa kanyang ipinakitang kabaitan sa kanyang asawa, ay nararapat lang sa kanya ang ginhawa at kasaganaan kanyang tinatamasa ngayon.---kahit nasa sa kanya na lahat ang kayamanan ni Kiwi, nananatili parin sa kanyang puso ang kagandahang loob.Naniniwala akong may malaking papel na ginagampanan ang ugali sa pagtamo ng kaginahawaan at pag-abot ng mga pangarap sa buhay.Isang gantimpala ang kanyang natamo dahil sa taglay niyang busilak na puso.

    By Blogger ghamai, at 10:49 PM, October 12, 2011  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker