mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, June 19, 2005

Jeepney Magic

"Jeepney Magic"
Showing sa Discovery Channel this Tuesday, June 21, at 3:30 PM. Para sa mga Pinoy na narito sa NZ. Napakadalang ng mga palabas tungkol sa ating bayan dito sa NZ, kaya don't miss this one.

Speaking of Jeepneys, naalala ko yung isang TV/Movie personality nung nasa Pinas pa ako bandang 80’s and 90’s na ang screen name niya ay “Tisoy”. Black ang skin color niya at short and kinky ang hair niya. Mostly sa mga comedy shows siya gumaganap. At ang patentadong move niya yung winawagayway niya ang dalawa niyang kamay sa may ulo niya at medyo nakatingala sa bawat sambitin niyang dialog. And his famous words were “ano ba yan?” habang winawagayway ang dalawang kamay. There was even a famous joke na namatay na nga raw si Tisoy. Kasi sumabit sa jeepney. At nung papara na sumigaw ng “para, para” while shaking both of his hands on the side of his head. Kaya ayun nahulog sa tumatakbong jeepney. I hope people here still remember that character.

Naisip ko lang ito dahil sa mga nangyayari ngayong kaguluhan sa bansa natin. Parang nakikini-kinita ko ang sarili ko. Ako si Tisoy at sinasambit ang famous lines niya. “Ano ba yan? Ano na namang kaguluhan yan?” Hay naku! Sigh.

5 Comments:

  • Kilala ko tong si Ben Tisoy nyahahaha. If I remember right, nasama din yata sya sa Iskul Bukol, kasama nina Mang Tem-i, Ms. Tapia, Redford White...etc...

    By Blogger Rhada, at 2:12 AM, June 20, 2005  

  • kuya buti na lang di ka nakasabit sa jip
    nung mag "ano ba yan!" ka=)

    By Anonymous red, at 8:36 AM, June 20, 2005  

  • Ah doon pala nakuha ni Frank Costanza (character sa sitcom na Seinfeld) yung pag wagayway ng dalawang kamay pag sinasabi niyang ‘Serenity now’. Galing mag imbento talaga ng pinoy. Teka, pinalabas ba yung Seinfeld dyan?

    Nga pala congratulations to New Zealand’s Michael Campbell for winning the US Open sa golf, natalo niya si Tiger!

    Belated Happy Fathers's Day pards.

    By Blogger Ka Elyong, at 2:50 AM, June 21, 2005  

  • Haha, yes, I remember Ben Tisoy! Naging sidekick rin siya nila Vic Sotto. He had started a fad that even in the office, I had started doing that when I was exasperated.
    Dito kaya sa US, ipalabas din yang Jeepney Magic? I hope :)

    By Anonymous Patrice, at 4:34 AM, June 21, 2005  

  • But seriously, nasaan na si Tisoy> Buhay pa nga ba sya? He was so funny! Haaaaaaay! (wagayway ng kamay) O baka patay na nga... Anybody ou there knows?

    By Anonymous Anonymous, at 9:42 AM, November 05, 2007  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker