mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, June 15, 2005

What we remember from childhood we remember forever - permanent ghosts, stamped, inked, imprinted, eternally seen. ~Cynthia Ozick

Some nights ago, may napanood akong documentary ng isang robbery na naganap dito sa NZ. Very elaborate ang planong ginawa ng mga robbers. Matagal nilang ni-plano ang lahat. At nakailang dry-runs pa sila para siguradong perpekto ang execution.

Apat na katao ang gumawa ng krimen. Una, successful ang ginawa nilang nakawan. Almost 2 million ang nakuha nilang halaga. Pero gaano man sila katalino, bobo pa rin sila dahil in two weeks time, natunton sila ng Police at isa-isa sa kanila ang nahuli at umamin ng kanilang involvement sa krimen.

Nung mahuli sila, ewan ko ba kung bakit naawa pa ako sa isa sa kanila. Yung isang magnanakaw, pagkatapos niyang makuha ang share niya, imbes na magtago at mag-lie-low muna, ang ginawa nagpakasaya ng todo. At alam niyo ba kung papaano siya nagpakasaya? He spent the whole day enjoying all the rides at Rainbow's End (an amusement park in Auckland)! May mga souvenir photos pa siya.

When asked why he did what he did, he simply said that he wanted to experience the things he never had the chance to do when he was a kid. Actually, naiyak ako sa sinabi niya. Here is person who became a criminal because he simply wanted to be a kid for one day!

I know what he and his cohorts did was wrong and nothing whatsoever can justify their crime. But I understand too that people are not inherently bad. Sometimes because of a difficult childhood, some people become vulnerable and it becomes easy for them to be swayed into doing criminal acts.

I think as parents it is our duty to teach our children good moral values. Teach them what’s right and wrong. But more than that we also owe it to them to make them happy by allowing them to enjoy their childhood. Para pag laki nila masabi nila that they had a very enjoyable childhood and that they would not change it for anything else.

8 Comments:

  • How sad naman. Inubos nya pera nya sa rides kasi di nya naexperience ito noong bata sya. Nakakarelate ako sa kanya. Dami din akong hindi natikman as I was growing up kasi dysfunctional family ko. My siblings and I were able to taste the finer things in life because of my mom who practically begged her relatives for help so we could enjoy our childhood. I just realized now ang dami ko palang na miss noong kabataan ko.
    Oh well...

    By Blogger fionski, at 2:27 PM, June 15, 2005  

  • reminds me of imelda marcos, who is probably still spending a lot of money on acquiring shoes...dahil nung bata siya wala siyang pambili nun. ngayon naman overcompensating. tatay ko din, nung bata daw sila there was not much extra for anything, tapos mahilig siya sa prutas at di makabili nito. ngayon ang karaniwan niya pa ring pinabibili ay prutas para sa aming lahat. for my dad, privilege na matikman ang maraming klase ng fruits.

    liked the quote from cynthia ozick--- is she an author? journalist?

    By Blogger Sassafras, at 4:17 PM, June 15, 2005  

  • Ang ipinangangamba ko Ka Uro, ang mga kabataan ngayon ay nakakatikim na ng kay-raming luho kaya hindi na nila naa-appreciate yung simple things. Perfect example anak ko, lahat ng bagay na mayroon sya ngayon, ni hindi ko natikman nung bata ako; mga bansang napuntahan nya, ni hindi ko naisip na pwede palang puntahan sa totoong buhay dahil akala ko sa TV lang. Napupuna ko minsan, parang balewala lang sa kanya, parang normal lang, wala lang. Napag-usapan nga namin ni Mister, nakakatuwa na naibibigay namin sa mga bata ang mga bagay na hindi namin natikman noong maliliit kami, pero higit sa materyal na bagay, may mga bagay kaming mas dapat pinagtutuunan ng pansin, at yun ay iyong maihubog sila bilang mga mabubuting mamamayan sa kabila ng kahugkagan ng buhay.

    By Blogger Unknown, at 4:27 PM, June 15, 2005  

  • very true. whatever we experience in youth influences our actions and personality as grown-up people. so it goes without saying how criminals grew up, they were deprived or abused when they were young. as parents, it is up to us to shape the future of our children.

    By Anonymous Anonymous, at 12:24 AM, June 16, 2005  

  • hello ka uro, kumusta na?

    kung iisipin ay nakakalungkot nga na kailangan pa nya gumawa ng krimen para lang mabalikan ang hindi nya nagawa nung bata pa sya..nga lang, siguro naman ay nasa hustong gulang na sya para malaman ang tama sa mali...

    maraming paraan na tama, minsan mahirap at matagal ang proseso, tyagaan lang sana..

    By Anonymous Anonymous, at 6:57 AM, June 16, 2005  

  • ate fions,
    i felt sad sa sinabi mo. like you our mom did everything she could to get us through childhood because my dad died early. marami din kaming na-miss na material things but one thing we had lots of is the love from our mom and our close relatives.


    sass,
    kaya pala yung isang post mo about fruits. haha. not sure who is cynthia. nakuha ko lang yung quote somewhere.


    rhada,
    ako din ganoon ang pangamba ko. baka nai-spoil ang anak namin. hindi niya nararanasan ang mga hirap na naranasan namin. kaya kung minsan baka nga they take for granted na lang ang mga blessings na nakukuha nila. i guess it's just a matter of balance. we should not give in to everything our children wants especially material things.


    helltracker,
    oo nga kailangan balance. hindi naman tayo milyonaryo para mabigay natin ang lahat ng bagay sa ating mga anak. but one thing they will regret not getting from us when they become adults is love. kailangan maipadama natin ang love natin sa kanila and this can be done not only by giving material things.


    patrice,
    tama nga tayong mga parents ang mag-shape sa ating mga anak. it's sad that sometime parents leave this responsibility to others like schools, private yayas, lolos and lolas.


    thess,
    oo nga, kung minsan kasi gusto natin shortcut kahit mali. di baling matagal basta sigurado at tamang paraan.

    By Blogger Ka Uro, at 8:39 AM, June 16, 2005  

  • sett-usa,
    osang and family will be visiting us tomorrow and will be staying with us for one week. sige baka kung may pagkakataon, tawagan namin kayo.

    By Blogger Ka Uro, at 12:45 PM, June 16, 2005  

  • Kung pinoy yon, siguradong di aamin. Syempre, baka sakaling makalusot.

    By Blogger jinkee, at 11:55 PM, June 17, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker