mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, June 02, 2005

Buhay sa Opis

May nag-request sa akin (sori, nakalimutan ko na kung sinoman ikaw) na sumulat daw ako tungkol sa office culture ng mga kiwi. Mahirap mag-generalize kasi iilan pa lang naman ang napasukan kong opis dito. Ang maibabahagi ko lang yung sarili kong ekspiryens sa IT company na aking pinapasukan.

“Relaxed” is the best word I could think of to describe my everyday office life. But depending on your presonality, you can also say “boring”, “routine” or “stress-free”. To illustrate, let me recount to you my typical work day.

Dumarating ako between 8 and 9 AM. Walang fixed na oras. “Flexitime” kung tawagin dito. Pwede akong pumasok anytime, basta kailangan lang maka 8.5 hours (7.5 hours work plus 1 hour break) a day. Kapag late akong pumasok, late din and uwi and vice versa. Madalang pa sa patak ng ulan akong mag-over-time.

Dun sa dati kong pinapasukan, parati akong naka long sleeves with tie. Pero dito sa bago, long sleeves lang, no tie.

Kapansin pansin ang malaking pagkaka-iba ng mga opis dito kumpara sa atin. Hindi magulo kasi kokonti lang ang mga empleyado. Sa team nga namin, anim lang kami, kasama na doon ang manager. At majority ng mga empleyado namin over 30 years old. Siguro dahil may idad na ang karamihan, ang mga kilos nila pormal, hindi kilos bata. Bihira ang naghahagapakan sa tawa at nagkukwentuhan at nagbibiruan ng malakas. Taboo dito ang kahit anong green jokes. Umiiwas lang at baka ma-accuse ng sexual harrassment.

Mahirap makilala sa itsura o pananamit kung sino ang bossing at hindi. Wala rin nagtatawagan ng Boss, Mam o Sir, lahat by first name basis lang. Ako, ang mga binabati ko lang yung mga malapit sa mesa ko at yung mga kasama ko sa team. Bihira akong makipag-tsikahan sa iba. If ever, short chat lang. Ang usual na tsika namin ganito:

“So how’s your weekend?”
“Not too bad, and you?”
“Same-o, same-o”
“See ya later, bye”


Tapos ang usapan. Ang hirap yatang mag-Ingles, ano? Bakit ko pahihirapan ang sarili ko, di ba?

Pagdating sa opis, diretcho ako kaagad sa sariling cubicle na may L-shaped na mesa, sariling telopono, computer at mga drawers. Magla-logon sa computer at umpisa na akong magtrabaho.

Wala din oras ang breaktime dito. Anytime pwedeng pumunta sa kitchen. May libreng cape, tsaa o Milo. Lunch time is anytime after 12 noon. Yung iba bumibili sa canteen o kaya kumain sa labas. Yung iba, hindi mo man mapapansin nagla-lunch. Dahil isang mansanas lang pala lunch na sa kanila. Ako, pinagbabaon ako ni esmi ng dalawang sandwich, na may kasamang saging at isang apple. Kung suswertihin pwede rin may kasamang muffin, cake o chocolate bar para sa snacks. At sa aking cubicle lang ako nagla-lunch. (Paalala nga pala, bago ko malimutan. Kung magbabaon ng rice, siguraduhin lang na hindi maamoy ang ulam, at baka kapag ni-microwave umalingasaw ang sangsang. Kakahiya yon!).

Kung ikukumpara ko nga sa naging opis environment na dinanas ko nung ma-assign ako ng ilang buwan sa Pilipinas, masasabi kong boring ang opis layp ko sa NZ, dahil sa Pinas may action, drama at comedy. Showbiz na showbiz.

Sa Quezon City ako na-assign upang turuan ang pagkadami-daming computer programmers na noon ay nag-po-program ng computerization ng driver's licenses sa Pinas. Pagdating ko sa opis ng bandang 8AM andoon na rin ang karamihan ng mga programmers. Mostly mga bagong graduates pa lang sa college. Siguro average age nila nasa 25 years lang.

Dahil halos puro mga kabataan, masisigla sila. Pagdating sa umaga, tsika-tsika. Meron na diyan magkukumpulan, magkukwentuhan at magtatawanan ng malakas. May mga magkasintahan na maghaharutan at mag-iiyakan habang ang iba nama’y magtutuksuhan. May mga pa-sosy na parating may bitbit na Starbucks coffee cup na walang alam pagusapan kung hindi yung mga gimmick nila nung nakaraang weekend. Sgurado ring may alaskador sa grupo at meron din naman yung peborit na ina-alaska.

Alas nuwebe na wala pa talagang nauumpisahang trabaho. Mag-start lang ang tunay na trabaho kapag dumating na ang mga bossing. Alam mong may dumating na bossing kasi mauuna yung security guard bitbit yung laptop ni Sir o ni Mam. Si Sir o Mam darating, naka-isputing. Naka-skirt si Mam with matching blazer. Si Sir naman naka barong tagalog o kaya puting long sleeves with tie.

Papasok ang mga bossing sa mga sariling kwarto. Yung mga assistant ng bossing may mga sariling cubicle. Kami namang mga programmers, halos nagkakasikuhan na, na nakahilera ang mga computer sa isang mahabang mesa.

9:30 breaktime. Pagbalik sa trabaho roronda na yung aleng nagtitinda ng lunch para kunin ang aming mga order. Bago mag alas-dose, darating ang in-order na lunch na naka styrofoam at may kasamang softdrinks lulan plastic na may straw. Lista muna yon. Sa sweldo na ang bayaran.

Pagkatapos ng pananghalian, papatayin ang mga ilaw para makapag-siesta ng kalahating oras. Ala una, back to work na naman para mag-merienda uli sa alas-tres ng hapon. 5 pm normally uwian na, pero kapag maraming trabaho, over-tawad, kaya kung minsan gabi na ang uwi. Kapag nagtawag ka ng meeting, asahan mong half hour bago makompleto lahat ng attendees.

Nakaka-miss din ang opis layp sa atin. Yun bang magulo na masaya. Organized chaos kung baga. Ang isang tunay na kapansin-pansin sa atin, ang mga Pinoy mas-palangiti, masayahin.

13 Comments:

  • KA URO, you inspire your readers in your own way too. Di nakakasawang magbasa ng blog mo kasi napaka down-to-earth at light reading...pero malakas ang dating!

    By Blogger Teacher Sol, at 3:13 PM, June 02, 2005  

  • mam sol,
    salamat sa papuri. sa totoo lang isa ka sa mga hinahangan ko at kinaiinggitan. kasi sa totoo lang noong nasa college ako gusto ko din sanang maging titser. masarap ang feeling kapag alam mong meron kang kaalaman na naibabahagi sa mga estudyante mo. yon ang nami-miss ko ngayon kasi kahit papaano nag-turo din ako sa UP ng ilang years bago ako nag-abroad.

    By Blogger Ka Uro, at 3:25 PM, June 02, 2005  

  • Ang mga kiwis ba eh

    1. nag papatay oras din ??
    2. Pag trabaho ba eh trabaho talaga or me mga pa petics petics din ? work attitude ika-nga

    Dito kasi me mga boss pag uwian saka ka babagsakan ng trabaho eh... pwede namang ibigay ng maaga.

    By Blogger Senorito<- Ako, at 6:12 PM, June 02, 2005  

  • senor,
    kahit anong nationality yata merong ganon, nagpapatay oras at me mga petics din. kaya lang napansin ko sa mga IT company na napasukan ko mas organized dito at magaling sila sa planning kaya usually hindi kailangan ang mga rush jobs. kadalasan naka-plano na ang dapat na output sa mga darating na weeks o months. hindi pwede dito yung style na pag uwian don ka bibigyan ng trabaho. alam nila na mahal magbayad ng overtime kaya di nila gagawin yon hanggat maaari.

    By Blogger Ka Uro, at 9:44 PM, June 02, 2005  

  • ang hindi mo maipagpapalit pag sa Pinas ka nagtatrabaho:
    1. hindi mahirap makipag-relate kasi kapwa Pinoy, pag nasa ibang bansa, mangangapa ka kung ano ang ugali talaga.
    2. biruan (kasama green jokes), friends, tsikahan
    3. madahil humanap ng karamay sa mga hinaing mo
    4. you can always be yourself
    ang hindi mo maipagpapalit pag nasa ibang bansa ka:
    1. the pay
    2. planado ang lahat, sa Pinas kadalasan walang plano ang diskarte, as per need basis
    3. work environment na malinis
    4. bawas na intrigues, kanya-kanya kasi
    marami pa siguro... this is what i can contribute from my observations (observations na naman?!) ha ha
    nice post, sir!

    By Blogger bing, at 11:37 PM, June 02, 2005  

  • ka uro, yung no. 3 "madali humanap ng karamay" yun... did not preview the post kase e... he he

    By Blogger bing, at 11:39 PM, June 02, 2005  

  • I wish style KIWI ang opis namin...dito parang style Pinas,like pakape-kape muna bago dumating boss, he he he. Ang work environment eh halo-halong kalamay, karamihan eh isip bata. You can laugh, fart, throw green jokes, chikahan katakot-takot, kasi nga we promote diversity kuning. And downside nga lang eh meron ding saksakan sa likod at chismisan na akala ko eh only in da pilipins lamang.

    By Blogger Unknown, at 3:01 AM, June 03, 2005  

  • ah!men opis pala topic dito,totoong kakaiba daw sa pilipinas pag nago-opisina ka dun *sabi ng dad ko*marami akong di pa nae-experience sa opis dahil di ako nag-0 OPIS.karaniwang estudyante lang ako.pag nakapasok na ako ng opis paniguradong maibabahagi ko din ang experience sa pakikihalubilo sa opism8.

    okidoki

    By Anonymous Anonymous, at 5:28 AM, June 03, 2005  

  • helltracker,
    uy welcome dito nga pala. para palang yung friend ko ang baon niya banana sandwich. yun bang dalawang slice ng bread tapos may isang saging sa gitna. ha ha ha.

    ka elyong,
    tuyo ba ang binaon mo? masarap yon, may kasamang kamatis o kaya sukang ma-anghang katalo na.

    bing
    dagdag ko sa list mo. sa abroad, yung mga toilet may toilet paper. naalala ko kasi nung sa intramuros ako nag-oopisina, yung opis namin doon, yellow pages ang ginagawang toilet paper.


    rhada,
    masaya din pala diyan kung ganon. yung mga puti meron din mga back-stabber. bawas lang yata dito yung tsismis. comment nga ng taga ibang nasyon bakit daw ang pinoy mahilig sa tsismis at intriga. ewan ko nga ba.

    By Blogger Ka Uro, at 8:41 AM, June 03, 2005  

  • 2 sandwich for lunch? di ka ba mabilis magutom nun. parang ang konti pag 2 sandwich :D di ba uso ang kanin diyan, o masyado lang matagal lutuin/mabusisi.

    re. petics petics... yung best friend ko naman na nasa Canada naman, napuna na masyado daw mabilis magtrabaho. (nung nasa Pinas kasi yun daming responsibilidad sa old job niya kaya go-go-go palagi ang work attitude). nasabihan nung superior niya na take it easy daw, at nauubusan ito ng maipagagawa sa kanya. hmmm. ibang klase.

    By Blogger Sassafras, at 2:04 PM, June 03, 2005  

  • Nami-miss kong magturo sa mga Pinoy na bata na marung magrespeto sa mga guro.

    Nami-miss kong magtrabaho kasama ng mga guro na nag-o-overtime parati na walang reklamo (pampalipas traffic kasi, nasa aircon pa).

    Nami-miss kong makipag-usap sa mga magulang na marunong makipag-usap ng maayos sa mga guro, at mga magulang na mapagbigay (basta kailangan ng anak gagawan ng paraan, kahit magregalo sa guro...hahaha)

    ...At marami pang iba...

    Three (3) comments in one day from you in my blog, I am very honored, Ka Uro. May celebrasyon sa blog ko, sana makasama ka namin...

    By Blogger Teacher Sol, at 2:31 PM, June 03, 2005  

  • hi Ka Uro,
    dito kami naninirahan sa singapore, pero may balak magmigrate sa new zealand, lam mo na baka makatisod ng better opportunity at raket. actually, maganda naman dito sa singapore kaso nga lang nahihirapan mga bata sa mother tongue subject nila sa school, eh chinese pa naman. sus, paano tutulungan, kaya eto ngayon nagpupursigi na makarating sa bayan ng mga kiwi. nakita ko kasi na medyo maganda ang oportunidad diyan at nagbasa basa ako. marami na rin akong nabasa, pero siyempre iba kung ang mapagtatanungan mo eh kagaya nyo na pinoy na nandiyan na. maganda nga bang mamuhay diyan? anong chances na makahanap ng trabaho ang mister ko na isang civil engineer at ako naman eh accounting graduate pero hindi CPA (we're both in our 40's). actually, nainvite na kami to apply for residency, and we need to submit lahat ng papers namin by mar 2006. inaasikaso pa namin ang mga documents namin at planning to submit everything by feb 2006. malaki ba ang chance na maapprove ang aming application. normally, gaano ba katagal para malaman ang resulta. hindi ko pa nababasa lahat ng sulat mo tungkol da migration sa NZ. pero base sa mga naisulat mo maraming akong natutunan at nalaman, at salamat sa mga informations na ibinabahagi mo sa mga nagnanais na manirahan diyan.

    hanggang sa muli, ka uro.

    salamat,

    By Anonymous Anonymous, at 10:49 PM, December 29, 2005  

  • hi beth,
    para sa akin maganda talaga ang magpalaki ng pamilya dito. maganda para sa mga bata dahil mura lang ang education at maganda pa. marami akong kilalang accounting graduates sa atin dito na hindi naman cpa. ako, actually civil engineer din pero sa IT ako nagwowork. para makita ninyo ang mga possible work try niyong maghanap sa www.seek.co.nz. ituloy ninyo ang application ninyo. sayang. ang advise ko once na may visa na kayo dito mag-scouting munta kayo at huwag munang mag-resign sa mga trabaho ninyo diyan. para kung hindi niyo magustuhan pwede pa kayong bumalik sa SG. suggest ko rin na sumali kayo sa yahoo group na Pinoyz2NZ. http://groups.yahoo.com/group/pinoyz2nz/

    good luck!

    By Blogger Ka Uro, at 8:06 AM, December 30, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker