Lessons from Mar
Sa kwento ni Mar, lalong tumatag ang aking pananampalataya na may tumitingin sa ating lahat. What would have happened had Mar approached the four cannabis smoking men? I’m sure, hindi niya makikilala si Ken at hindi rin niya makikilala si Mr.C at siguradong maiiba ang takbo ng buhay niya ngayon. At worse, baka nga napahamak pa siya. Some will call it luck, but I believe Someone up above actually manufactured the luck that helped Mar make the right decisions. Ang kailangan lang ay matuto tayong magdasal at tulungan ang ating sarili. Di ba kasabihan nga na “God helps those who help themselves”.
Ano kaya ang nangyari kung naging masyadong ma-pride si Mar at hindi siya humingi ng tulong kay Ken at kay Mr.C? Di ba, sabi nga na: “Ask and it will be given to you; seek and you will find...”. A lesson in being humble. Dapat tanggapin natin ang ating weaknesses. Huwag tayong maging hambog. Huwag nating isipin na kaya natin ang lahat, na hindi natin kailangan ang tulong ng iba.
Another lesson I learned is about trusting other people. Totoong maraming masasama at mapagsamantalang tao sa mundo. Subalit hindi tayo dapat mawalan ng tiwala sa lahat ng tao. What would have happened had Mar not trusted Ken? A Taoist saying goes:
"If while building a house, a carpenter strikes a nail and it proves faulty by bending, does the carpenter lose faith in all nails and stop building his house?"
Obstacles can be blessings in disguise. The fact that Mar knew no one in NZ, that he had only $500 in his pocket and that he was initially given only one month to stay in NZ, all added up to the gravity of the situation and the urgency for him to find a source of income. I thought those circumstances were actually blessings in disguise because they forced Mar to take positive steps towards his goals by first finding the strength within himself.
Kung minsan kasi kapag may kakilala ka dito disadvantage pa. Kung minsan yung kakilala or host mo nagiging masyadong hospitable. Kung saan-saan ka ipapasyal for sight-seeing. Nakakaligtaan tuloy yung immediate goal mo, which is to find work. Then you tend to rely on them for transport. Kapag di ka nila pwedeng ipag-drive, di ka rin gumagalaw. Nasa bahay ka lang. Tapos dahil libre ka sa accommodation and food, o kaya naman kung marami kang baong dolyares, you don’t feel any urgency to find a job. When your host is over-hospitable to a fault, it is your responsibility to set things straight. Because If things don’t turn well blaming others later won’t help. In the end it is still you that suffers.
On the practical side, kung may pupunahin lang ako sa mga naging desisyon ni Mar, ang mapupuna ko lang ay ang pagpunta niya sa NZ with a Visitor’s Visa. Maraming bagay sana ang naging madali at ibang gastos ang naiwasan kung sa Pilipinas pa lang Student Visa na kaagad ang kinuha niya. Dapat sana sa Pinas pa lang nag-inquire na siya at nag-enrol na sa school sa NZ nang sa ganon, Student Visa kaagad ang nakuha niya.
Lastly, from Mar we learn about the virtues of commitment, dedication and hard-work. No matter what kind of task we undertake, if we put our hearts and minds to it, the rewards will surely follow. Kayo, anong aral ang napulot niyo?
9 Comments:
may moral lesson akong nakita at nabasa dito sa story taglay ni mar ang kagandahan ng ugali.anong halaga ng magandang-ugali sa isang tao?para sa'kin ang kasama natin sa bahay anuman ang relasyon sa atin ay kasama natin sa trabaho kung may busilak na puso ay maligaya tayo.Para tayong nasa langit.langit na sa'kin pag may name-meet ako kahit online na may magandang katangian at ganun din lalo na sa tunay na "buhay".so moral lesson?taglayin ang magandang pag-uugali."hakuna matata"no worries sabi sa "lion king"piborit ko ring cartoon movie!hehehe "circle of life".
By Anonymous, at 2:20 PM, May 31, 2005
Ako naman I liked the Taoist saying... :). Totoo din yung observation niyo regarding adversity being an effective teacher and mover. Dahil nga solo si Mar, he had to learn and adapt more quickly to the new environment. Walang aasahan eh: sa ganoong sitwasyon, either hugutin mo yung tapang ng loob sa sarili mo, o umiyak ka nalang sa isang tabi. Lumabas ang pagka-fighter ni Mar dahil na rin sa circumstances niya. But it could have easily gone the other way---kung mahina hina ang loob niya, he might have chosen to give up and go home. Or whine to Len (which accomplishes nothing and wastes $$$ on the long distance call). His character was tested and he passed with flying colors.
By Sassafras, at 2:32 PM, May 31, 2005
lws,
magaling ka talagang mag-analyse ng tao. kasi although hindi ko nabanggit sa kwento may magandang ugali si Mar na makatulong sa mga taong na-mi-meet niya. nabanggit nga niya sa akin yong mive na "pay it forward". yun bang kapag may tumulong sa yo, bayaran mo sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba. kaya nga siguro pagpapalain siya.
By Ka Uro, at 2:50 PM, May 31, 2005
sass,
you've raised a good point about choices. sometimes we tend to believe too much on fate and luck na para bang wala tayong say sa magiging future natin. i want to believe that our future still depends on ourselves through the the decisions we make. God helps us by giving us the lakas-ng-loob most needed in times of difficulties.
By Ka Uro, at 4:27 PM, May 31, 2005
We should help each other whether here in the Philippines or wherever we may be.
By Anonymous, at 10:24 PM, May 31, 2005
Ako i dont believe in luck, ang Diyos ay may plano sa bawat isa sa atin. kung minsan may mga pagsubok na binibigay sa atin para tayo'y maging matatag. all we need is to trust Him and do our share.
By Anonymous, at 10:43 PM, May 31, 2005
anonymous,
ako rin i'm really not a great fan of luck. for me luck is but a statistical probability or chance. increase the probability and you increase the chance to be "lucky". si mar naging "lucky" dahil nakilala niya si ken. but he would not have been lucky kung hindi siya lumapit, di ba? if it so happen that ken was not a good guy, mar would have approached other people until he finds one who'll help him. so in effect mar created the "luck" for himself. we create our own "luck" by being pro-active towards the fulfillment of our goals.
ka elyong,
you raised a very good lesson which i have not thought of before. that is, the need not to be complacent. oo nga kung minsan, sa umpisa, meek and humble tayo, tapos kapag umasenso na ng kaunti, nagbabago na tayo. nakakalimutan na ang pinagdaanan.
welcome back. tagal mong nawala a.
By Ka Uro, at 7:33 AM, June 01, 2005
blog hop!;)
update naman dyan!
By lws, at 8:10 AM, June 02, 2005
lws,
eto may update ako. nagkausap kami ni Mar the other day. tuwang-tuwa siyang ibalita na pumayag siyang i-sponsor ng amo niya sa T's restaurant. ang item na ibibigay sa kanya ay Asst Chef. kaya hopefully, within a month makakuha na siya ng work permit.
naibalita din niya na nagkausap sila ni Lenlen by phone at medyo nagkaiyakan pa kasi talagang gusto na ni lenlen na makasama na dito sa nz. sabi naman ni mar na konting tiis na lang at maaayos na ang papel niya.
tapos may ibang pinoy din na nag-invite kay mar nung weekend sa isang party. marami siyang nakillang pinoy at lahat naman very supportive sa kanya. at matutulungan daw siya sa financing kung gustong bumili ng bahay at sasakyan ni mar in the future.
By Ka Uro, at 10:50 AM, June 02, 2005
Post a Comment
<< Home