mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, May 19, 2005

Maraming Kabaligtaran sa New Zealand

Ang pinaka obvious (but maybe not to some Northerners) yung seasons. Dahil nasa ilalim ng mundo ang NZ, when it's snowing in December sa parteng America at Europa, summer naman dito. Kaya iba talaga ang feeling ng pasko dito. Ma-miss mo ang malamig na simoy ng hangin sa simbang gabi.

Sa driving baligtad din. Nasa right ang manibela kaya keep left ka sa daan. As my friend J will say, "In the US, Canada, Phil. we drive on the right side of the road, pero sa UK, Australia, NZ on the wrong side of the road".

Yung mga lumang light switches nila dito baligtad din. Pababa para i-on at pataas naman para i-off.

Ang akala ng iba ang ikot daw ng tubig dito kapag ni-flush mo sa toilet bowl ay counter clockwise imbes na clockwise. I think this is a myth. I have yet to see a toilet bowl here that does that. When I flush the water in our toilet, the water just goes straight down. Hindi na umiikot-ikot pa.

Marami pa nga palang baligtad dito (I'm sure maging sa ibang bansa) sa mga asal natin mga Pinoy na nasa overseas tulad ng mga tinutukoy sa tulang ito na hinango ko sa Diaryo Filipino. Nakakatuwa kasi totoong-totoo.

Kabaligtaran
ni Rod Alcoriza

Pagmumuni-muni aking binalikan
Ang takbo ng buhay sa sariling bayan
Nagdaang kahapon ay kabaligtaran
Nitong naging buhay dito sa New Zealand

Bayang Pilipinas pansilid sa tiyan
Ang daing at tuyo ay pangkaraniwan
Talbos ng kamote karaniwang gulay
Ang dahon ng kangkong sahog sa sinigang

Dahil araw-araw ganito ang ulam
Ang kabag ng tiyan ay panay ang hataw
Hangin sa pang-upo ay panay ang singaw
Amoy ng paligid nakakahimatay

Ang isdang galunggong pangsalit sa gulay
Kahit na tinapa o maging paksiw man
Ito’y walang paltos maging sino ka man
Bahagi ng menu pagkain ng bayan

Manok, baka’t baboy, pagkaing espesyal
Mamahaling karne pagkaing mayaman
‘Pag mayroong handaan iyong matitikman
Kaya kung laklakin ay bundat ang tiyan

Ngayong nandirito sa ibayong bayan
Iba’t ibang karne ay pangkaraniwan
Nakakasuya na halos ay maduwal
Pagkain ng karne ay parusang mortal

O daing at tuyo kayo ay nasaan
Kami ay natiis buhay ay nilisan
Sa ami’y ihasik ang inyong linamnam
Ang pangungulila huwag nang dagdagan

Kay hirap hanapin pagkain sa bayan
Kung matagpuan ma’y saksakan nang mahal
Pagkaing mahirap ngayo’y pangmayaman
Dating hinahamak ngayo’y dinadasal

At kapag pinalad ito’t natagpuan
Niluluto pa lang tulo na ang laway
Kahit na mabantot walang pakialam
Parang nasa langit sa kaligayahan

Kahit magreklamo puting kapitbahay
Sa sangsang ng amoy ay halos mamatay
Ang mabunying Pinoy walang pakiramdam
Basta’t mairaos hinaing ng tiyan

At para bang kulang dapat na dagdagan
Puting reklamadaor dapat parusahan
Ginisang bagoong biglang isinalang
Langhapin mo lahat simoy na masangsang

Mapulang mansanas, orange na makatas
Itim, berde’t pula, makulay na ubas
Hirap na matikman noong nasa ‘Pinas
Ngayo’y hindi pansin hanap ay bayabas

Mabango’t matamis na manggang kalabaw
Makatas na atis at mabahong duryan
Tsiko at lansones at langkang madilaw
Ngayon ay pangarap mahirap matikman

Doon sa tanggapan English ang usapan
American accent at conscious sa grammar
Sagana sa porma’t panay ang pasosyal
Ang sariling wika ay halos iwasan

Ngayong nasa banyang English ang salita
Hanap ay kausap sa sariling wika
Pati mga puti kapag nabibigla
Ay tina-tagalog hindi nahihiya

Itong mga anak sa sarilng bansa
Ang turo ay English sa pagsasalita
Ngayong nandirito sa Ingles na bansa
Dapat kausapin sa sariling wika

Itong ating buhay sadyang balintuna
Ating hinahanap ay ang mga wala
Sa lamig at init tayo’y sadyang sala
O buhay, o buhay alin ba ang tama

Ngunit mayrong bagay na hindi nagbago
Pangit na ugaling tsismosa’t tsismoso
Saan man mapunta saan man tumungo
Laging lumulutang ang ugaling ito

Kahit na magsimba’t dasal ay usalin
Kahit paikutin bali-baligtarin
Hindi nabawasan nadagdagan mandin
Ang taong tsismoso ay tsismoso pa rin

Hataw sa tsismisan itong kayabangan
Hindi nabawasan bagkus naragdagan
Kahit na tumuwad kahit hubaran
Talagang mayabang, mayabang, mayaabaaang!

Aking paumanhin kung nasagasaan
Ang balat sibuyas na mga kabayan
Ito’y isang biro na katotohanan
Huwag nang magalit magbago ka na lang


11 Comments:

  • ka uro, napadaan lang ako sa blog while i was reading batjay's... i find your blog very informative (specially for those want migrate to nz) and entertaining... binasa ko rin ung archive mo... i already bookmarked it and will be a regular reader (usually lurker lang hehehe)... btw i'm also in the line of IT working here in singapore... my wife and baby daughter are here with me... salamat sa blog mo at me napagkakalibangan ako...

    god bless your family....

    By Anonymous Anonymous, at 7:16 PM, May 19, 2005  

  • Kakatuwa Ka Uro. Sapul na sapul ng makatang si Rod ang aking mga pansariling hinaing.

    By Blogger Unknown, at 8:41 PM, May 19, 2005  

  • jon,
    welcome dito. pasyal ka lang anytime. peborit ko rin yang si batjay. regards din sa family mo.

    By Blogger Ka Uro, at 9:03 PM, May 19, 2005  

  • *clap*clap*clap galeng magaling ang pagkakatula.maganda ang nilalaman.

    btw,napapalitan na po yung panalo ko.nai deposit ko na po sa aking account.

    By Blogger lws, at 6:43 AM, May 20, 2005  

  • Ka Uro, paano na araw ko kung wala akong mababasang bagong post mo...salamat, napangiti at napag isip mo na naman ako

    hayyy, totoong totoo ang tula ni Ka Rod.

    By Anonymous Anonymous, at 7:33 AM, May 20, 2005  

  • Ka Uro parang CIA world facts ang blog mo tungkol sa NZ. Aliw! Hehehe! Happy weekened po!

    By Blogger fionski, at 11:45 AM, May 20, 2005  

  • Ka Uro,

    Pwede bang i-dedicate sa iyo ang kantang " How can I live without you" ? Parang gaya ng sabi ni Thess na trinanslate lang sa English. Lagi kasi akong sumusubaybay sa iyo eh kaya laging masaya ang araw ko.

    Salamat sa sharing of that poem. Ang galing ng message totoo lahat.

    Cheers,

    Mystica

    By Anonymous Anonymous, at 3:18 PM, May 20, 2005  

  • rhada,
    bull's eye ba? kuhang-kuha di ba?

    lws,
    susunod yung lotto jackpot na siguro ang mapapanalunan mo.

    fionski,
    ate, happy weekend din sa yo. aabangan ko yung susunod mong post "women should enjoy sex". i can't wait.


    thess at mystica,
    kayo naman sobra naman kayo. nagbla-blush tuloy ako. nagkukulay maroon hindi pink o red. maiitim ako e.

    By Blogger Ka Uro, at 3:42 PM, May 20, 2005  

  • magaling siya, ha... isang kabalintunaan talaga! yang pagiging tsismoso at tsismosa ng mga pilipino, dapat iniiwan na lang talaga.

    cheers to you, ka uro!

    By Blogger bing, at 11:59 PM, May 20, 2005  

  • Ka Uro, kakatawa ka. Isa ka sa mga peborit kong basahin. Pero di ko alam yun na baligtad pala diyan (di naman nakwekwento ng aking mga sources).
    Informative..sa iyo ko pa nalaman :)

    By Anonymous Anonymous, at 3:37 AM, May 22, 2005  

  • hi ka uro! napadpad ako dito gawa ni kumpareng google eh. naghahanap kasi ako ng mga pinoy na nasa new zealand. tapos heto nakita ko tong site mo, taytol pa lang makatawag pansin na. galing ng tula na nipost mo, dami ba talagang baligtad dyan sa NZ?

    By Anonymous Anonymous, at 8:54 PM, April 04, 2007  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker