My Driving Record
Two times na rin akong na-involve sa banggaan. Minor lang naman. Both times may bumangga sa likuran ng sasakyan ko. Both times kasalanan nila for following too closely. The remarkable thing about those 2 accidents was that when both drivers approached me, the first thing they said was: “Are you alright?”. Tapos walang pagtatalo kung sinong may kasalanan o singong mali. Nagpalitan lang kami ng pangalan, phone, registration at insurance details at naghiwalay na kami. Nasingil naman sila ng insurance ko kaya wala akong binayaran sa pagpapaayos ng kotche.
Two times na rin akong nahuli ng speed camera. Dito kasi meron mga cameras na nasa mga strategic locations ng ilang streets. Kapag lumampas ka ng 10kph sa speed limit, kokodakin ka. Tapos may matatanggap ka na lang na sulat after a few days, nakasulat kung magkano ang fine mo usually around $100, but could be more depende sa over mo sa speed limit. Pwede ka pang mag-request ng picture mo, kaya walang lusot.
Sa Pilipinas, nahuli ako minsan ng hagad. Reckless driving daw pagkatapos kong umoberteyk ng isang bus. Sige okay lang sabi ko bigyan mo ako ng ticket. Basta ayokong maglagay. Pagkaraan ng isang linggo, nagpunta ako sa Crame para magbayad ng fine at kunin ang lisensiya ko. Hiningi nung pulis na nasa front desk ang ticket at sinabi sa akin ang dapat kong bayaran at ibigay ko raw sa kanya. Nagbigay naman ako. Bumalik siya with my license. Okay na raw pero walang resibo. Ibig sabihin sa kanya rin (at mga kasabwat niya) napunta yung perang binayad ko, di ba? So I thought what’s the point in being honest and not bribing the highway patrol? Ganon din, ibang pulis lang ang nakinabang. In the end wala pa rin pumasok na income sa gobyerno. No wonder, bankrupt tayo, maraming nangungupit. Pero di pa rin ako maglalagay. Yan ang stand ko.
Siguro pwedeng i-adopt sa atin ang katulad dito. When I got fined after being caught by a speed camera, I got a letter saying that if I pay the fine, the infringement will be wiped from my record. Kaya so far kahit twice na akong na-speed camera, technically, malinis pa rin ang record ko. Kaya lang kapag ginawa sa atin ito mababawasan ang delihensiya ng mga pulis. Then hindi lang mga motorista ang pagiinitan nila baka pati ang mga kawawang tumatawid ng kalye, for “jaywalking” kikikilan nila. Katulad nung mahuli akong nag-jaywalking sa harapan ng UST. But that’s another story.
9 Comments:
right hand drive din dyan di ba ka uro?
laki ng kaibahan ng 1st at 3rd world country. kung pwede lang i-reformat o i-reset na parang computer ang isang bansa, baka naka-ilang re-format na tayo.
By Tanggero, at 3:03 PM, May 14, 2005
oo mr.tanggers,kung ibig mong sabihin nasa right ang manibela. panay naman ang reformat natin di ba? ilan nang beses nabago ang gobyerno natin. kaya lang walang anti-virus na in-install.
By Ka Uro, at 7:29 PM, May 14, 2005
sette, sa saudi noon wla ding mga lagay. nung dumami na ang pinoy, nauso na rin ang lagay. haha. ano ba yan, pati ang paglalagay in-export natin. sana nga magbago na tayo, but it has to start with each person. hindi lang ang mga pulis ang corrupt. kapag naglalagay tayo, we are just as guilty.
musta si papa joe? si mystica pupunta dito next month for 1 week, tapos balak na yatang bumalik dito early next year pagkatapos mamasyal diyan sa LA.
By Ka Uro, at 9:49 AM, May 15, 2005
Mr. Tanggers & Ka Urs - Kulang ata ang reformat at anti-virus... Una, kailangan ay palitan na yung buong system. Aba, 386 pa 'ata yung processor, 256K RAM, 5 1/4 yung floppy, 'alang hard drive & green pa yung monitor! Kailangan na rin i-update yung OS, DOS 3.1 pa ginagamit... Kaya ganito pa rin tayo... We need to change the whole system na... 'di na kakayanin ng pa-upgrade lang...
By Anonymous, at 11:08 AM, May 15, 2005
Ka Uro,
Since in demand ang skilled craftsmen, ibig bang sabihin ay mahal magpagawa ng kotse dyan? Kahit na pukpok o masilya lang?
What about repair / installation of furniture or household fixtures, kung saan kailangan mo ang carpenter, mason o plumber? Magastos din ba ito?
By Anonymous, at 3:21 AM, May 16, 2005
jazz, opo mahal ang anything that requires manual labor. kaya hanggat maari ako na lang gumagawa ng mga dapat ayusin sa bahay. matututo ka ritong magkarpintero, magmason, magpintura at magtubero. at kung may nasira kang appliance (tv, vcr, dvd, etc), kung minsan mas mura pa ang bumili ng bago kesa ipaasyos mo. ganoon kamahal.
By Ka Uro, at 7:05 AM, May 16, 2005
MMDA is implementing the NO Contact policy - mayroon din camera and you will recieve a notice of your violation. You just have to pay at accredited banks in Manila. Hindi kukunin yung license. However, yung mga mayor kumokontra - siguro dahil yung mga algad nila ay hindi maka-kick-back!!!
By Anonymous, at 7:12 PM, May 16, 2005
anonymous, maganda yang initiative ng mmda na binanggit mo. ganyan nga rin ang iniisip kasi kapag ganyan, walang abirya sa mga motorista kaya di nila kailangan maglagay, kikita pa ang kaban ng bayan. dapat natin suportahan ang mga ganyang pagbabago at ang mga mayor na kumokontra, dapat ipako sa krus.
By Ka Uro, at 8:48 PM, May 16, 2005
tama ka ka Uro, marami nang magandang nagawa si mmda chairman bayani fernando. isa yung mga pedestrian overpass sa mga stratigic na lugar, tanong ko nga sa sarili ko: bakit yung mga dating naupo/namuno sa mga lugar na iyon hindi naisip yung mga pinaggagawa ni bayani. at kakit papano medyo na ayos ang traffic kagaya sa may MRT terminal sa north EDSA papuntang SM, meron ding hindi at yon wala na yatang pag asa katulad sa Cubao papuntang Makati, sobra ang trafik kapag rush hour.
By Anonymous, at 1:36 AM, May 25, 2005
Post a Comment
<< Home