Cost of Owning a Car in NZ
Mahihirapan ka dito lalo na sa Auckland kung wala kang wheels. Limited ang galaw mo kung aasa ka lang sa public transpo at sa kadi-lakad. Ang mga bus naka-oras at hindi kasing dami diyan sa atin.
Magkano naman ang mga sasakyan diyan sa NZ?
Brand new, mahal at mataas ang depreciation. Not advisable. I would recommend second hand, kasi ang mga second hand dito, maganda rin at comparable din naman sa bago. Mostly mga Japanese at European imports. Para magkaroon ka ng idea sa prices which range from $2000 pataas, pasyal ka na lang sa www.autonet.co.nz o kaya www.auto.co.nz. Mas mahal ng kaunti ang mga prices na nasa mga sites na yan kasi presyo yan ng mga car dealers. Siempre may commission pa ang salesman at medyo pakikinangin pa nila bago idispley ang sasakyan.
Kung gusto mong medyo makamura, pwede ka rin bumili sa mga car auctions. Ang isang malaking auction site ay ang Turners Car Auctions. May website din sila www.turners.co.nz.
Isa pang paraan ng pagbili ng sasakyan ay through private sale. Sa Auckland, may tinatawag na "car fair". Every Sunday ito. Lahat ng nagbebenta privately at mga gustong mamili pumupunta sa Ellerslie (isang suburb dito). Maaaliw ka nga dito sa car fair na ito at saksakan ng dami ng sasakyan, may lumang-luma na, may luma lang, may bago-bago, may bago talaga, sari sari na. Kung marunong kang kumilatis ng sasakyan at makipagtawaran, makaka-bargain ka dito.
Once na nakapili ka na ng gusto mong sasakyan, at nagbayaran na kayo ng vendor, magpipirmahan kayo ng change of ownership papers. After these, ano pa ang karagdagang gastos.
Change of Ownership - 9$. Babayaran mo ito sa post office at bibigyan ka ng sticker na katunayan ikaw na ang new owner.
12 month registration - $200. Sa post office din ito pwedeng bayaran.
Car insurance - around $500 to $1500 per year. By phone lang pwede mo na itong i-sort out. Pwede ring walang insurance, pero risky kung makadisgrasya ka.
Ang gasolina naman around $25 to $50 per week depende na sa layo ng tinatakbo mo.
Warrant of Fitness o kung tawagin ay WOF. - Sticker ito na ididikit sa windshield ng kotse pagkatapos itong inspeksiyonin at mapatunayan na road-worthy pa ito. $25 to $40 kada 6 months.
Yan more or less ang cost of owning a motor vehicle dito sa NZ.
Siyanga pala, pwede mong gamitin ang Philippine license mo para mag-drive legally for 12 months. Pagkatapos noon, kailangan kumuha ka na ng NZ driver's license. Maraming kwento si KiwiPinay tungkol sa driving test. Pasyalan niyo ang site niya dito. Lastly, hangga't maaari lang, huwag kang kukuha ng financing para pambayad sa gusto mong sasakyan. Talo ka sa interests. Kung kulang ang pambayad mo, murang sasakyan na lang ang bilhin. Hindi naman uso dito ang pagandahan ng wheels.
Happy driving. Just remember, drive left dito.
3 Comments:
Hi!K.Uro,
Itatanong ko lang po sana kung saan po sa ellerslie ang car fair, thanks po.
Jayne
By Anonymous, at 12:22 AM, November 29, 2006
yung car fair nasa loob ng ellerslie race course.
By Ka Uro, at 8:02 AM, November 29, 2006
KU,
THANK YOU.-jayne
By Anonymous, at 11:04 AM, December 07, 2006
Post a Comment
<< Home