"The Last Samurai" and "Two Cars, One Night"
Gusto kong panoorin itong The Last Samurai kasi maraming eksena dito ang kinunan sa Mt. Taranaki, New Zealand. Ang Mt Taranaki kasi halos perpek cone din tulad ng Mt Fuji ng Japan. Hindi naman ako na-disappoint sa nakita ko. Napakaganda ng cinematography ng pelikula. At kung taga-NZ ka mare-recognize mo ang mga sceneries kahit na di mo pa napuntahan si Taranaki. Very green ang damo at may mga ferns kaya alam mong New Zealand. Nagustuhan ko rin ang istorya ng pelikula kahit na may pagka madugo ang mga battle scenes, kasi may human drama at pinapakita ang conflict ng luma at modernong pamamaraan at pamumuhay.
Tulad ng LOTR at ang The Whale Rider na pawang gawa din dito sa NZ, mairerekomenda kong panoorin itong The Last Samurai.
Ang isa pang kapapanood ko pa lang na gawa dito ay ang short film na "Two Cars, One Night". Labing isang minuto lang ito. (Kaya nga short film).
TWO CARS, ONE NIGHT is a tale of first love. What at first seems to be a relationship based on rivalry soon develops into a friendship. We learn that love can be found in the most unlikely of places.
Simple lang ang kwento nito tungkol sa perslab. Tatlong bata nga lang ang main characters. Simple pero cute at makatotohanan. Sa mga dialog ng tatlong bata, para bang nasariwa sa alaala ko nung bata pa ako at unang makipag-usap sa batang babae na type ko. Puppy love nga naman! Marami na ring nalikom na awards itong short film na ito nung nakaraang taon. Etong taon na ito, nominated siya sa best short film category sa Oscar Awards.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home