mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, February 14, 2005

"Ang tagalog mo naman!"

I've recently joined an eGroup of kabalens (kababayans from Pampanga). One of the members noted that in elementary and high schools in Pampanga, most students choose to speak in Tagalog instead of Kapampangan. He asked a couple of students if they understand kapampangan. Oo daw sabi nila. So he blurted: "taksyapo yo, biasa ko palang kapampangan, taga-tagalog ko pa!". And the students just smiled back.

Pansin niya ang malaking pagbabago sa loob ng 30 taon nung kami ay mga istudyante pa. Nung time namin, kailangan pa kaming pilitin ng mga maestro/maestra namin para mag Tagalog o Inglis. Usually, may multa kapag narinig kang nagka-Kapampangan.

Panahon ngayon, iba na. Tagalog or Taglish ang in sa mga kabataan. Bibihira na ang nagka-Kapampangan. Bakit nga ba? May nagsabi na dahil marami nang mga dayo (Tagalogs, Bisayans, Ilocanos, etc.) ang nag-settle sa Pampanga. Isa pang dahilan ang mga maid at yaya ay hindi marunong mag-kapampangan. Maaari ding dahil sa mass media. Puro Tagalog kasi ang mga news at TV shows. Siguro dahil din sa likas na mas madali ang Tagalog matutunan kaysa sa Kapampangan.

Ano't ano pa man, sana hindi natin makalimutan ang ating tunay na first language. Ito man ay Kapampangan, Bicol, Bisaya, etc. I’m not against Tagalog being taught in schools. We still need a common language for all Pinoys. But I do hope the same initiatives be taken to teach and encourage the regional language, culture, arts and literature in schools. We Filipinos are lucky to have very rich diversified regional cultures. Each one enriches and complements the other. Let us celebrate our Crisostomo Sottos, just as we do our Francisco Baltazars and Lope K.Santoses.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker