"Ting" - Having fun in the 70s and 80s
Mag-"Ting" and tawag namin sa mag-laro ng arcade games. Yun kasi ang tunog kapag binabaril mo ang mga aliens - "ting...ting...". Piso lang ang bayad noon per game. Si JunS ang pinakamagaling sa amin. Ako, pangalawa lang at nag-uunahan sa pagka-kulelat si Rodel at Cune. Ten pesos lang noon pwede ka nang makapag-laro magdamag lalo na kung magaling ka. Natigil lang kami sa mga Arcade Games nung ipagbawal na ni Makoy. Kasi raw nakakasira ng pag-aaral ng mga kabataan. Siya nga naman, very addictive na bisyo kasi. Kaya ayon, nag-iba kami ng bisyo, toma at panonood ng X-rated sa betamax. But that's a story for another time.
Buti nga ngayon meron ng PS2, XBox at PC. You can play as long as you want. Pero bakit ganoon ano? Iba ang excitement noon. Iba ang excitement kapag naghuhulog ka ng piso and you’re able to play hours and hours of fun. May sense of satisfaction ka kasi you’re not only defeating alien invaders on the screen, but in fact naiisahan mo rin yung may ari ng arcade. You get to use their machines for just a few pesos.
1 Comments:
Wala bang version ng Prince of Persia na sinabi mo sa PC? Wala kasi kaming GC, PS2, XB.
By Ka Uro, at 12:27 PM, January 18, 2005
Post a Comment
<< Home