mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, January 12, 2005

Ay bastos!

Photo of Lake Pupuke, which is just 15 minutes from our place. Maraming puke trout at fresh water fish doon.

Natatawa lahat ng mga kababayan natin na nagpupunta dito sa NZ kapag nababasa nila ang mga pangalan ng mga kalye at mga lugar dito. A lot of places and streets are named after Maori names. The funny thing is that a lot of Maori names contain the syllables "titi", "puta" and "puke" in them. Bastos ano?

Nung bago pa lang kami dito sa Auckland at naghahanap ng bahay na matitirhan, we had to eliminate some of the available houses from our list, kasi bastos ang mga address e. Imagine, paano mo sasabihin sa mga relatives mo sa Pinas na nakatira ka sa "Titirangi", o kaya "Pukekohe"? Address pa lang, hindi na kaiga-igaya pakinggan, di ba? "Pasyal naman kayo sa Auckland, sa amin sa Ka Puta Ka". Ano? Baka sampal pa ang abutin mo.

Eto pa ang ibang examples ng mga pangalan ng mga lugar dito:

Titirangi, Pukekohe, Te Puke, Pukeko, Pukerangi, Te Ana Puta, Te Ana Titi, Titikaka, Puki Ariki, Ka Puta Ka. Ano kaya meron sa Te Puke? O, e anong iniisip ninyo?

Nag-search nga ako sa Google, meron din palang lugar dito na and pangalan ay "Puketiti". Mapasyalan nga. Ano kaya itsura ng mga tao doon, I wonder.

2 Comments:

  • ay! naaliw naman ako sa pangalan ng mga lugar na yan! mabisita nga pagpunta ko dyan! hihi!

    By Anonymous Anonymous, at 11:51 PM, April 02, 2005  

  • ahihihi i wont live here--> Pukeko
    pag tinanong ba naman na san ka nakatira?
    argh!

    By Anonymous Anonymous, at 10:42 AM, May 25, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker