mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, December 06, 2004

Kaliwa ba o kanan?



Still on journeys, but of the literal kind. When one moves to live in another country, one of the first things he/she needs to adjust on is driving. Different countries have different traffic and road rules. Sa atin basta alam mong paandarin ang sasakyan mo pwede ka nang mag-drive sa lansangan. You don't really have to be conscious of the traffic rules. Pwera na lang kung may lispu sa tabi. Here in NZ, people drive on the left side of the road unlike in the Philippines where "keep right" is the rule. Medyo nakakapanibago nga sa umpisa.

I noticed people in NZ also adopt this "keep left" rule even when walking. Sa mga sidewalk mapapansin mo ang mga Asyano, lalo na kung baguhan sa NZ kasi madalas nasa kanan sila at sinasalubong ang mga tao. Ako nga mas madali akong nakapag-adjust sa "keep left" rule sa driving, pero sa paglalakad madalas pa rin akong gumagawi sa kanan. What's funny is sometimes yung kasalubong mo 100 meters away pa at nagkatitigan na kayo pero hindi rin niya alam kung sa kaliwa o sa kanan siya pupwesto. Para ba kayong nag-papatintero. Punta siya sa kanan, punta ka rin sa kanan. Kaliwa siya, kaliwa ka rin. Eventually you both end up face to face. In those cases, I just stand still and let him/her pass by. Pero naisip ko paano kung mag-stand still din siya? If that happens, I might just tell him/her: Sayaw tayo? (May I have this dance?)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker