mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Wednesday, January 05, 2005

Seize Each Day and Cherish Them Dearly

Bagong taon na. Isang taon na naman ang nakalipas. Hay naku, ang bilis talaga ng panahon. Year of the rooster pala ngayon. Sigurado matutuwa ang biyenan kong sabungero. Suswertihin siya tiyak this year.

Parang kailan lang. Bago mag 2000, pinoproblema pa natin ang millennium bug. Ngayon pag sinabi mong millennium, obsolete na. 1990's, what are my memories of the 90's? 1990 nung ipinanganak ang one and only daughter namin. Now she's already 14. She was born on the day Sadam invaded Kuwait - the start of the first Gulf War. It was also the year when Pinatubo erupted. Then the subsequent years of lahar mayhem in Pampanga, which I felt personally, being from that province. Ano ba ang uso during the 90s? I think hit na hit ang Spice Girls noon. May Spice Girls video pa nga yata kami ng concert nila. (Sa anak ko yon, no, hindi sa akin, feeling defensive).

Kamtotinkopit, parang mas madali ko pang gunitain ang mga memories during the 70s and 80s. Nahihirapan akong i-recall ang 90's. What's alarming is that I find it harder to recall anything from 2000 to 2004! Ang hirap talaga ng tumatanda, no? The years just seem to get shorter as one gets older. Kaya dapat mag-enjoy na lang tayo ngayon. Another quote from another favorite movie of mine, Dead Poet's Society -"Carpe Diem - Seize the Day!" sums it all.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker