mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, January 24, 2005

Miss ko e!

Walang bangus, tilapia at galunggong dito. Miss ko na nga ang mga isdang ito e. May nabibiling tuyo sa mga Asian shops. Problema lang ang pagluluto kasi umaamoy sa buong neighborhood.

Miss ko rin dito ang ating mga tropical fruits. Maraming ibang fruits tulad ng kiwi fruit, fejoa, cherimoya, mansanas pero walang lansones, rambutan, atis, caimito, chiko at green and yellow manggoes. Indian manggo variety lang ang mabibili dito.

Miss ko rin ang Philips at Swifts hotdog. Hindi type ng panlasang Pinoy ang sausages nila dito.

Masarap ang NZ ice cream, pero wala pa rin tatalo sa ating ube, manggo, makapuno, queso flavor ice cream.

Meron namang balut at penoy dito. Ginto nga lang. $1 (40 pesos!) isang balut. Ang itlog ng pugo nakalata na. Meron fresh pero bihira at napakamahal.

Meron din namang mga murang pagkain dito. Ang isang ulo ng baboy, $3 lang. Dati nga 50 cents lang. Tamang-tamang ilitson o kaya gawing sisig. Mura din ang mga buto-butong pang-bulalo, atay ng baboy, chicken skin. Halos ipamigay na lang. Sa pet food section mo nga lang hahanapin sa supermarket. Wala kang mabibiling dugo ng baboy (pang dinuguan) sa supermarket. Siyanga pala, walang mga palengkeng tulad sa atin dito. Kaya lahat, mostly sa supermarket mo bibilhin.

Meron ding mga pagkain na literally pupulutin mo na lang, if you know where to pick them. Tulad ng talaba (oysters), tahong, at iba pang shell fish. At kung mahilig kang mag-fishing, wala rin bayad ang isdang iyong mahuli.

Isang bagay ang hindi ko miss -- ang San Miguel beer. Marami kasing klase ng beer dito. Ang white at red wines masasarap din. O cheers, na lang tayo! Para sa ating bayan, kampai!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker