mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Tuesday, February 01, 2005

AH, IS THIS NOT HAPPINESS!

Chin Shengt'an was a 17th century playwright who once found himself stranded with a friend in a temple for ten days because of a rainstorm. While thus secluded, the pair compiled a list of the truly happy moments in life.

I’ve decided to write some of my happiest moments. Here are a few:

1. Hinatid ko si Jean sa istasyon ng bus papuntang Bataan. Dapat sa istasyon lang pero ang nangyari sumama na rin ako papuntang Bataan. On the way, nakatulog siya at sinandal niya sa aking balikat ang kanyang ulo. Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang pisngi para makatulog siya nang maayos. Heaven talaga kapag mag-syota pa lang kayo. Ah is this not happiness!

2. Palakad ako papunta sa abangan ng mga UP Campus jeep sa Philcoa. Sinusundan ko itong napaka-seksing chicks. Ganda niya talaga. Once in a while, lumilingon siya sa akin. Nung nasa hintayan na kami, huminto ako sa paglalakad. Huminto din siya, about 5 meters apart ang layo namin. Tumingin siya sa akin. Napa-ngiti siya, napa-ngiti din ako. Gusto ko siyang lapitan, pero di ko alam sasabihin ko. After awhile, nagulat ako nung siya ang lumapit at magpakilala. Hiningi ko phone niya, pero wala siyang phone kaya phone ko ang binigay ko. Sumakay siya ng Fairview jeep, ako UP Campus. Yun ang una’t huli naming pag-kita. Yun din ang first time na may lumapit sa aking chicks na total strangers. Very exciting pala. Ah is this not happiness!

3. I remember walking along this old railroad bridge in the middle of a sugar cane field near Basa Air Base, Pampanga with some friends. We helped ourselves to some of the sugar cane. Then we sat on the bridge to chew on the canes. It was a clear, sunny and the breeze was cool. Ah is this not happiness!

4. Benj and I decided to go for a swim to Palakol, a favorite dipping spot in FloridaBlanca. Nag-bike lang kami. Rough road, ma-alikabok ang papunta doon, at mainit ang araw. But once, we reached the spot and plunged into the water. Ah, very refreshing. Ah is this not happiness!

5. First time I saw Disneyland - "happiest place in the world" was in Tokyo. I was with Andy and Danny. Todo-todo and saya maski na hindi namin naintindihan ang mga commentary kasi Hapon and salita. Tuwang-tuwa kami parang mga bata. I was in my mid-30s then. Ah is this not happiness!

6. After our daughter was born and I heard her cry for the first time, was the time I really realized I was indeed a Dad. It was a joyous occassion; I was teary eyed of happiness. Ah is this not happiness!

1 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker