Dear Kuya Eddie, may bumabagabag sa akin...
Like most interactive human activities, the blogging experience can be different depending on one’s marital status. Kung single ka, blogging is not an issue. Kung married ka naman, at pareho kayong into blogging, mas maganda kasi it becomes another form of intercourse, este, communication. Kaya nga kakainggit ang mga couples na Pinoy bloggers na tulad ni Batjay at Jet at ni GeeJay at Raquel, sarap ng
My problem is that I’m into blogging, but my wife isn't. Eto kasi ang bumabagabag sa akin lately. Everytime I read someone else’s blog, pakiramdam ko, I'm doing something indiscrete. Everytime I post a comment on someone else's blog or when someone posts one on mine, there is a slight feeling of guilt inside of me. Yun bang pakiramdam mo, kahit wala naman masama sa ginagawa mo, dahil hindi ito alam ng asawa mo, may mali pa rin. Naguguluhan nga tuloy and isip ko kung dapat ko bang ituloy itong pag-ba-blog. Baguhan lang naman ako, yung mga datihan na sa blogging may ma-i-a-advise ba kayo sa akin? Interesado rin akong malaman kung merong mga mag-asawa ang nagkaroon ng marital problems dahil sa blogging. Bagay na ayokong mangyari sa akin, kung hindi'y tunay na napakasakit, Kuya Eddie.
13 Comments:
Aba, na-mention kami ni Raquel. ;) Well, sa case ko, hindi rin naman mahilig si Raquel sa blog para simulan. Pero talagang nagpursige akong mahiligan nya yung pagba-blog. Binibigyan ko sya ng mga ideas tungkol sa kung ano ang pwede nya isulat sa blog. Iniinggit ko sya sa pwede kong magawa sa pagba-blog. Nung huli, nagba-blog na rin sya. :D Kaso, writer talaga si Raquel noong nasa Uni pa kami so kailangan ko lang talaga syang i-convince na magsulat online for everybody to read. :)
Yun yung ginawa ko. Di ko lang alam kung mako-convince mo wife mo na magsulat online sa pamamagitan ng pang-iinggit pero pwede mo syang bigyan ng ideas tungkol sa kung ano pwede nya isulat. Dapat something na hilig nya. Gudlak.
By Gabeprime, at 3:58 PM, March 04, 2005
GJ, thanks sa payo. Pero malabong magsulat si misis ng blog. email nga ayaw e, ako pa ang pasusulatin niya ng email kung may gusto siyang sulatan (which is madalang pa sa patak ng ulan). And she has no desire to sit in front of a PC at all.
Anyway, I try to make her read my posts, at least. Nagugustuhan naman niya and mga sinusulat ko. But this post, I might not show to her.
By Ka Uro, at 4:06 PM, March 04, 2005
Yes indeed, he twisted my arm into doing it! I swear, it wasn't my fault! ;)
Seriously though, I'm not really into blogging before. Matagal-tagal ding nagblo-blog si Gj mag-isa sa sarili nyang site before I got into it - tamad kasi ako. I only got into it when I realised I need to practice writing in English to train myself to think in English (para di ako nauutal pag biglang may kumausap sa akin dahil nagtra-translate pa ako sa ulo ko).
Perhaps that could be an incentive for your wife too? If not, I think telling her what you have blogged about and the comments you got might get her to get into it. Kung hindi pa rin, at least alam nya kung anong mga sinusulat mo para walang away at di ka feeling guilty.
Good luck!
By Raquel, at 4:09 PM, March 04, 2005
guni guni mo lang yon ka uro. sa tingin ko eh nag eenjoy ka lang ng husto sa pag blog kaya may guilty feelings ka dahil di kasali sa iyong enjoyment ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay mo.
dalawa lang naman pwedeng mangyari: una, get her to join kahit sa pagbasa lang ng mga sites. ikalawa, pabayaan mo na lang. minsan naman talaga, may pagkakataon na di pareho ang frequency ninyo sa mga activities.
By batjay, at 6:30 PM, March 04, 2005
Hello Ka Uro. Nabasa ko lang yung comment nyo sa kwentongtambay kaya napasyal ako dito.
Siguro, if something is going to make you feel guilty about blogging and bloghopping, it's the time you spend in front of your computer doing something by yourself when you could perhaps be spending it conversing with your wife or cuddling up with her. But it't not really something you should be guilty about. Minsan, ok din naman na magkaiba kayo ng activities cause there will be more things to share with each other.
Minsan din naman, it will take time for couples to get into each other's interests. Ako dati, pag sa music, jazz lang talaga ang gusto ko. Pero dahil kay Batjay, I've come to like rock, specially yung old school or classic. Sa blogging din, nauna si Batjay maging blogger at kahit nung umpisa parang di ko siya masyadong feel. Napaka-sporadic ko magblog. Pero ngayon, it has become a big part of our lives especially because we've come to know so many friends through it. Malay natin, sa konting tiyaga, ma-engganyo din si misis.
All the best Ka Uro! :)
By Jet, at 8:16 PM, March 04, 2005
Batjay at Jet, thank you for all the words of wisdom. it really helps me feel better. bayaan niyo susundin ko ang mga payo niyo. tama kayo na okay din na magkaiba kayo ng interests and hobbies, as long as you still find time for each other. etong blogging hindi naman nakakabawas ng oras ko sa misis ko kasi mostly sa opis ako nagsusulat kapag di busy, (which is madalas. hindi naman siguro mababasa ng boss ko ito. hehe).
By Ka Uro, at 8:30 PM, March 04, 2005
Greetings From Mars...I second your view on the matters of blogging. In fact, it becomes the purest form of free speech among all media form nowadays. More Power.
By yusop, at 9:13 PM, March 04, 2005
I'm not sure if I've enjoyed the sexual experience you've provided for me today. I don't know if I am comfortable with having a one blog stand. And I am disturbed that my first literexual experience came at the keystrokes of another dude. Oh sure, I'm confident in my masculinity...but am I confident in my mascubloggity?
By red5cmb, at 9:21 PM, March 04, 2005
Major, reporting for duty sir. Thanks for dropping by. You're cool.
By Ka Uro, at 9:57 PM, March 04, 2005
Master Bob, you're definitely the master of concocting new words and phrases. haha. i like that, thanks.
By Ka Uro, at 10:02 PM, March 04, 2005
wow i agree ka uro,anywey ang kumander ko naman,nalulunod na kay orlando bloom yun legolas sa lotr trilogy...madalas sya mag basa ng mga forums tungkol dun.member pa sya ng ilang slash sites...ok lng naman saken,dahil ako rin naman nektus adiktus (yan ang tawag saken ng unico iho ko)...gusto kong mag blog,pero di ko alam kung ano lalagay ko.marami akong sikreto sa katawan...kung mag-bloblog man ako,hinde ko rin masasabi lahat...ay ewan. si kumander man gusto mag-blog pero bz sya sa werk,sya kasi ang inaasahan ng erpat nya.kaya basa na lng ng forums.yun sa mindsay ko test blog pa lang yun,photoblog nga lang ang inaatupag ko...at least hinde ka na masyado mag-iisip ng sasabihin(pix tells a thousand werds kung baga)hihhihih...pero iba pa rin pagna-sha-share mo yun experiences mo sa buhay,tulad nyo at kiwipinay...et al...ka uro keep it up! tnx sa link...lilipat din ako sa blogger pag dating ng tamang panahon...ayos!
By Anonymous, at 9:50 PM, March 07, 2005
Jolengs, okay nga ang photos mo. They're different in that they can elicit some kind of emotion. Ang ayoko lang yung nasa blog mo, it's quite depressing for a front page, don't you think?
By Ka Uro, at 10:00 PM, March 07, 2005
maybe you consider blogging as intellectual masturbation since you are doing this alone.
pero kung wala namang problema ke ka jean(para bagay sa ka uro) na mag blog kayo eh wala naman sigurong magiging problema.
galing siguro ang guilt feelings from the fact that you are sharing your thoughts to your readers.e di po ba ang thoughts natin eh one of the most intimate thing....kaya when you post an entry,and we read them,me intimacy...ano nga yong sinabi ko ulit?(went running to read freuds book)
By Anonymous, at 5:48 PM, May 25, 2005
Post a Comment
<< Home