mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Monday, February 28, 2005

Finding pleasure from everyday tasks

Nabasa ko ang recent post ni KiwiPinay at isa sa mga hinaing na nabanggit niya ay ang paglalaba. Particularly, ang pagsampay ng labada. Ang problema kasi dito sa Auckland, madalas very erratic ang weather. Minsan maganda ang sikat ng araw, after a few minutes bigla biglang umuulan. One time nga may bibilhin lang ako sa supermarket at dahil maiinit at maaraw iniwan kong quarter-open ang mga bintana ng sasakyan. Paglabas ko sa supermarket, wala pang 15 minutes, umulan pala at ayun, basa ang loob ng sasakyan.

Pero, mabalik ako sa pagsasampay ng labada. Kaya ko ito na bring up kasi naalala ko nung kami ay natira pa sa Glendale, California. Doon hindi uso ang magsampay ng labada. Karamihan doon gumagamit ng dryer. Pagkatapos i-washing machine ang damit, diretcho na sa dryer. Pagkatapos i-dryer sabay tupi na. Yun ang regular routine namin kada weekend. Minsan nagsampay ng basang damit si Jean sa harapan ng apartment namin, pinagbawalan ba naman siya ng landlord. Bawal daw at nakakade-value ng apartment!

Kaya nga nung bago kami dito sa NZ, coming from the States where we were spoiled using a dryer to dry clothes, at first, I found hanging clothes to dry in the open as a waste of time. But then after a few times doing it, something wonderful happened. Believe it or not, I really found the task therapeutic and relaxing! Imagine you’re outside in the sun, tapos medyo malamig ang simoy ng hangin, all around you is green grass with native flowers, orchids and ferns, and you here the sounds of birds singing and see butterflies floating around you, di ba nakaka-relax?

When I find some mundane chores to be trivial or hard-work, I turn it to something extra-ordinary. I guess that’s my secret in life in general. Kaya nga ngayon, kahit na may dryer na kami, ginagamit pa rin namin ang sampayan. Tipid pa sa kuryente.

This is just one example of a lifestyle change I’ve been talking about dito sa NZ. Kung minsan kasi nasasanay tayo sa madaling pamamaraan. Lahat gusto natin madali, walang pagod. However, if we learn to look at anything we do in a positive way, then, we’ll enjoy doing the job better. And when we enjoy life, di agad tatanda ang mukha natin, di ba?

4 Comments:

  • Ka Uro, marami kasing nagsasabi, nakakasira raw po ng damit ang paggamit ng dryer. tsaka ngayon po kasi, wala namang dryer ang tinitirhan kong flat. dati po, yung flat na una kong tinuluyan, ok lang sa kanila na gumamit ng dryer. then yung huling flat na pinanggalingan ko, may dryer nga sya, kaso nakikita ko naman po sa may ari ng bahay na di nya ginagamit. kahit ulanin at arawin ang mga sinampay nya pero di sya gumagamit ng dryer. nagtitipid nga rin po siguro ng kuryente. kaya pati ako, di ko na rin ginagamit ang dryer nya. ngayon naman po, eto't nag-uumpisa na namang mag-uulan. hide and seek na naman po mga labada ko pag nagkataon. ehehehe...

    maganda daw po sa north shore. malapit lang po ako sa mt. wellington. sayang at di tayo nagkakilala bago kayo nalipat. pero yung friend ko po, minsan sinusundo nya ako at doon ako natulog sa kanila sa takapuna. malapit po ba kayo dun? marami raw pong pinoy sa glenfield. :)

    By Blogger Kiwipinay, at 9:47 PM, February 28, 2005  

  • Kiwipinay, ang payo ko sa yo kung nag-uulan at hindi matuyo ang labada mo, ipa-dryer mo sa Laudromat. Mura lang naman.

    Oo, maganda nga dito sa Nshore. Malapit din kami sa Takapuna. Marami ngang Pinoy dito sa Glenfield. Pero sabi nila isnabero daw ang mga taga northshore. Pansin ko nga.

    By Blogger Ka Uro, at 10:43 PM, February 28, 2005  

  • naku! bakit nyo naman po nasabi yun? ang tinutukoy nyo po ba ay mga pinoy na nasa north shore or as a whole na mga nakatira sa north shore ang mga isnabero?

    dalawang pamilya lang po ang kilala ko sa north shore. yung nasa takapuna at nasa glenfield. pero kung mababasa nyo po ang mga dati kong posts, sadyang allergic ako sa mga pinoy dito sa nz. ahaahahayyy! phobia ba. hahahaha!!!

    By Blogger Kiwipinay, at 11:02 PM, March 04, 2005  

  • he he...bakit nga ba snabero at snabera ang ibang pinoy sa nz, hindi lang cguro taga northshore!Pansin ko lang... kahit sa bus, para bang kunyari chinesse sila he he....

    By Anonymous Anonymous, at 10:52 AM, December 11, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker