mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, May 13, 2005

My mind is in a quandary. Have I betrayed my country?

We’re all familiar with the cliché: “there’s no place like home”. And I mean home being our country the Philippines. Sabi nila kahit saan ka pang parte ng mundo magpunta, nanaisin mo pa rin ang bumalik sa atin. May mga former classmates nga ako na ngayon ay nasa overseas. Sabi nila, plano pa rin daw nila ang magretiro sa Pilipinas.

Eto ang bumabagabag sa akin. Bakit ako di ko nararamdaman ang nararamdaman nila -- the longing to come back to our country? If ever, ang gusto ko lang ay ang magbakasyon sa atin ng ilang linggo. Pero ang mag-retire doon? Takot na ako. I doubt if I’ld be able to cope up anymore.

Ayoko nang balikan pa ang mga walang katapusang problema sa atin. Ang corruption, pollution, kanya-kanyang racket, ekonomiyang bangkarote, walang asensong pamumuhay, ang kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko ngayon tinalikuran ko na ang ating bayan.

Para bang ang tingin ko sa Pilipinas ay isang malaking barko. Lahat ginagawa nito para manatiling nakalutang sa dagat. Pero dahil marami na itong butas at kalawang na nakakasira kaya unti-unti itong lumulubog. Kung hindi tatapalan ang mga butas at gagamutin ang kalawang, darating ang araw tuluyan na itong lulubog.

Pakiramdam ko isa ako sa mga nag-jump ship at ngayon ay nagpapakasasa na sa isang island paradise. At ngayon hindi ko lang hinihikayat na mag-jump ship ang iba, kung di tinutulungan ko pa.

Traydor ba ako sa ating bayan? Makasarili ba ako to think of my own welfare? Will going back on board the ship help in any way? What can people like me do to help keep this sinking ship afloat?

Bayan ko, naguguluhan ako. Kung luxury cruise liner ka lang hindi na ko magdadalawang isip pang balikan ka. But even an antiquated wooden ship pwede na sana. All I ask for are signs of stability that you’ll not gonna sink. Ayokong malunod, masakit yon.

22 Comments:

  • oo nga no. patay na nga pala kapag nalunod ka.

    pasensiya na kung naging depressing ang mood ng post ko. just trying to be honest to my feelings. a bit of guilty feeling for living a life more comfortable than most of our countrymen.

    By Blogger Ka Uro, at 2:08 PM, May 13, 2005  

  • mas marami pa tayong maitutulong kung wala tayo dun.

    By Blogger Tanggero, at 2:55 PM, May 13, 2005  

  • kung sabagay nga mr. tanggers. sabi rin nga ng isang kaibigan ko dito, masyadong daw maraming skilled workers sa atin, kaya dapat yung iba umalis. dahil kung hindi yung mga bagong gradweyt walang magiging trabaho.

    By Blogger Ka Uro, at 3:16 PM, May 13, 2005  

  • Ka Uro, Iba ang buhay sa States, masyadong mabilis. Gustong mag-retire ng mga repapips mo sa Pinas dahil nangangarap sila ng relaxed na buhay. Nasa 'yo na yon.

    By Blogger jinkee, at 3:56 PM, May 13, 2005  

  • Ma-guilty kayo kung isa kayo sa nagnanakaw o nagpapasasa sa pawis ng mga kababayan natin. Pinaghirapan naman ninyo ang pamumuhay niyo ngayon, sumugal din kayo tulad ng maraming nasa ibang bansa na nakatira. Hindi din madali ang pinagdaanan ninyo, so walang dahilan na ma-guilty. Wala namang may gustong mag-uproot at tumira sa dayuhang lugar kung mas marami lang oportunidad sa atin. Kaya lang kakaunti na nga ang oportunidad, marami pang buwayang mapagsamantala.

    By Blogger Sassafras, at 4:18 PM, May 13, 2005  

  • sass, mukhang gigil na gigil ka ha? cool ka lang. yung high blood baka tumaas. ha ha :-)

    By Blogger Ka Uro, at 5:22 PM, May 13, 2005  

  • ka uro, agree ako sa mga sinasabi nila. di ka dapat ma-guilty. you did the right thing. ang dapat ma-guilty yung mga walang sawa sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. nagkaroon na ng edsa 1 at 2. ano ang napala? pinalitan ang isang magnanakaw ng ibang magnanakaw. may nagbago ba? wala. lalo pang sumama. lalo pang mas garapal ang pagnanakaw. kaya palubog ng palubog ang bayan. malaki nga ang tulong mo sa bayan sa iyong pagtutulong sa mga kababayan makapunta dyan sa nz. keep up the good work. tulungan mo kami makaalis na dito sa impyernong bayan na ito.

    By Anonymous Anonymous, at 11:58 PM, May 13, 2005  

  • bagong salta lang po sa blogworld, kita ko kayo kay kiwip. hindi ka dapat ma-guilty Ka Uro, ginawa mo lang ang dapat para sa ikabubuti nang pamilya mo parang magulang ko. ako ay 31 yrs na sa states, bata pa nang dumating dito, pero nangangarap pa rin na manirahan sa pinas. mahirap din yung dinanas naming mga kabataang pinoy noon na kaunti pa lahi natin dito. i think pangarap na lang ang pinas dahil kamuka nga nang sabi mo parang wala nang pag-asa sa atin. nakakapanghinayang lang na ang galing at talino nang mga pinoy/pinay ay pinakikinabangan nang iba't ibang bansa sa buong mundo imbis na para sa sariling atin. na-aawa ako sa mga naiiwan pa. hindi ko rin alam kung paano makakatulong na hindi panagpi ba lamang nang butas. mabuti ka pa at nakakatulong ka na makarating sa nz ang mga kabayan natin at hindi ka suplado, o mataas ang lipad at mapag-isa. pareng banjan hindi impyerno ang bayan natin, may mga ilang dimonyo lang. magtulungan na lang tayo na magbigay nang pag-asa sa isa't isa.

    Ka Uro nabasa ko rin pa la yung milagrong dinanas nyo nang Mrs. mo nung bagong salta kayo dyan sa nz. salamat pala.

    By Anonymous Anonymous, at 3:00 AM, May 14, 2005  

  • the people you're helping represents your bayan... actually you are helping your bayan kasi more workers abroad brings home dollars... yun nga lang ikaw ayaw mo na bumalik but i think like Allan said, no reason to be guilty

    By Blogger bing, at 11:07 AM, May 14, 2005  

  • OO hindi impiyerno ang Pinas ngunit sa dami ng dimonyo dito nagmimistulang impiyerno ito lalo na dun sa mga pobre nating kababayan na mistulang pipi sa bingi nating gobyerno...sila ang higit na kawawa...PINABABAYAAN tayong mga Pinoy sa Pinas ng gobyerno....Saludo lang naman talaga ako sa attitude ng Pinoy, masayahin kahit problemado na nakangiti pa rin..... Kaya Ka Uro, wala kang dapat ika-guilty maganda naman ang layunin mo ang tumulong sa ikabubuti ng kapwa Pinoy... mabuhay ka!

    By Anonymous Anonymous, at 11:36 AM, May 14, 2005  

  • Ka Urs, napakaganda ng iyong ibinigay na simbolismo... pati ako nakapag isip... tila mahirap... minsan lang nagiisip eh... he... he... he...

    But seriously, given your analogy of a ship. Unang tanong ay ano bang klaseng ship ito? Eh parang pirate ship na ang Pinas na doon pa lang sa bapor eh baka mahold-up ka or ma-dedo ka na... Sa aking pag mumuni-muni... para ngang marami sa atin ang mas-nagnanais na lumangoy (at posibleng malunod)sa maalon at mapanganib na karagatan sa paghahanap ng paraiso, kaysa sa abutan ka ng paglubog ng barkong Pinas.

    Ang pag jump ship na sinasabi mo ay isang means of salvation and self-preservation. This is not treachery my friend, but human nature...

    Alam mo Ka Urs, I can really relate to how you are feeling... Tingnan mo na lang ang mga mata ng iyong anak... alam mo na ang ibig kong sabihin...

    By Anonymous Anonymous, at 12:24 PM, May 14, 2005  

  • tama kayo. mali yung term na impyerno. dapat iseparate ang pilipinas as a country and the people. kung resources lang at ang common tao lang tignan, this country is great. pero kung tignan mo lang yung gobyerno at yung mga krony na malalaking companya na nagaapi sa ordinaryong mga tao, mapapagkamalang impyerno.

    By Anonymous Anonymous, at 12:40 PM, May 14, 2005  

  • tama nga siguro na kahit nasaan tayong mga pinoy pwede pa rin tayong makatulong sa pamamagitan ng pagtulong sa ating mga kababayan. di naman dapat nasa atin ka para makatulong.

    sa pamamagitan ng pagbabahagi ko ng kaalaman sa pag-migrate sa nz, kahit papaano may naitulong na rin ako. naisip ko, i can go one step further kahit sa maliit na paraan lang. kaya kung wala kayong kamag-anak o kakilalang matutuluyan sa auckland, sige kukupkupin ko muna kayo. wala tayong paguusapan. sana lang na kapag kayo ay naka-settle na dito magkusa rin kayong tumulong sa iba nating kababayan.

    at kapag tumama ako ng lotto mamaya, pati pamasahe nyo sasagutin ko. problema lang di ako bumibili ng lotto. pautang nga.

    By Blogger Ka Uro, at 1:28 PM, May 14, 2005  

  • jinkee, oo nga ano. masarap pa rin ang buhay sa atin dahil mas relaxed.

    banjan, sana magkita-kita tayo pagandito ka na.

    jr, welcome dito sa blogworld. hanga ako sa mga tulad mo na kahit matagal na sa ibang bansa pinoy pa rin. galing mo pang magtagalog ha? salamat sa pagbisita rito.

    alan, sabagay ok pa rin ngang mag-retiro sa atin. kaya lang kapag may pinag-aaral ka pa, medyo mahirap pa. malay mo baka doon din ako mag-retire di ba?

    bing, that's very true the people are the bayan. any help to a kababayan will ripple through to other kababayans at home.

    anony, ako rin saludo sa mga pinoy. very masayahin at palabiro.

    deacon, mahilig ka rin mag-muni-muni ano? lalim ng kahulugan ng ending mo. gusto ko yung mga post mo sa backpack-nz.

    By Blogger Ka Uro, at 7:48 PM, May 14, 2005  

  • This comment has been removed by a blog administrator.

    By Blogger Teacher Sol, at 6:13 PM, May 15, 2005  

  • pahabol na komentaryo:

    interesting ito... nasabi ko nga sa isa sa mga entries ko sa aking DIGITAL BOOK:

    "I used to disapprove of Filipinos going abroad to work. Why couldn’t they stay and help uplift the condition in the country? Why couldn’t they give up the Scent of Apples and the Great American Dream of leaving the country and becoming American citizens? I guess I was too young to understand why this was happening to my country and my countrymen who I learned to love very deeply."...

    "I was dreaming the Filipino dream one time. I wanted a school which would cater to all the needs of my Filipino students. I founded FUNSHINE special education center in Fairview QC, and it later branched out to FUNSHINE preschool in Lagro QC. I was making a difference in the lives of the Filipino special children. But I was never a business tycoon. I have always been a passionate teacher. And I had to help myself too, for me to be able to help these children. Now, I am one of the Filipinos with the Great American Dream. I am one of the Filipinos who set out on their journey to foreign lands to fulfill their dreams. I am one of the Filipinos who have the aspiration of coming to America and earn dollars to realize the Great American Dream. I am one of the Filipinos coming to the United States to uplift their social and financial condition and to help those whom they would leave behind in their own country."...

    di naman tayo masisisi dyan eh. Kahit sino na nasa Pinas ngayon, given the opportunity, mangingibangbansa talaga. Ka Uro, think of it this way, tama sila, you can better help our country and our family when we're here.

    By Blogger Teacher Sol, at 6:15 PM, May 15, 2005  

  • mam sol,
    ganda ng comments mo. now i realised na tama din ang sabi ni alan that our country has also done wrong to us. at first i didn't want to admit that. ngayong nakilala kita narealise ko siguro nga tama siya. because if only we had opportunities back in our country, we probably would have stayed. but some of us ran out of options. i now know that if i stayed home, i'ld just be wasting my life. if i can't even provide for my family, how could i help others?

    By Blogger Ka Uro, at 10:55 PM, May 15, 2005  

  • Hindi ka dapat maguilty if you left your country for good. Parang sa trabaho din yan, kung di ka masaya, then may option kang to stay pero tiisin mo ang situation mo o lumipat ka para maiba ang kalagayan mo at umasenso ka. In your case, you have opted to leave behind the past but to search for a better future. Hindi nila kayang baguhin o ituwid ang bansa so ikaw na lang ang gumawa ng paraan para ituwid ang sarili mo. Kasalanan ba yon? Matuwa nga sila at may Pilipinong katulad mong may maganda at mabuting ambition sa buhay.

    Mystica

    By Anonymous Anonymous, at 5:44 PM, May 16, 2005  

  • mystica, thanks for the comment. sabagay nga anong magagawa natin? we just want what's good for our family first. simple lang naman ang gusto natin sa buhay. ang mapatapos ang mga anak natin, magkaroon ng sariling tirahan, matahimik na pamumuhay at seguridad sa ating pagtanda. unfortunately, it's hard to find those at home.

    By Blogger Ka Uro, at 6:10 PM, May 16, 2005  

  • i can understand what u feel. pero pinupunan mo lang ang 4 basic human needs(food, shelter, clothing & love), all of w/c u found there in new zealand instead of here in the philippines, so there's no need to be guilty about it. God bless!

    By Blogger nikki, at 9:37 PM, May 25, 2005  

  • i can understand what u feel. pero pinupunan mo lang ang 4 basic human needs(food, shelter, clothing & love), all of w/c u found there in new zealand instead of here in the philippines, so there's no need to be guilty about it. God bless!

    By Blogger nikki, at 9:37 PM, May 25, 2005  

  • KU: Sir, I have been a fan of yours since you started blogging - but as far as I can remember this is my first comment. Why? siguro brief background muna...

    Tulad mo sir, nasa IT rin ako, nga lang I have my own business dito sa Pinas. My wife tried to talk me into migrating into NZ as far back as 2004. It took a while before I even considered looking at a site that describes NZ. But because of her persistence, I started filling out an EOI sa NZIS web site. Pero bago ako sumabak sa isang bagay, pinag-aarlan ko nang mabuti, lalo na at stake e uprooting your family for another country. And one of the sites that I am really immersed is your blog.

    But I decided to shelve our EOI since 2005 because I want to give our government (si GMA) a chance to probably jump-start the dire situation in our beloved Pinas, but to no avail (e.g., 2004 election cheating, fertilizer scam, NBN/ZTE scandal). Until last month, I'm still trying to convince myself that maybe I can still contribute in changing the situation in the Philippines even in a small way through my business. But 2 events re-ignited my interest in NZ -- my last trip to Malaysia and Singapore noong last week of June and my sister in-law's unexpected migration to NZ.

    Ang laki talaga nang impact nung trip ko sa Malaysia because I never expected an almost 1st world infrastructure from a country who, 20 years ago sent many of their students in some of our best academic institutions to study engineering and science courses.

    And one thing that really struck me -- I have not seen a single billboard stating that a certain infrastructure project is sponsored by a governor, their Prime Minister, a mayor, or an MP!! And i came to the conclusion that our neighbor already reached a level of political maturity that in my estimation has left the Philippines behind Malaysia by at most 20-25 years.. Yes, that long, and I am not alone in this estimation of our backwardness -- a friend of mine who works in ADB confided to me early this year na in his estimation, 30 years behind pa nga raw tayo.

    Kaya tama ka nga -- in some way you can't really blame yourself for migrating out of Pinas. Pagod na rin ako sa EDSA -- strike 2 na tayo pero ganun pa rin ang situation. Kaya I have just re-visited my EOI online last night. I will discuss my interest to consider re-applying sa NZIS with my wife over the week-end, I'm sure she will be surprised.

    Sorry po kung napahaba ang kwento.. as I've said, after re-visiting your blog, especially this topic, it really struck me very deep. Wish me luck, sir!!

    By Blogger A Ranting Pinoy, at 3:41 AM, July 29, 2008  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker