mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Friday, May 06, 2005

Calling the Philipines

Ipagpaumanhin sana ni Dusk at hindi ko pa nasusulat ang request niya. Malalim kasi ang tanong niya at English pa. What are the life lessons you know now that you wish you had known 15, 20 years ago? Masyadong makabagbag-damdaming tanong tulad nung mga nakaraan kong posts: “If you can change one thing about your life, what will it be?” at “How could God let this happen?”

So, uunahin ko na muna itong kay Anna at medyo madali-dali. Ano raw ang lowest rates to call the Philippines from NZ.

Maraming mga calling cards ang mabibili sa mga convenience stores. Usually may $10, $20 or $50. Madali naman gamitin ang mga cards na ito. Sa card nakasulat ang number na ida-dial mo at ang PIN number na dapat mong i-key in. Tapos pwede ka nang dumayal sa Pilipinas. You can call from any land line or any public phone.

Nag-search ako sa Google and I found www.callingcards.com where you can search and compare different pre-paid calling cards for the country you’re calling from and calling to. Unfortunately, tatlo lang ang lumitaw sa search. The cheapest one is Global Caller and has a rate of 21 cents per minute in 3 minute increments. Ibig sabihin nito calls less than 3 minutes kahit 10 seconds lang 63 cents (21 x 3) pa rin ang charge. Isa pa, the price is for calls to landline only. Calls to mobile phones are more expensive, pero hindi nakasabi kung by how much.

Kung ayaw mo naman bumili ng pre-paid cards, pwede kang mag sign-up with www.Ztalk.co.nz online. Libre naman ang mag-sign up. Kami, Ztalk ang gamit namin sa bahay to call the Philippines. Their rates are cheaper than Telecom's (PLDT ng NZ). The only thing is that they charge in 15 minute increments but with the first 30 seconds free. Calls to the Philippines cost $4.99 per 15 minutes. If you try to call someone and that person is not around to talk to you (o kaya wrong number), you can hang up within 30 seconds and you won’t be charged for the call. Otherwise, you pay a flat rate of $4.99 per 15 minutes. Para sa amin okay ito kasi conscious ka sa time. Kapag lumampas ka ng 15 minutes, paabutin mo na ng 30 minutes para sulit ang bayad. Mas okay kung may stop-watch ka para ma-monitor mo ang oras. Ang calls nga pala to a mobile phone in the Philippines with Ztalk is 45 cents per minute and does not follow the 15 minute increment rule.

Kung ikaw at ang tatawagan mo ay may PC na may speakers at microphone, at pareho kayong may internet access, i-install mo na lang ang Yahoo Messenger. With that pwede na kayong mag-usap, mag-chat, at pwede niyo pang makita ang isa’t isa using a webcam for free. Just be aware that the quality is not as good as regular phones especially if you’re only using a dial-up connection. (Napuputol paminsan-minsan). Also for those in NZ, depending on your ISP, internet access can be unlimited. You can be connected as long as you want with no extra charge. In the Philippines, however, it may be different where they may be charged on the length of the connection. So hindi pa rin libre para sa kanila. Better to check with them first, kawawa naman sila kung lumaki masyado ang bills nila.

12 Comments:

  • Ka Uro, Yung friend ko na nasa KSA tinawagan ako kahapon sa landline ko. Gamit nya daw nya www.skype.com. Mukhang mas mura yon.

    By Blogger jinkee, at 9:18 PM, May 06, 2005  

  • jhsay, buti binaggit mo ang skype.

    dalawang klase ang skype. yung una PC to PC, parang Yahoo Messenger. kailangan mo ng headsets (or mic and speaker) para makapag-usap kayo. Free ito.

    yung pangalawa, yung tinatawag na SkypeOut, kung PC to phone ang connection. ito may bayad na. ang rates para sa Phil, $.348/min, mas mura pa rin lumilitaw ang Ztalk ($.333 per min). at ang disadvantage nga nito compared sa Ztalk kailangan mo pa ng PC kung ikaw ang tatawag. the voice quality with skype is better though.

    thanks for bring this up.

    By Blogger Ka Uro, at 11:12 PM, May 06, 2005  

  • For more info on skype, go to www.skype.com.

    By Blogger Ka Uro, at 11:13 PM, May 06, 2005  

  • yey na-special mention ako ... :)
    no hurry re article, you just went through your wife's hospitalization and all ... kumusta na ang lab results niya, ano raw diagnosis ?

    actually, favorite ko yung "if you can change one thing about your life ..." naging reminder lang sa akin na greatness is always measured by how much you love & not by anything else. & kahit na hindi makabagbag-damdamin ang ibang article ninyo,i always learn something. if i sound like a shameless fan, that's because i am. :) anyway, God bless and hope your wife is recovering smoothly.

    By Anonymous dusk, at 12:09 AM, May 07, 2005  

  • ka uro,

    hello, its me again! :)
    tanong ko lang, kung sa internet access may unlimited, ang NZ phone service din ba ay pwedeng magtelebabad? gaya ng pinas na flat P700+ monthly, at di tulad ng US na parang metro ng taxi?

    By Anonymous jazzyjayt, at 6:39 AM, May 07, 2005  

  • dusk,
    thanks. hindi pa lumalabas ang lab results. niku-culture pa raw yung specimen ng stool niya, whatever that means.

    jazzyjayt,
    calls to a different (e.g. akl to wlg) are considered toll calls. pero mura lang naman ang bayad.

    local calls (e.g. akl to akl, wlg to wlg) pwede kang mag-telebabad hanggang maging chicharon ang tenga mo. ha ha.

    By Blogger Ka Uro, at 7:11 AM, May 07, 2005  

  • dati, ztalk rin ang gamit ko. pero na-diskubre ko lang last year na mas mura pa rin pala kapag phonecard gamit mo.

    Yung phonecard na gamit ko, yung brand na "Love" $5 for 24 minutes sa landline calls to pinas. yung "Mango" naman, 25minutes although same company sila. They come in $5 and $10 denomination. Wala naman akong nagiging problema so far. kapag hindi na-contact, wala namang nababawas. dial lang ako ulit. pero yung ibang phonecards, nababawasan kahit di pa sumasagot ang tinatawagan mo.

    By Blogger kiwipinay, at 11:05 PM, May 07, 2005  

  • I found this site... http://www.cloncom.com it's much cheaper.

    By Anonymous lucas, at 5:12 AM, July 29, 2005  

  • See international phone card and choose good for Phillipinnes

    By Anonymous Anonymous, at 3:11 AM, October 27, 2005  

  • Actually a much better site that I have found then any of those is Long Distance Post, LLC. They allow you to equally compare all cards they offer. While there are some cards that have 3 minutes billing increments there are plenty others that have 1 min billing increments and no fees of any type.

    This site also offers calling cards with international access numbers so you can use the card anywhere around the world.

    They also have great dial around services that can save you $$$$.
    It costs Peanuts to make a long distance call.

    By Anonymous Anonymous, at 7:24 AM, January 14, 2006  

  • I agree, i have used this long distance post company before and it was the best card i have ever seen.

    By Anonymous Matthew, at 7:26 AM, January 14, 2006  

  • By Anonymous Anonymous, at 4:07 AM, February 02, 2006  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker