Ray and Norman
Subalit para sa dalawa kong kaibigan, back then Punongbayan was least popular. Paano naman kasi, binagsak sila nito pagkatapos makita na may mga sagot sila sa eksam na parehong-pareho. Nahalata tuloy na may cheating na naganap. Masaklap man na ekspiryensa para sa dalawa kong kaibigan, I’m sure my two friends now agree, that Punongbayan was a man of integrity; a man of utmost dedication to his work. A breed of men, almost extinct among government officials in our country today.
Ngayong umaga, natanggap ko ang malungkot na balita na nag-crash ang helikopter na sinasakyan ni Punongbayan sa Nueva Ecija.
Raymundo Punongbayan and eight other persons were on their way back in a helicopter from an aerial assessment of a renewed potential danger of landslides in Dingalan, Aurora, when their time ran out.
Kasama sa mga namatay ay si Dr. Norman Tungol, chief ng Geology Division sa Phivolcs. Isa ding UPian na nakasama-sama ko sa Diliman campus. We were both members of UP Aguman, an organisation of kapampangan speaking UP students. Bata ng dalawang taon sa amin si Norman. I remember him as being one of the more soft-spoken members in our org and yet had great leadership qualities. He was also one of the “aktibistas”, tunay na makabayan sa isip at gawa.
I last met Norman in Auckland some 3 years back. Pabalik na siya sa Pinas after 2 years of post-graduate studies in Christchurch, NZ. Sabi ko nga sa kanya at sa misis niya, bakit di na lang sila mag-apply ng Permant Residency dito. Sabi ni Norman, he had to go back home because he still had contractual obligations to work at Philvocs. But in my mind, I knew that what he really wanted was to first serve our country in his own little way, by sharing with our countrymen his expertise in Geology.
Napakalaking kawalan para sa ating bayan si Ray, si Norman at ang iba pa nilang kasamahan. Sila ay mga tunay na bayani. May they rest in peace.
6 Comments:
Amen, Ka Uro. Kababasa ko lang ng balita.
UP Diliman po pala kayo. I know this is a long shot...pero may nakilala ba kayong Geologist student na halos ka-batch ninyo siguro - Al Protacio?
By Anonymous, at 12:38 PM, April 29, 2005
bakit ganun, laging nauuna ang mabubuting tao. kaya nga minsan gusto ko ng maniwala na matagal mamatay ang masamang damo, daming kurakot sa gov't. natin, bakit di sila ang mauna.
By Tanggero, at 2:40 PM, April 29, 2005
pamilyar ang pangalan Al Protacio, pero di ko matandaan kung na-meet ko sa AS bago ako lumipat sa Eng'g.
sette, norman is benjie's younger brod. ka-batch mo nga yata siya.
mr.tanggers, buti na lang tayo matagal ang buhay ano. bakit kaya? tagay muna.
By Ka Uro, at 3:22 PM, April 29, 2005
bwakanginangyan, kung sino pa ang ayaw mong mamatay dahil alam mong tunay silang pinoy, yun pa ang unang kinukuha.
naiinis ako.
By batjay, at 4:40 PM, May 01, 2005
oo nga kuya batjay. kakainis na nakakalungkot.
By Ka Uro, at 11:55 AM, May 02, 2005
kaya pala parang pamilyar ang pangalan nya, nagtrabaho rin pala sya sa Benguet Corp.
kuyang, na-extra pa nga naman ang post mo ano? :)
ang hirap nga rin ng feeling. di pa ma-identify ang labi ng kapatid mo.
By Kiwipinay, at 11:23 PM, May 07, 2005
Post a Comment
<< Home