mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Thursday, April 21, 2005

Watching Cartoons can be Good for your PC

Sa wakas, naawa din sa akin at pinalitan nila ng bago itong workstation ko. Mahigit isang taon ko rin pinagtiagaan yung dati kong Compaq PIII computer. Mabagal na at maliit pa ang capacity ng hard drive.

Buti na lang napanood ko itong “Finding Nemo”. Di ba’t sa cartoons na ito ang ginawa nila Nemo pinasakan nila ng bato yung tubo ng water filter para magbara at maglumot ang aquarium. Kasi kapag malumot, kailangan linisin.

Tama nga naman, kung madumi, kailangan linisin or PALITAN. Kung parating malinis at mukhang bago paghihinayangan nila itong palitan. So, pinabayaan ko lang kumapal ang libag sa PC ko. Naging epektib naman dahil nung sinabi ko sa boss ko na luma na at mabagal na ang PC ko at nakita niyang gusgusin na ito, parang nandiri pa siya at agad-agad nag fill up ng purchase order.

So ngayon hapi na ako at may bago akong HP P4. Pinalitan pa ang CRT monitor ng isang HP 17” LCD screen. Inggit nga itong mga katabi ko. Problema lang ngayon, di ko na pwedeng idahilan na mabagal ang PC ko kapag di pa tapos ang pino-program ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker