Iron Man
Katulad ko, ever since na tumira kami sa abroad, IronMan na ang role ko. Ako ang taga-iron ng mga damit namin every week. “Tigas” tayo e. Tiga-sampay ng nilabhan kada Sabado. Linggo ng gabi, ironing naman. Kaya eto, tone na tone ang mga biceps ko. Macho talaga.
Mabuti nga ngayon at malamig-lamig na ang panahon dito. Which means okay na'ng magsuot ng sweater o jacket. Kasi kapag naka-sweater ka, kahit hindi plantsado ang panloob na polo shirt mo, okay lang. Ang kailangan mo na lang plantsahin ay yung kwelhiyo. Huwag lang sanang mangyari ang tulad ng nangyari sa isang kumpare ko. Nagtataka yung mga opismeyts niya, pinagpapawisan na siya bakit naka-merkana pa, e gayung sira ang aircon. Hindi nila alam, hindi niya mahubad ang merkana niya kasi di plantsado ang panloob niya.
Sa abroad, kailangan may alam ka sa mga gawaing bahay. Dapat multi-skilled ka, flexible at handa kang magpakumbaba. Tulad ni Pareng J ko na taga Canada. Unang naging trabaho daw niya sa Toronto ay “Stock Analyst”. Sabi ko, galing naman parang yung sa Wall Street. Hindi sabi niya. Nasa supermarket daw siya, nare-refill ng stocks tuwing gabi. Si E naman unang work niya dito sa Auckland, may kataasan din. “Floor Manager” siya sa Sky City Casino. Floor manager as in managing the floor. Sige na nga, janitor.
O well, ganyan talaga siguro ang buhay abroad. Kailangan pinapatawa mo ang sarili mo. Learn to accept things good and bad with humility, grace and humour.
15 Comments:
Iron man din ako noon... Eto ang mga ginagawa ko para maibsan and hirap sa pagplantsa....
1. Gumamit ng ant-static/anti-cling sa final wash
2. I-hanger ang mga damit pagkalaba. Minsan ay hindi na nga kailangan plantsahin...
3. Kama-press ver.1 - I-latag ang damit sa kama, tapos pasadahan mo ng iyong mga palad para matanggal ang mga gusot. Presto! Pwede nang i-tiklop...
4. Kama-press ver.2 - Para sa mga makakapal na garments. I-ipit ito sa kutson ng iyong kama bago matulog. In the morning, pwede na itong gamitin...
Ayus ba.....
By Anonymous, at 9:38 AM, May 17, 2005
ayos na ayos deacs. 2 and 3 ginagawa ko na. pero yung 1 and 4 susubukan ko this week.
nung una, super ironman talaga ako. pati tualya, brief, panty, panyo niplaplantsa ko. kasi naman kapag malamig dito kung minsan hindi sila masyadong natutuyo. maaarawan nga maghapon, pero kapag hindi mo naihango kaagad malalamigan sila kaya akala mo mamamsa-masa pa.
buti na lang nakabili na kami ng dryer. kaya pagkahango sa sampayan, diretcho sa dryer ng ilang minuto. para lang mainitan. pagkatapos i-dryer, sabay tupi na kaya parang plantsado na rin.
By Ka Uro, at 10:27 AM, May 17, 2005
diba meron yung plantsa na steam ang gamit? gleng non, di pa masusunog ang damit mo.
i saw on tv somewhere na pag nasa travel ka tapos gusot shirt mo, ilagay mo daw sa banyo ang shirt mo tapos expose mo yun sa steam from the shower for a while. maaalis daw gusot.
By fionski, at 10:52 AM, May 17, 2005
ate fions,
meron nga non, pero di ko afford. eniweys kwelhiyo na lang naman ang niplaplantsa ko. but i'll remember your tip about the shower thing. mukhang maganda yon kasi kapag nagtratravel ka galing sa maleta ang damit mo kaya may gusot. ironlady ka rin ba?
By Ka Uro, at 11:23 AM, May 17, 2005
Miss Fiony, yun ba yung upright steamer?...nakabili ako nung pinakita yun sa tv ... 'namputsa! nung ginamit ko sya maghapon namaga kilikili ko sa kakawagayway...ginagamit ko na lang pang-facial..pero okay yung tip mo sa shower, epektib...sabayan mo pa ng ligo, nakapag-shower ka na nakapag-plantsa ka pa...maglaba ka na rin habang naliligo, gleng gleng mo na talaga...
By Anonymous, at 11:56 AM, May 17, 2005
di ubra sa 'kin yang ganyan, hiwalay kung hiwalay - ang puti sa de color, heheheh.
kami rin, hati ng chores sa bahay, ako taga-vacuum at taga-luto, si esmi ang laba at hugas ng kinainan. yung part-time maid ang taga-plantsa at taga-linis ng mahihhirap linisin at anak ko ang taga-kalat.
By Tanggero, at 2:24 PM, May 17, 2005
Tanggers, galing ng division of labor ninyo. taga-kalat.. ha ha ha
By Ka Uro, at 4:08 PM, May 17, 2005
ka Uro, pwede ba ipadala ko asawa ko dyan at i-train nyo din maging tigasin? tiga-plansta at tiga hugas ng pinggan kasi ayaw nun eh...gusto ko din syang maging macho na tulad mo, ha ha
bakit nga ba lalaki (nde ko nilalahat ha, baka ma banned ako dito he he) short cut mag trabaho at kuelyo lang plachado! may kilala din akong ganyan (^-^)
i agree, dito sa abroad at times we need to create our own happiness ...such in little things like giving titles to what we do..i like that floor manager title
By Anonymous, at 7:45 PM, May 17, 2005
Sa paglalaba may washing machine.
Sa mga pinagkainan may dishwasher.
Sana may shortcut din ang pagpa-plantsa.
By jinkee, at 10:08 PM, May 17, 2005
Sobrang nakaka-relate ako, Ka Uro. Baguhan lang kami dito sa US at eto naman ang mga kakaibang experiences ko:
MADE IN AMERICA
Naturally, I also went window shopping during my spare time. I went to GAP, ESPRIT, NIKE, and other popular stores in the Philippines expecting that I would find the “orig” brands that we wanted back home, “Made in America”. Surprisingly, most of the things I found were imported and made from China, Hong Kong, Taiwan, Singapore…these were the imported stuff here, I forgot about that! Oh, my friends and relatives would be so disappointed if I send them these goodies!
THRIFT SHOP GALORE
Winter was fast approaching when I got here; I could feel it in the chilly air. Auntie Gretchen was fast to rescue me. She brought me to a thrift shop for my winter clothes shopping. She was kind to me ever since I got here. I also couldn’t forget when she brought me along during the Thanksgiving sale, when we had to wake up at 4:00 am and was surprised to see a long line of shoppers who were at Wal-Mart earlier than us!
Our all-time favorite shopping place was the thrift shop. Almost every weekend, the Filipino teachers brave the icy cold weekends to find comfortable coats for the winter in thrift shops. We would shop ‘til we drop!
I was able to fully furnish my room after we returned the furniture that we rented. I myself couldn’t believe the blessings! Free furniture outside our room! And they called it here “refuse”. People came and went from this apartment. People who moved out just left everything that they couldn’t haul near the elevator…it so happened that our room was just a few steps away from the elevator. We found shelves, cabinets, TVs, lamps, beds, a lazy buoy, tables, racks…name it! We eventually called these stuffs “heaven sent” or “bundle of joys” for us.
* True! It was as much fun as it was difficult to be in the U.S. Ginawa ko nang blog entry eto. Sobrang natutuwa naman ako sa blog mo, parang mga entries ko na rin ang binabasa ko sayo*
By Teacher Sol, at 3:46 AM, May 18, 2005
Quote:
"Sa paglalaba may washing machine.
Sa mga pinagkainan may dishwasher.
Sana may shortcut din ang pagpa-plantsa."
Meron din - Dry Cleaners - and polo shirt long sleeve $1.25 ang isang piraso.
mga pantalon - $2.50 naman ang pares.
Hindi lang ako TIGAS dito sa bahay, lagi ko pang pinaluluhod si misis - kasi pinalalabas ako sa ilalim mg kama at oras na para mamalengke!
By Huseng Busabos, at 4:27 AM, May 18, 2005
thess, ganyan din ang sabi sa akin ni esmi. mahilig daw ako sa shortcut. pinapintura sa akin yung isang kabinet. nilaktawan ko yung mga ilalim ng shelves. sabi niya bakit di ko pinintura. sabi ko wala naman titingin doon e. sabi niya ang duming tingnan. sabi ko, "e ikaw e, tinitingnan mo pa. e di huwag mong tingnan". ayos ba?
By Ka Uro, at 7:27 AM, May 18, 2005
jinkee,
yan din ang gustong mangyari ng biyenan ko. dapat daw bilhin namin yung washing machine na pagkatapos labhan, automatic matutuyo na (para walang ng sampay-sampay. actually meron na nga noon), at pagkatapos matuyo, automatic din nakatupi na o plantsado na. sabi ko sa atin meron non. tawag don, "maid".
By Ka Uro, at 7:31 AM, May 18, 2005
huseng,
medyo mahal ang dry clean. dun na lang yata ako sa suggestion ni deacon. o kaya, mag-sideline kaya ako no? $0.50 na lang ang polo shirt, $1 ang pares. plantsa lang ha.
By Ka Uro, at 7:38 AM, May 18, 2005
mam sol,
naalala ko nga yung mga thrift shop nung nasa LA pa ako. super mura talaga. dito meron din pero not as many as those in LA.
mas uso dito ang Garage Sales. every saturday/sunday. kailangan lang maaga ka. kapag sinabing 8AM ang start, 7 dapat nandun ka na. otherwise kapag tinanghali ka, lahat ng maganda ubos na.
By Ka Uro, at 7:44 AM, May 18, 2005
Post a Comment
<< Home