mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Sunday, May 15, 2005

Gutom na Gutom

Wala lang. Nakuha ko ito galing sa Diaryo Filipino dito sa Auckland. Nakakatawa, kasi pwedeng mangyari, lalo na't perstaym mo pa lang sumakay ng eroplano.

May isang Pilipino ang sumakay ng PAL papuntang San Francisco. Pagdating niya sa San Francisco International Airport, nakita niya ang kanyang kapatid na susundo sa kanya.
"Kuya kumusta?"
"Mabuti naman", ang sagot.
"Kuya parang namumutla ka at nanghihina? May sakit ka ba?"
"Wala naman, gutom na gutom lang ako, pwede bang pakainin mo muna ako bago tayo magusap."
"O sige ba, bakit kuya hindi ka ba nila pinakain sa eroplano?"
"Marami nga silang binibigay pero tuwing dumadaan sila sa akin nagtulog-tulugan ako baka kasi sisingilin nila ako, eh wala akong pambayad."


Naalala ko tuloy yun namang kumare ko nung bagong dating dito sa NZ. Sa McDo siya nagtrabaho. Tuwing nag-riring ang telepono, nagkukunwari siyang busy para hindi siya ang sumagot ng phone. Eventually, nakahalata ang boss niyang kiwi at tinanong siya kung bakit hindi siya sumasagot ng phone. Inamin na niya, na hindi niya alam kung paano makipagusap ng Ingles sa phone. Understanding naman yung boss niya. Tinuruan siya at pinagaral pa siya ng courses sa customer relations at pagkatapos ng ilan taon na promote pa siya bilang Manager nung branch.

It's one trait I like with most of the kiwis I've known. If you're honest with them and you tell them you need help, they won't hesitate in giving you the help you need. And they never look down at you.

11 Comments:

  • oh boy! i just wish my principal is a kiwi...wishful thinking...

    KA URO, bilib ako sa inyo naghanap talaga kayo sa blog ko ng entry na binanggit ko dito, at nahanap nyo pa! I hope it's worth it...salamat po, nakakataba ng puso na binibigyan ng halaga ang blog entries ko.

    By Blogger Teacher Sol, at 3:28 PM, May 16, 2005  

  • mam sol, talagang hinalungkat ko yung blog mo. at worth na worth it naman. walang bola. hindi pa nga ako tapos, tinawag na ako nitong lintek na boss ko. may meeting daw kami.

    By Blogger Ka Uro, at 3:44 PM, May 16, 2005  

  • first time in a plane. kasabay ko papunta sa san francisco ang kapatid kong mas bata at ang lolo ko, na tinatawag kong tatay. sa PanAm kami nakasakay at nilapitan kami ni miss blondie with blue eyes at mabilis, as in slang na slang, kaming tinanong: "coffee, tea or milk?". tanong ni tatay sa akin: "ano sabi?". ewan ko po. sinagot siya ni tatay nang: "yes". inulit na naman ni miss stewardess: "coffee, tea or milk?". aba hindi talaga siya nadala ha. sabi ulit ni tatay: "yes". ayon!, nakahalata rin na hindi namin siya maintindihan kaya binagalan niya ang tanong: "coooffeeee, teeeeea ooor miiiilk?". e di ayos, sabi namin: "coke". okey yung coke dagdag ko na lang sa eksena para mas masaya.

    By Anonymous Anonymous, at 3:46 PM, May 16, 2005  

  • Jr, langya ka. muntik akong mautot sa katatawa. na-imagin ko kasi ang mukha ng lolo mo. how innocent na sagutin ng "yes" ang tanong. ha ha. at yung "coke" punchline, magaling.

    By Blogger Ka Uro, at 4:04 PM, May 16, 2005  

  • Morning Ka Uro...first time ko sa blog mo at talaga namang nakakahalinang basahin ang mga entries mo. Itong particular entry na ito eh nakapagpaalala nung unang sakay ko ng eroplano patungong Germany. Sa takot kong maiwanan, hindi ako umalis sa upuan ko nung magStop over kami sa Thailand. Hindi ako natinag! Pero nagalit ako sa stewardess kasi hindi ako ginising nung oras na ng almusal. Ginutom nila ako! Isa-isa kong babasahin ang mga posts mo.....sana OK lang? O siya, have a nice week ahead of you!

    By Blogger Unknown, at 6:21 PM, May 16, 2005  

  • Rhada, pinaalala mo yung kwento rin nung kumare ko na hawig sa kwento mo. yung isang matandang pinay naman nagtago sa toilet para hindi pababain sa stop over.

    salamat sa pagbisita. cute ni elias. i-link kita ha.

    By Blogger Ka Uro, at 6:30 PM, May 16, 2005  

  • Pa-banka rin ako... meron din akong experience sa eroplano... Sakay ako domestic flight, Air Philippines... Dami ko ininum na sopdrinks sa airport... Pag lipad ng plane, wiwi na wiwi ako!!! Pag akyat ng plane, takbo ako sa CR... Pag sara ko ng pinto walang ilaw, super dilim, 'ala akong makita... labas ako at naghanap ng stewardess, sabi ako 'alang ilaw sa CR. Sabi sa akin, "gannoon ba?" sabay bukas ng cabinet...... at inabutan ako ng flashlight!!!!!

    By Anonymous Anonymous, at 9:08 PM, May 16, 2005  

  • Ka Uro, ola!

    ay naawa ako sa kuya na nagutom, pero I'm sure, next time na sasakay ng plane yan, babawi ng kain tyak! (^-^)

    Happy week to you Ka Uro!

    By Anonymous Anonymous, at 10:33 PM, May 16, 2005  

  • hi, Ka Uro, honesty is the best policy ang motto ng mga taga kiwi?

    just dropped by to say thanks for your kindheartedness sharing me that story today about your friend who lost the laptop.

    By Blogger bing, at 1:00 AM, May 17, 2005  

  • deacon,
    mabuti nga may flashlight, hindi kandila. ay di pala pwede kandila, delikado sa plane.

    thess,
    malamang nga babawi yon. ha ha.

    bing,
    maawain lang ang ibang kiwi. kaya kapag may problema ka sabihin mo sa kanila at kung kaya rin nila, tutulungan ka.

    By Blogger Ka Uro, at 8:25 AM, May 17, 2005  

  • may kwuento rin ako plane ride: may isang pinoy papunta sa Saudi. sa pagsakay nya sa plane ay hindi sinunod ang upuan na naka assign sa kanya at unupo sa banbang unahan ng eroplano. Nang dumating ang may ari nang upuan sila ay nagtalo. tinanong siya kung saan siya pupunta at sinabi sa Saudi. SAbi nang may ari nang upuan: AY SIr yung pung papunta ng Saudi dun po sa bandang huli naka upo at biglang lumisan ang pobreng pinoy!

    By Anonymous Anonymous, at 1:12 AM, May 25, 2005  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker