mGa KuRo-KuRo Ni Ka UrO

Saturday, May 21, 2005

Ano ang Peborit Past Taym Namin?

Tanong ito ni Odette. I pressume past time after work hours ang tinutukoy niya. Maaga nga naman kasing nagsasara ang mga mall. 5:30 pm most days. Pero tuwing Thursday at Friday yung iba medyo late 8:30 or 9:30 pm.

Siguro kung si Batjay ang tatanungin malamang sasabihin niya, mangulangot, or something more irreverent. Kwela talaga yang si Batjay e.

But on a more serious note, the above question is a very valid one and rightly deserves a serious answer. Nararamdaman kong may feeling of apprehension sa tanong, lalo na sa mga nagnanais mag-migrate dito. Ano nga naman ang gagawin after 6PM? Tutunganga na lang ba?

Naikwento ko nga rin ang buhay namin dito sa isang pinsan ko. Sabi ko mabuti pa sa Pilipinas maraming pwedeng puntahan after work. Kasi sa NZ, after 6 PM mostly close na lahat. “Ay boring naman, nakakabato”, ang kanyang reaksyon.

Well, hindi naman talaga lahat sarado ano? Most supermarkets are open until 10PM. Yung iba 24 oras pa. Cinema houses and most video shops are open up until midnight. Most restaurants are also open for late dinner. Casinos don’t close. There are pubs, bars, strip clubs to go to. (Pero di na yata pam-pamilya yon). Marami ring mga cultural events, concerts, at sports events sa gabi. Kung katulad kayo nung isang kaibigan namin na may boat at mahilig sa fishing, pwede rin mangisda sa gabi. Siguraduhin mo lang na may isdang iuuwi at baka pagdudahan ka ni misis lalo na kung amoy powder ka o lotion.

Kami, personally, ano ang peborit past taym namin? Pagdating sa bahay galing sa trabaho, maghahanda ng hapunan si Misis. Siyempre medyo tutulong-tulong ako ng kaunti. Yung anak namin gagawin ang mga assignment from school. Kung wala naman homework at may araw pa, pupunta sa playground at makipaglaro at kwentuhan sa mga kaibigan. Ako naman maaring mag-mow ng lawn kung mahaba na ang damo, o kaya magbasketball sa park sa may tapat namin. Kung minsan nag-iinvite kami ng mga kaibigan para mag-barbecue. O kaya naman kami ang ini-invite. Pagkatapos kumain, maghuhugas ng pinagkainan. Si Misis naman magwawalis o kaya magtutupi ng mga damit. Later sa gabi, manonood kami ng TV o DVD, mag-internet, magbasa ng mga blogs.

You can call it boring. But for me i call it uncomplicated, quality time with my family. Time, it's the best gift you can give to one another.

It’s the time that you spent on your rose that makes your rose so important - (from the The Little Prince by Antoine de Saint-Exupéry)

13 Comments:

  • ditto. we love spending time sa bahay. hindi kami mahilig lumabas, nakakatamad din naman iyong palaging on the go. btw, naalala ko tuloy nung unang dating ko sa Germany, sobrang tahimik as in nakakabato na nakakaiyak. for someone na fresh graduate pa lang that time at sanay sa lakwatsa, parang napakalaking parusa. pero ngayon eh sanay na sanay na ako sa tahimik, ayoko na ng magulo at maingay.

    By Blogger Unknown, at 6:26 AM, May 21, 2005  

  • settejr,
    ganda ng insight na binigay mo. oo nga totoo ang sinabi mo na most pinoy families na tumitira sa abroad lalong nagiging close. siguro dahil sa atin maraming temptation, maraming barkada, maraming mapag-aaliwan.

    hindi naman kailangan lumabas at gumastos para mag-enjoy. magsama-sama lang kayo, masaya na.

    kaw talaga, binuking mo pa ako. ha ha.


    rhada,
    ayan po mga kabayan, gandang rin insight from rhads. di lang pala dito sa nz ang sobrang tahimik. pati pala sa germany. oo nga sa una maninibago ka. dahil hinahanap mo yung tulad sa atin.

    living abroad is a change in lifestyle. katulad nung isang nabasa ko sa isang forum: "you first have to learn to unlearn what you have learned before", then it becomes easy to adopt.

    By Blogger Ka Uro, at 8:31 AM, May 21, 2005  

  • settejr,
    pahabol. nagpapasalamat ako sa dalawa kong mentor, nagturo sa akin kung paano maging tigas at macho. si papa joe at si rj, mga macho rin tulad ko. macho-nurin.

    ipagbunyi ang mga pinoy na macho! pag-asa ng sambayanan. parang rally, ha?

    By Blogger Ka Uro, at 9:21 AM, May 21, 2005  

  • Ka Uro, noon mahilig ako sa mall pero sa kalaunan (o dahil mas tumanda na ko) nanawa na rin. Buti nalang din...kasi malling o nightlife=gastos. Yung asawa ko pareho niyo, he prefers time with the family. Prefers to stay home, eat home cooked food, watch DVD together, o maggitara. Ako pa ata ang mas gala sa kanya...! :D I guess I am lucky to have a husband who prefers to go straight home after work, despite the temptations here in Manila. Thank you for pointing this out.

    By Blogger Sassafras, at 1:50 PM, May 21, 2005  

  • settejr,
    cindy is matakaw ulit, petet may pimples pa rin. gusto ngang magpa-derma. pina-schedule ko na rin sa derma, nakakaawa, nako-conscious masyado sa pimples.

    sass,
    kung ganon, di kayo mahihirapan mag-adjust sa buhay abroad. swerte mo, tigas din pala si hubby.

    By Blogger Ka Uro, at 2:16 PM, May 21, 2005  

  • we don't usually go out na kasi magastos, nakakapagod, mainit, delikado. pero ang pinakadahilan - MAGASTOS! ha ha ha

    cheers!

    By Blogger bing, at 9:11 PM, May 21, 2005  

  • The owner of the Oriental Store I go to here said when asked why I hardly see fellow Pinoys was that they like to stay at home. Totoo!
    Like what Juliet said, magastos but lucky for me, even if the malls close early (like there) we can do a lot of activities without spending money. Beach..beach..beach...

    By Anonymous Anonymous, at 3:49 AM, May 22, 2005  

  • bing,
    ha ha ha. correct ka don.

    patrice,
    tama yon. there are lots of other activities the family can do together na hindi naman magastos.

    i have a problem opening your blog from home. lumalabas puro mga smilies. and is totally unreadable. sa office okay naman.

    By Blogger Ka Uro, at 8:30 AM, May 22, 2005  

  • nangulangot din ako nung nasa NZ kami ni jet. maaga ngang magsara ang mga malls pero NZ is much more than the commercial establishments. tama ka partner, masarap ang tumambay sa pub or perhaps sa isang restaurant by the pier.

    i love new zealand. i love it's pulse and the people i've met over there we're all warm and friendly.

    By Blogger batjay, at 3:55 PM, May 23, 2005  

  • salamat sa pagbisita sa site ko ginoong batjay. nabasa ko nga yung mga entries sa blog nyo nung napasyal kayo dito. regards na lang kay jet. baka masyado mong pinapagod ngayong kababalik pa lang sa sg. cheers.

    By Blogger Ka Uro, at 4:09 PM, May 23, 2005  

  • Ka Uro,
    Pareho tayo ng values in life. Kaya nga kung papipiliin ako ng lifestyle sa NZ or USA, laging NZ ang sagot ko dahil simple living. Boring siguro sa iba ang life routine mo, pero ganyan din ang sa akin but I love and enjoy it. Walang pwedeng katumbas ang time ko with my family.

    By Anonymous Anonymous, at 4:13 PM, May 24, 2005  

  • Sorry, I forgot to sign my name , Ka Uro. Pls. take note that I wrote my comments on 24 May (4:13pm). Alam kong kilala mo ako.


    Mystica

    By Anonymous Anonymous, at 4:15 PM, May 24, 2005  

  • wow, Ka Uro parehas pala tayo ng idea of a past time..uncomplicated family time with my family..I'm so excited na mag-apply na papunta NZ..

    By Blogger Adolf Reyes, at 8:21 PM, August 12, 2010  

Post a Comment

<< Home


 
eXTReMe Tracker